Monday, March 14, 2011

Ang Ebanghelyo Ayon sa mga Magsasaka

Ang Ebanghelyo ayon sa mga Magsasaka

Ika ng ni Ka Andres Bonifacio na kanyang tulang “Pag – ibig sa Tinubuang Lupa”

Aling pag – ibig pa ang hihigit kaya, sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag – ibig sa tinubuang lupa, aling pag – ibig?

Wala na nga, wala.

Walang mahalgang hindi inihandog ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.

Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagut – lagot.

Ang nakaraang panahon ng aliw,

Ang inaasahang araw na darating ng pagkatimawa ng mga alipin, liban pa sa bayan, saan tatanghalin?

Sa aba ng abang mawalay sa bayan, gunitain ma’y laging sakbibi ng lumbay,

Walang alaala’t inaasam – asam kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak, kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat.

Ng bala – balaki’t makapal na hirap, muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Ipakahandug – handog ang buong pag – ibig. Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis.

Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit, ito’y kapalaran at tunay na langit.

Aling pag – ibig pa ang hihigit kaya, sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag – ibig sa tinubuang lupa? Aling pag – ibig?

Wala na nga, wala, gaya ng pag – big sa tinubuang lupa.

Ang Ebanghelyong ito ay pagpupugay sa mga magsasaka at manggagawang bukid na walang sawang nagpapagal araw – araw, na di nila alintana ang init at ulan, sa kabila ng kanilang pagpupunyaging makaalpas sana sa kahirapan ay nagpapatuloy pa rin sila. Sa kabila kahirapan at di pantay na pagkilala sa kakayahan ng mga maliliit na magsasaka at manggagawang bukid na mapag – ibayo at mapaunlad ang lupang kanilang sinasaka ay nagpapatuloy pa rin sila sa paggawa alang – alang sa kapakanan ng karamihan at para may makain ang bawat hapag ng bawat pamilya.

Ito’y para sa mga magsasaka at manggawang bukid na naging magsasako na, dahil sa mahal ng mga pestesidyo’t chemicals at kulang nalang at magsuicide ang mga magsaasaka dahil sa sobrang mahal ng kanilang gagamitin mula sa paghahanda ng taniman, punla at hanggang sa panahon ng anihan ay walang matitira sa kanilang ani dahil sa nakaabang na din ang mga komersyanteng walang awa sa mga ito. Sa iba’t – ibang panig ng bansa ganito lagi ang daing at ating maririnig sa mga magsasaka na kaylan man walang umaasenso sa kanila sapagkat laging ginigipit ng mga komersyante’t mga traders na gahaman, sakim, ganid at pahirap sa masa. Nariyan din ang di pantay na pagtrato sa mga magsasaka na kung saan sila na tinatawag nating bumubuhay sa karamihan at nag – aalay ng kanilang buhay para may makain ang bawat hapag sa araw – araw.

Ito’y para sa mga api, aba, maralita at magsasakang pinagkaitan ng tadhanang mapagyaman ang lupang kanilang binubungkal dahil sa sinasabi ng ating pamahalaang kaunlaran at pagbabago. Eh, ang tanung para kaninu nga ba ang kaunlarang sinasabi ng ating pamahalaan at sino ang makikinabang nito? Ang nubenta porsyento ng mamamayan na karamihan nito’y sala’t at maralitang pinagtitiisan ang kararampot na kita at ani para maitawid sa gutom ang kanilang pamilyang sinasabing sagabal sa kaularan, O ang mga may kaya na walang ibang ginawa kung hindi magpayaman ng magpayaman hangga’t may makukuha o mapapakinabangan sa isang lugar.

Napakasarap pagmasdan at namnamin ang tulang ito na kung saan punong – puno ng pag – asa, pagmamahal, at pagmamalasakit sa tinubuang lupa na walang ibang makikinabang at magtutulungan kung hindi tayo din na mga Filipino na nakatira sa Bansang ito. May isang kuwento ng isang magsasakang aking nakasama noong nakaraang rural ministry at exposure ko na nagngangalang Tano sabi niya matagal nang panahon na kami’y nagtitiis sa pagiging ganid, sakim, at gahaman ng mga komersyante sa ditto sa aming nayon. Halos isang araw ang aming nilalakad para lamang marating ang pamilihang bayan na dala ang aming prrodukto, sa kabila ng aming pagod at hinagpis na aming dinaranas ay babaratin pa ng mga komersyante ang aming produkto, at kapag magreklamo kaming mga magsasaka dahil sa sobrang baba ng presyo’y sasabihin ng komersyante na huwag ka nang magreklamo biglang bumaba ang presyo at di magandang klase ang iyong produkto, kaya walang magagawa ang kawawang si Tano at babalik na sa kanilang bahay na pasan ang daigdig dahil sa nangyari sa pamilihan. Dahil sa ganitong kalagayan ay mapipilitan si Tano na ibenta ang kanyang lupa dahil sa binabalik – balikan na siya ng komersyante dahil sa baon na siya sa utang, siya’y walang magagawa dahil nga sa baon siya sa utag, ang labas nito’y alipin siya sa kanyang sariling lupa, kasama ng buong pamilyang mamamasukan ngunit kahit kaylan hindi sila giginhawa dahil sa bagsik at bangis ng kanilang amo.

Ayon sa Tula ni Lukas na isa kong kaibigan, na pinamagatang “Biktima Hanggang Ngayon”

Kilala ko ang mga kamay na nakikipagsapalaran sa karit na naging karugtong ng aking buhay.

Naramdaman ko ang hapdi at alat na iyong nararanasan,

Dahil sa mga panginoong May Lupang pinagsasamantalahan ang iyong lakas paggawa.

At kilala ko ang mga taong dumadaan at naglalakbay dito dahil sila ang naghahasik ng kaguluhan sa aming komunidad;

Ngunit may mga totoong kapwa na walang sawang nagmamahal at nagmamalasakit sa aming kalagayan bilang mga magsasaka.

Silang mga pulang mandirgma na patuloy na nagmamalasakit at nakahandang mag – alay ng kanilang buhay alang – alang sa kapakanan, karaingan at karapatan ng mga magsasaka at mangagawang bukid.

Ang aming pamilya’y tubong Tarlac, na kung saan napunta ng Mindanao (South Cotabato) dahil sa Presidential Decree ni Pangulong Magsaysay na sa pamamagitan ng PD na ito kung kaya’t ang aking magulang kasama ang kanilang ibang kamag – anak ay nagmigrate doon dahil sa pangako ng Pangulo na sila’y may malawak na lupaing mabubungkal kaya lang hahawanin nila ito para mataniman ng palay, mais at iba pang halaman na puweding kainin.

Sa ganung kalagayan ang ginawa ng karamihang nagmigrate kasama ang aking mga magulang ay pinapalitan ng kumot, sundang, gamit sa kusina ang lupang gusto nilang mapagyaman, hanggang sa dumating ang panahong malawak na ang kanilang nalinisan nagsimula na rin ang mono cropping na kung saan lahat sila’y nagtanim na ng palay sapagkat sa panahong iyon ay marami pa silang pinagkukunan ng tubig na magagamit sa kanilang palayan, na ito na nga dahilan sa ngayon kung bakit ang mga magsasaka ay baon sa utang at kung sa anihan puro sako nalang ang kanilang dala pauwi sapagkat kinuha na lahat ng nagpapautang o komersyante ang lahat ng kanilang ani at kung minsan ito’y kulang pa. Hanggang sa isang araw binili ng aking tita at mga kasama nito ang lupang kanilang pinagyaman sa pinaka murang halaga sa isang Datu (Moro).

Sa paglipas ng maraming taon na amin nang napagyaman ang lupang iyon saka muling binabawi ng mga anak at apo ng Datu na siyang nagbenta ng lupa, at doon din lang namin nalaman na ang ibinigay na katibayan ay deed of sale lang, hindi yon ang mother title kaya sa madaling salita nabawi ng mga anak at apo ng Datu ang lupang iyon. Ngunit hindi dito nagtatapos ang kanilang pakikipaglaban na mabawi ang lupang iyon kung kaya idinulog nila ito sa Mayor sa aming bayan maging sa Provincial Trial Court, pero agad na sinabi ng husgadong malabong mabawi pa ninyo ang lupa sapagkat ipinapakita na sa katibayang hinahawakan namin na ito’y deed of sale, ang sa kanila’y mother title kaya nabawi nila ang lupa. Sa kabila ng pangyayaring iyon ang ginawa nila tita ay muli nilang ipinasukat ang lupang di nabawi ng mga anak at apo ng Datu kaya napagkasunduan nilang may tig- isang ektarya sila. Sa bahagi ng area na iyon. Sa kabila ng pangyayaring iyon ay napanatili ng bawat panig ang magandang ugnayan at relasyon. Na dito naman ako humahanga na kung saan sa kabila ng kanilang uring pinagmulan, kultura, tradisyon, lahi at oryentasayon sa buhay ay nanatili ang magnadang relasyon ng bawat isa.

Ang simbolo na aking napili ay Lupa na kung saan ito’y nagsisimbolo ng Buhay, Pakikibaka, at Pag – asa. Ating isasahin ang mga ito:

Una Ang Lupa Bilang Buhay - Kapag pinag – uusapan ang Lupa di natin maiiwasang kasama nito ang Buhay na kung saan ito’y nagbibigay buhay at karangalan. Sa atuwing ako’y nagmumuni – muni di ko maihihiwalay ang karanasan at hinagpis ng mga kapatid nating mga katutubo na kung saan sila’y laging kawawa at walang kamalay – malay na ang lupang kanilang sinasaka at pinagyayaman ay unti – unti nang inaagaw at kinakamkam ng mga Multi National Corporations at Trans National Corporations sa pamamagitan nito kanilang kinoconvert ang lupa at sakahan sa mga nagtatayugang mga gusali, golf course, subdivision na ni minsan di man lang nasilayan .Ang bawat isa’y naghahangad na maging Malaya sa kanyang sariling bayan na kung saan malayo sa mga mapagsamantala at mapang – aping kaugalian ng iilan. Na tayo’y nagmula sa lupa at babalik na kusa. Ika nga ni Ka Mc’ling Dulag ng Cordillera People’s Alliance: na Ang lupa ay buhay, at ang pagako ng isang lugar ay karapatan ng bawat tao. Kung ang mga hamak na hayop ay nag – aangkin ng kanilang lugar, tao pa kaya? Isinilang ang tao upang mabuhay. Pinagkalooban tayo ng buhay ni Apo Kabunian, Diyos nating lahat, at inilaagay niya tayo sa daigdig upang mabuhay. At saan natin makakamtam ang buhay? Mula sa lupa! Ang magbungkal ng lupa ay isang katungkulan, hindi lamang karapatan. Sa pagbubungkal dito, inaangkin natin ito at inaako natin ang pananagutan dito! Kaya nga’t ang lupa ay biyaya na kinakailangang mapagyaman. Banal ang lupa. Mula sa kanyang sinapupunan bumubukal ang ating buhay.

Sinasabi sa Chief Seatles Reply isang statement ng isang Theologians na Amerikano na “We know the white man does not understand our ways. One portion of land is the same to him as the next, for he is a stranger who comes in the night and takes from the land whatever he needs. The earth is not his brother, but his enemy, and when he has conquered it, he moves on. He leaves his fathers graves behind, and he does not care. His father’s graves, and his children’s birthright, are forgotten. He treats his mother, the earth, and his brother, the sky, as things to bought, plundered, sold like sheep or birth deads. His appetite will devour the earth and leave behind only desert. Sa ganitong kalagayan muling bumabalik sa aking alaala ang labis na paagmamalupit ng mga dayuhan para lamang malinlang ang mga ninuno natin na kung saan isang pirasong kumot o damit ay naipagpalit nila ang kanilang lupa dahil sa sila’y nalinlang at naluko. At dahil din sa kristiyanismo lalo na sa mga pari at hari na nagpasasa sa yaman ng ating bayan sa mahabang panahon, na kaylanma’y di na natin mababayaran liban na lang kung din a siya makikipag – alyansa sa Estados Unidos maging sa bansang walang ibang ginawa kundi pagsamantalahan at sirain ang lupain maging ang mga katutubo’y di na nila malaman kung saan pupunta para magkaroon ng matahimik at mapayapang pamumuhay na kung saan wala nang nanggugulo, nagsasamantala at nang – aapi sa kanilang lahi.

Sa paglipas ng mahabang panahon ay ganito pa rin ang nangyayari sa ating bansa sapagkat nanatiling nakabuntot at laging nakasunod sa nais ng imperyalistang Estados Unidos at European Union sa iba’t – ibang larangan. Nasasabi ko ito sapagkat nagpapatuloy tayong mala kolonyal at mala pyudal at nagagamit pa din nila ang pangulo at ibang mga opisyales para sa kanilang pansariling kapakanan. Maging sa mga kurso na offer sa iba’t – ibang unibersidad at kolehiyo’y lalong dumadami ang kumukuha ng mga vocational courses sapagkat ito’y angkop sa mga trabahong kaylangan sa ibang bansa.

Ayon SA Levitico 25: 23-28 Na Hindi ninyo maipagbibili nang lubusan ang lupa sapagkat iyon ay akin; pinatitirhan Ko lamang Sa inyo. Kaya, maipagbili man ang alinmang bahagi ng iyong inyong lupain, iyon ay kailangang magbalik sa dating may – ari. Kung sa inyo’y may maghirap at mapilitang magbili ng kanyang ari – arian, tutubusin agad iyon ng pinakamalapit niyang kamag – anak. Kung wala siyang kamag – anak na makakatubos niyon, siya na rin ang tutubos pag umunlad uli ang kanyang kabuhayan. Ibabalik niya sa bumili ang katumbas na halaga ng nalalabing taon bago dumating ang taon ng paglaya. Sa gayon, mababalik sa kanya ang kanyang ari – arian. Ngunit kung wala pa siyang sapat na pantubos, bayaan niya iyon sa bumili hanggang sa taon ng paglaya, at ang ari – arian niya’y mapapabalik sa kanya nang walang bayad.

Ang kuwentong ito sa Lumang Tipan ang isa sa mga paborito kung talata sapagkat nagsasaad ng paglaya ng lahat, kung saan napakahalagang muli nating binabalikan ang ating pinagmulang lupa na kung saan dito tayo nagmula at babalik na kusa. Sa tuwing binabasa ko ang mga talatang ito napakadami ng mga pumapasok sa aking isipan na gaya nito: Kailan kaya maipapatupad ang Genuine Land Reform na kung saan ang mga magsasaka at manggagawang bukid ay nagmamay – ari na mga lupang sakahan, din a sila tinataboy n gating sistema sa kanilang tirahan at lupa, wala ng nakikipagsapalaran na mangibang bayan para magpaalipin at mapagsamantalahan, at higit sa lahat ang mga Multi National Corporations at Trans National Corporations ay mabawi ng mga uring mangagawa na sila na ang nagpapalakad nito (national industrialization) sa pamamagitan nito makakapagsimula tayo ng panibago na din a tayo nakadeepende sa dekta ng mga naghaharing uri gaya ng Estados Unidos at European Union.

Lupa hindi Bala, Pagkain hindi Bomba ito ang patuloy na sigaw ng mga magsasaka at manggagawang bukid na kung saan dalawamput – apat na taon na ang nakakaraan mula ng maganap ang Mendiola massacre na kung saan labing tatlo sa mga libu – libong magsasaka ang naging biktima nito dahil sa kanilang adhikaing maipatupad na ang Genuine Land Reform na kung saan ipapamahagi ang malawak na lupain ng mga simbahan, institusyon at maging ang Haciendang Luisita, Yulo, Zubiri, Ledesma, Ayala – Zobel, Soriano, Alcantara – Dominguez, Antonino, Floreindo, Roxas, Aguinaldo, Villafuerte, Dy at Marcos. Ngunit ilang libong taon pa kaya ang lilipas para maisakatuparan ang mga ito sapagkat di kayang maipatupad ng ating pamahalaan na mapagkalooban ng lupa ang mga kapatid nating mga magsasaka at manggagawang bukid dahil sa unti – unti ng naibenta ng ating pamahalaan ang lupain dito sa ating bansa, ang pinakamasaklap pa nito ang inihalal ng taumbaayang mga mambabatas ay walang ginagawa na mabago ang sistema at kalagayan ng mga magsasaka at manggagawang bukid sapagkat gumagawa sila ng mga batas at palisiya na angkop lamang sa kanila, at tayoy’ nagiging dayuhan na sa ating sariling bayan sapagkat alipin na tayo ng mga dayuhang walang ginawa kundi ubusin ang likas na yaman ng inang kalikasan. Dalawamput – apat na taon na ang nakaraan wala pa ring lupa ang mga magsasaka. Patuloy pa ring kinakamkam ang kanilang lupain, patuloy pa rin silang pinagsasamantalahan ng panginoong maylupa, at kung sila’y lalaban para sa kanilang lupa dinaranas nila ang iba’t – ibang klase ng pandarahas, harassment at kung minsan pagpaslang.

Sa halip na baguhin ang kalagayan ng mga magsasaka, pinanatili lang ito ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP of 1988 ng reheming Corazon - Aquino. Ginawa ang batas na ito ng gobyerno ng mga panginoong maylupa, kaya natural na naglilingkod sa interes nila ito. Punong – puno ng butas ang batas na ito na pabor sa kanila. Kaya naman pito sa bawat sampung magsaaka ang walang lupa. Dahil dito, napuwersa silang manilbihan at magpa - alipin sa mga panginoong maylupa, na nagpapabayad sa kanila ng kalahati, sangkatlo o sangkaapat ng ani bilang upa sa lupa. Dahil mahal din magrenta ng mga gamit at binabarat ang benta ng ani, mababaon lang nang mababaon sa utang ang mga kapatid nating mga magsasaka, maralita at mangagawang bukid.

Samantala, minomonopolyo ng kakarampot na pamilya ng mga panginoong maylupa ang napakalaking bahagi ng lupang agricultural sa bansa. Nariyan halimbawa ang mga Cojuangco – Aquino, Roxas, Aguinaldo, Yulo, Ayala, Villafuerte, Dy, Marcos, Floirendo, Alcantara – Dominguez, at Soriano. Nagpapasasa sila sa yaman mula sa pinaghirapan ng mga magsasaka. Pinatindi ang kawalan ng lupa ng mga mangagawang bukid at magsasaka sa pagsunod ng bansa sa globalisasyon. Para makapag – eksport ng mga produktong gusto ng dayuhang pamilihan, maraming lupa ang kinamkam. Tinambakan ang bansa ng mga import na produktong agricultural, dahilan para mawalan ng ikinabubuhay ang maraming magsasaka at manggagawang bukid. Ang lahat ng ito ang pinanatili ng tinatawag na CARP extension with reform o CARPer na ipinasa noong 2009. Sa likod ng ilusyong maka – magsasakang ito, pinanatili lang nito ang monopolyo sa lupa ng malalaking panginoong maylupa sa bansa. Tulad ng CARP, ginawang batas ito ng kongreso at senado ng mga panginoog maylupa, kaya pabor sa kanila ito.

Katulad sanangyaring Mendiola massacre, sa halip na kilalanin ang paglaban nila sa lupa, dahas ang isinasalubong sa mga magsasaka at manggagawang bukid. Sa mga lugar na hindi regular na inaabot ng midya, laging puntirya ang mga magsasaka at manggagawang bukid, lalo na ang tampok na halimbawa ang masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004. Nagwelga ang mga magsasaka at mangagawang bukid dahil P9.50 lang kada araw ang naiuuwi nilang sahod. Sa halip na ibigay ang makatwirang dagdag sahod, pinagbabaril sila ng mismong militar. Namatay ang pito at nasugatan ang marami. Mahigit pitong taon na ang nakalipas, wala pa ring katarungan para sa mga namatay sa Hacienda Luisita Massacre. May mga taong napatay pero walang taong nakulong o naparusahan. Pinilit palabasin ng gobyernog Arroyo, militar, at pamilya Cojuangco – Aquino na ang mga welgista mismo ang namaril, pero kitang – kita sa video ang totoo.

Sa ilalim ng rehimeng Arroyo, at ng Oplan Bantay Laya nito, 583 magsasaka at mangagawang bukid na ang biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang. Mas marami pa ang biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Napapalayas sila sa kanilang lupa ng panggigera at pagmasaker ng militar sa kanayunan. Marami ang dinukot at sinampahan ng gawa – gawang kaso. At marami ngayon ang nagugulat sa pagbubunyag kung gaano karahas ang pamilya Ampatuan ng Maguindano. Marami silang baril at tauhan dahil pag – aari nila ang 2/3 ng lupa ng nasabing probinsiya. Katulad ng mga Ampatuan ang maraming panginoong maylupa: gagamit ng dahas para protektahan ang pag –aari sa malalawak na lupain.

Pangalawa ang Lupa Bilang Pakikibaka – Ang pagkakaroon ng lupang masasaka o di kaya’y matitirhan ay kaliangang ipinaglalaban at minsan dadanak ang dugo para maprotekhan ito. Ayon sa Josue 8:1-2 “na ganito ang ating mababasa at sinabi ni Yahweh kay Josue; huwag ka nang matakot, lakasan mo ang iyong loob. Tipunin mo ang lahat mong mga kawal at salakayin ninyo ang lunsod ng Hai. Magtatagumpay na kayo! Ibibigay ko sa inyo ang hari ng Hai, ang kanyang mga tauhan, lungsod at mga lupain. Gagawin ninyo sa Hai ang ginawa ninyo sa Jerico. At wala kayong maaaring angkinin doon kundi ang kanilang mga bakahan at mga ari – arian. Maghanda kayo at salakayin ninyo ang lungsod buhat sa likuran”.

Sa mga talatang ito nagpapahiwatig na ang lupang ipinangako ni Yahweh sa angkan ng mga Israelita bago nila ito maangkin ng lubusan ay kalingan muna nilang pagsumikapan at ipaglaban sa pamamagitan ng dahas o di kaya’y kahit na anung paraan maangkin lamang nila ito. Sa mga ganitong kalagayan lagging bumabalik sa aking balintataw ang mga ginawang pakikipaglaban ng ating mga Bayani na kung saan nagbuwis sila ng kanilang buhay para maipaglaban ang ating bansa at maipagtanggol ang kanilang lupang sinasaka mula sa kamay ng mga mapagsamantalang panginoong may – lupa maging ng mga prayle na siyang pahirap talaga sa masa. Sa kabila ng kanilang paghangad at pakikibaka na madepensahan ang inang bansa ay siya namang pagsamantala ng mga misyonerong mga mandarambong at mapagsamantala, taliwas sa pakay ni Yahweh sa mga Israelitang sa kanilang pakikipagdigma para magkaroong ng lupa ay napanatili nila ang kanilang tunay na hangaring ang lahat ay mabigyan o mapagkalooban ng lupa, na ito yata ang ginagawang sangkalan ng iilan para magkaroon ng malawak na lupain na din naman napapakinabangan sapagkat ginagawang golf course, na di naman nakakapasok ang mga dukha at salat para makapaglibang sapagkat mahal ang membership. Ito naman ang ipinaglalaban ng mga magsasaka at manggagawang bukid na sana’y gawing sakahan at tamnan ng palay, mais, root crops at mga iba’t – ibang prutas ang lahat ng golf course, plantasyon ng saging, pinya, palm oil. Mangyayari lamang ito kung tayo’y makiisa sa kanilang panawagang ibasura ang CARPER. Ipaglaban ang Tunay na Reporma sa Lupa. Katarungan sa lahat ng Biktima ng Mendiola at Hacienda Luisita Massacre. Lupa, Sahod, Trabaho at Karapatan ay Ipaglaban. Kabuhayan at Katarungang Panlipunan ay Ipaglaban.

Ayon sa “Awit ng Proletaryo”

Daan taong hinubog mo mga lipunan sa mundo,

Ang kabihasnan ay naitatag sa dugo at pawis mo,

Mga palasyo ng hari ikaw ang nagtayo, Ikaw din ang humukay ng mga palamuting ginto.

Pasan – pasan mo ang hirap sa daan – daang taon, Walang dangal, walang bukas, alipin ng mga panginoon.

Mga yamang nilikha mo tangi nilang luho,

Tuwang – tuwa nagpapasasa sa dugo at pawis mo,

Kaya't sa araw ding ito ikaw ay magpasya, At sa lakas ng Proletaryo wakasan ang pagsasamantala.

Pasan – pasan mo ang hirap sa daang – daang taon,

Kaya dapat bumangon ka lipulin ang mga panginoon.


Laging ito ang nararanasan ng mga magsasaka, maralita at mangagawang bukid dahil sa iba ang inuuna ng ating pamahalaan. Laging dehado ang mga ito sapagkat di pantay ang pagkilala sa lakas ng bawat uri na sinsabi nating Uring Manggagawa at Magsasaka’y pangunahing puwersa sa anung pamamaraan maisasakatuparan ito kung mismo ang ating pamahalaan ang patuloy na gumagawa ng paraan para mas lalong maghirap ang kapatid nating pumapasan ng kahirapan.

Ayon sa Tula ni Bienvenido Lumbera na Agunyas sa Hacienda Luisita: Panata sa mga welgistang Manggagawang Bukid at Magsasakang Minasaker noong Nobyembre 16, 2004:

Walang kampanang kumalembang ng panangis,

Nang kayo’y paslangin ng mga pulis at sundalong bayaran ng naghaharing uri. Kalasti lamang ng gatilyong humaplit sa baling inip na inip sa baril ng mga berdugo. Walang dalanging pumulas sa bibig ng mga matronang paladasal tuwing nobena kay San Isidro Labrador.

Buntong hininga lamang ay: ay, nabawasan din ang bilang ng mareklamong magsasakang kasabwat ng mga NPA.

Walang benditang tumigmak sa amoy – lupang bihis ng mga welgistang humihingi ng dagdag sa P9.50 lingguhang kita.

Dugong pumulandit sa dagsa ng bala,

Dugong pumulandit sa dagsa ng bala,

Dugong pumulandit sa dagsa ng bala, laway na tumalsik nang hatawin ng truncheon, plemang idinahak ng panginoong maylupa.

Hindi kalembang, hindi dasal, hindi bendita, ang dala ng ipo – ipong nagpuyos sa mga dalisdis ng Siera Madre na papatag sa mga tubuhang Cojuangco – Aquino at sa mga kamalig at pabrika ng asendero.

May titis na nagliyab sa dibdib, ng bawat isa sa amin,

at ang mga dila ng lagabgab, ay sasanib sa ipo – ipong dumarating,

hahawiin ng lupang sasaksi, sa itatanim naming lipuanang Malaya’ at hindi na paaapi.


Pangatlo ang Lupa Bilang Pag – asa – sinasabi sa Lukas na 4: 18-19 “Sumasaakin ang Espiritu ng Diyos, sapagkat hinirang ako upang ipangral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya at sa mga bulag na sila’y makakikita; upang bigyang kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Diyos”.

Sa kuwento ng mga talatang ito tunay nga na may inaasam parin tayong pag – asa na kung saan di pa huli ang lahat para tayo’y magkaisa, magtulungan, magmahalan na sa kabila ng ating pagkakaiba ng oryentasyon sa buhay, uring pinagmulan, lahi, kultura, tradisyon. Tuluyan na nating wasakin ang pagsasamantala, pang – aalipin, pang - aalipusta na kung saan ang mga ito ang puno’t dulo sa di pagkakaunawaan at pagkakasundo ng lahat dahil nalasing ang iilan sa kapangyarihan at nakaligtaan na ang mga magsasaka, manggagawang bukid, maralita na ang mga ito ang mga kinikilala nating bumubuhay sa lahat dahil kung wala nang magsaka anu na an gating kakanin. Kung hindi tayo kikilos, Sino ang kikilos? Ang kung hindi ngayon, Kailan.

Ayon sa kuwento ng mga magsasakang kabahagi sa nakaraang Kampuhan sabi nila Bigkis ng Paglaban: ito ang kanilang kuwento, Istorbo raw sa trapiko. Ito ang binigay na dahilan ng paggiba sa kampuhan ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa paanan ng Mendiola, ilang araw pa lamang ng pagkakaupo ng Pangulong Benigno Aquino III. Kuwento ni Edgar Laresma, 29, wasak ang mga kubol nang bumalik sila sa Mendiola matapos silang habulin ng mga pulis. Naroon lamang sila para bantayan ang mga pangako ng pagbabago ni Aquino III, lalo na sa usaping repormang agraryo. Ilang araw bago mag – isandaang araw sa puwesto si Noynoy, nakatindig pa rin ang mga kubol ng mga magsasaka. Sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Refom sa Quezon City nila ito inilipat, matapos ang marahas na dispersal.

Biktima ng pagpapalayas sa kanilang sityo si Edgar, aniya, matagal na sila sa Sitio Kabute sa Calamba, Laguna. Ang kanyang mga ninuno ang naghawan ng noo’y masukal pang lugar. Pero isang araw ng Pebrero 2009, pinalayas sila dahil nabili na raw ng Metrobank ang naturang lupa. Giniba ang kanilang mga bahay. Pinalilipat sila sa may tabing ilog malapit sa sityo, pero hindi sila pumayag. Dinidebelop na rin kasi ang naturang lugar at ilang residente na rin ang napalayas doon. “Ibig sabihin, pinalilipat kami sa lupa nang walang kaseguruhan, ililipat kami para palayasin ulit” sabi ni Edgar.

Sa kampuhan, nadagdagan ang kaalaman ni Edgar sa kalagayan ng mga katulad nila. Nagdadaos kasi roon ng mga pag – aaral tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka at iba pang sector. Sa kampuhan din niya nakita na maraming sumusuporta sa kanilang laban. Kuwento niya, maraming mangagawa, estudyante, propseyunal, at taong – simbahan ang doo’y nakakasalamuha.

Proyektong dam naman ang nagpapalayas kay Benny Pipino, 50 taong gulang, mula sa kanilang lupang ninuno. Pag – uuling at paggawa ng sawali ang trabaho niya sa Laiban, Rizal. Sa pagtatayo ng dam, nangangamba si Mang Benny na masisira ang kalikasang nagbibigay sa kanila ng kabuhayan, gaya ng ilog na kinukunan nila ng tubig at pinangingisdaan.

Kasama rin sa kampuhan ang lider – kabataan na si Reynante de Leon, mula sa Sityo Buntog sa Hacienda Yulo. Mahigit isandaang taon nang pinagyayaman ng mga magsasaka ang 7, 000 ektarya roon, hanggang sa patituluhan ng mga Yulo noong dekada ’30. Mula noo’y naging tenante na lang sila, at ngayo’y pinalayas na dahil tatayuan ng mga subdivision, golf course at komersyal na establisimento ang asyenda. Tinutulan ito ng mga kabatang nagkakaisa sa Buntog, kung saan bise – president si Nante. Sabi niya, “Itutuloy namin ang paglaban, kung hindi ay wala kaming mapupuntahan, at ngayo’y saan kami pupulutin kung wala kaming Lupa.”

Magkaiba man ang edad at lugar, pinagbuklod sila ng iisang laban. Sa loob ng mahigit pitong buwang panunugkulan ni Pres. Noynoy, dadagundong ang kanilang yabag sa kalsada para manawagan at singilin ang Pangulo sa kanyang mga pangakong lahat ng mga ito’y napako sapagkat nakontento siya sa paglaro ng PSP at nagpapasarap sa kaniyang kinauupuan. Dumarami ang walang trabaho at seguridad sa mga pinagtatrabahuan sapagkat lalo niyang pinauso ang kontraktiwalisasyon sa lahat ng pabrika at pagawaan, mas dumarami ang nangingibang bayan para maghanap buhay sa kabila ng banta at nangyayaring kaguluhan sa Gitnang Silangan at sa ibangpanig ng mundo.

Kaya ika sa Awit na “Tuloy ang Laban”

Habang mayroong pagsasamantala,

Habang mayr'ong pag – aalipusta.

Tuloy ang laban, tuloy ang labban ng masa,

Tuloy ang martsa ng pakikiisa.

Habang naghahari'y nariyan pa,

Habang bayan nati'y bihag pa.

Tuloy ang laban, tuloy ang ating pakikibaka,

Tuloy ang sigaw ng paglaya.

Damhin natin ang panaghoy ng bayan,

Harapin natin ang totoong kalagayan,

Yakapin natin ang kanilang paglaban,

Pagbigkisin ang lakas ng mamamayan.

At sa pagsalubong sa bagong araw na punog – puno ng pag –asa, pangitain at pakikibaka ang masang anak pawis. Ayon sa kantang

Salubungin ang Bagong Araw”

Salubungin ang bagong araw,

Na malinis ang diwang taglay,

Taas noong tumanaw sa silangan,

Buksan ang dibdib mong alay,

Sa dambanang gintong langit ihayag ang pagtatalingbisig.

Dakilang apoy at buhay,

Kapantay mo ay kawalan, dugo namin ang tanging alay,

Sa'yo o apoy ang s'yang bubuhay,

Patnubay ng bagong araw, mithiin ng buong bayan.

Tumanaw sa mapulang silangan,

Damhin ang espiritung hatid,

Marangal na diwa ay kakamtin,

Itanim sa dibddib at isip,

Kapag ang hininga ay pumanaw sasalubong ang bagong araw.

Salubungin ang bagong araw, na malinis ang diwang taglay,

Taas noong tumanaw sa silangan,

buksan ang dibdib mong taglay sa dambanang langit ihayag ang pagtataling bisig.

Wednesday, January 26, 2011

Ka Amado V. Hernandez

Pagdakila sa Abo ni Kasamang Amado V. Hernandez

Ang mga gunita at ispekulasyong naititik tungkol kay Ka Amado ay dapat magtulak sa proyektong pag-ibayuhin ang sama-samang pagtahak ng landas mula sa "isang dipang langit" ng neokolonya hanggang sa marating ang "bayang malaya,"

Pilipinas nting mahaal.

NI E. SAN JUAN, JR.
Philippines Cultural Studies Center
Posted by Bulatlat.com

Sa aking piita'y hindi pumupurol ang lumang panulat, bawa't isang titik, may tunog ng punlo at talim ng tabak.

--Amado V. Hernandez, "Bartolina"

Militanteng pagbati sa lahat ng mga kasama at kapanalig sa pagkakataong ito, ang padiriwang ng sentenaryo (kulang sa isang taon) ng kaarawan ni Ka Amado. Lubhang napapanahon ito sa gitna ng "kampanyang anti-terorismong" inilunsad ng imperyalistang Estados Unidos na siyang mahigpit na taga-usig sa mga makabayang Pilipinong nabuwal sa dilim ng Cold War at McCarthyism, nangunguna na si Ka Amado. Napapanahon dahil ang pagdeklara ni Colin Powell sa NDF, sampu ng mga kasanib na mga pulong, na mga teroristang organisasyon ay lantad na panghihimasok ng imperyalismong Amerikano at pagyurak sa karapatang-pagsasarili ng masang Pilipino. Sunggaban natin ang pagkakataong ito sapagkat sa pagitan ng mga sungay ng panganib lamang matatamo ang kasarinlan at kalayaan.

Bakit napapanahon? Ang digmaan laban sa agresyon ng Estados Unidos, mula pa noong 1898 hanggang nayon, ang hindi pa nakukumpletong rebolusyon ng bayang Pilipino-iyan ang pangkahalatang tema, batayan at adhikain ng buhay at panitik ni Ka Amado mula pagsilang niya (1903) sa panahon nina Macario Sakay at mga kolorum hanggang sa pagyao niya (1970) pagsabog ng "First Quarter Storm" at matikabong pag-aalsa ng tinaguring "wretched of the earth" sa awiting "Internationale." Bukod sa pagiging rebolusyonaryong artista, si Ka Amado ay maitatanyag na huwarang internationalista na nakaunawa sa kahulugan ng deklarasyon nina Marx at Engels sa Communist Manifesto na "ang proletaryo ay walang bansa" habang ang burgesya ay namamayani.

Ilang gunita ko rito ay marahil saksi sa katotohanan ng diwang internasyonalismong pumatnubay sa nasyonalistikong pakikibaka ni Ka Amado. Mungkahi ko rito na ang distansiya sa pagitan ng Utrecht at Quezon City, ng New York at Maynila, ng Madrid at Makati, ay hindi dapat maging sagwil sa kolektibong pagbabalikwas, laluna kung ating alalahanin ang kalagayan ng ating mga kabayayang tinuksong mga "bagong bayani," tila 11 milyong Overseas Filipino Workers ngayon sa iba't ibang lupalop ng daigdig.

Una sa alaala ang pagkilala ko kay Ka Amado noong 1958 sa isang piging sa Maynila nang igawad kay Nick Joaquin ang Harry Stonehill Prize para sa kanyang napabantog na The Woman Who Had Two Navels. Pansamantalang naipalabas si Ka Amado sa bilangguan noong Hulyo 1956, pagkaraan ng limang taon at anim na buwang pagkapiit sa sakdal na rebelyon - pinawalang-bisa ang sakdal na iyon noong Mayo 1964. Bagong silang sa bartolina at mga kampo militar, si Ka Amado ay isa sa inanyayahan doon habang ako (sampu ng mga miyembro ng U.P. Writers Club) ay buntot lamang ng aming mga guro. Hindi nakagugulat na sa buong madlang kinabibilangan ng mga petiburgesyang intelektwal sa Kamaynilaan, si Ka Amado lamang ang naghamon sa kakatwang situwasyon ng manunulat sa Pilipinas - bakit isinusuob ang mga manunulat sa Ingles at ipinangangalandakan ang kongkistador na mentalidad tulad nina Joaquin at mga alipuris niya, habang ang mga manlilikha sa bernakular ay sukdulang napapabayaan. Iyon ang puna niya sa gitna ng madlang natulala.

Sayang at hindi naabutan ni Ka Amado ang malaunang pagbunyag na si Harry Stonehill, ang pilantropo noong gabing iyon, ay siyang pinakatusong ahente ng korupsiyon, ng pagsusuhol sa mga pulitiko at kawani sa burokrasya, noong panahon ng mga administrayon nina Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos.

Ang kauna-unahang akda ni Ka Amado na nabasa ko noong ako'y nasa haiskul, tulad ng mga kahenerasyon ko noong dekada 50, ay ang tulang "Aklasan" sa teksbuk na Diwang Ginto. Ang balangkas nito ay hindi de-kahon o pambalagtasan, kaya nakaakit sa akin at mga kabataang mamamahayag. Ngunit mas matindi ang imahen ng pagsalungat ni Ka Amado sa okasyong nabanggit ko, kung saan ang larangang panlipunan ng dahas o kapangyarihan - ang tinagurian ni Pierre Bourdieu na field of power - at ideyolohikang magkasalungat ay nakatambad doon sa pagdalumat ng pangkat ng mga konserbatibo't reaksyonaryong intelektwal sa isang dako, at sa kabilang dako ang hanay ng mga kontra-hegemonyang aktibista. Isang arena iyong ng tunggalian ng mga uri. Hanggang ngayon, patuloy ang digmaan ng dalawang pananaw na ito - ang ideolohiya ng imperyalistang kultura at ang praktikang agham ng rebolusyon ng mga produktibong lakas ng lipunan - habang ang pribadong pag-aari ay nananatili sa pag-sasamantala sa lakas-paggawa ng nakararami.

Tumalab sa akin ang impresyong iyon hanggang ako'y nasa Harvard University noong 1960-1965. Panahon iyon ng pagbabangon ng mga Aprikano-Amerikanong masa, pagtutol sa giyera sa Biyetnam, pagbabalikwas ng kabataan at kababaihan dito at sa iba't ibang dako ng mundo. Bagama't ako'y nasa "sikmura ng dambuhala," wika nga, hindi nangiming sumagot sa sulat ko si Ka Amado. Sumang-ayon siya sa mungkahi kong ipalimbag ang isang aklat ng mga pagsasalin ko ng ilang piniling tula sa kanyang premyadong koleksiyon Isang Dipang Langit. Nagkataong ang editor sa International Publishers ay isang kaibigan ng progresibong tendensiya sa atin, si James Allen, istoryador at awtor ng The Philippine Left on the Eve of World War II. Nailathala ang Rice Grains: Selected Poems of Amado V. Hernandez noong 1966 nang ako'y nakabalik na sa Diliman. At iyon ngang edisyong iyon ang napasa-pasa sa Surian at mga pamantasan, at naging introduksiyon ko sa mga matatandang alagad ng sining, tulad nina Alejandro Abadilla, Teo Baylen, Pablo Glorioso, Ponciano Pineda, Anacleto Dizon, at mga kabataang naka-istambay sa Kalye Soler, Florentino, at sa mga lansangan ng Sampaloc, Quiapo, at Escolta.

Sa pamamagitan ng librong Rice Grains, at ang sumunod na pagsasalin ko ng isang kuwento ni Ka Amado sa antolohiyang pinamatnugutan ko, Introduction to Modern Pilipino Literature (Twayne 1974), nagkaroon ng mambabasa si Ka Amado sa mundong gumagamit ng Ingles. Naitanyag si Ka Amado sa awdiyens ng Kaliwa sa Estados Unidos at iba pang bansa. Masaya naman ang bunga ng kapaguran ng isang taga-Connecticut na Pinoy sa "King Arthur's Court," bansag sa akin ng isang kasama riyan. Pinuri si Ka Amado nina Maxwell Geismar, Han Suyin, Ralph Friedman, Miller Brand, Saunders Redding, at iba pang bantog na manunulat sa metropol. Alam kong nakahuntahan din ni Ka Amado sina Bertrand Russell, Peter Weiss, Jean Paul Sartre - may isang potograp ng dalawang rebeldeng makisig na naninigarilyo na matutunghayan ng lahat - nang kalahok siya sa International War Crimes Tribunal noong 1966, at marahil nga, nakatagpo rin niya ang tagapangulong Mao Zedong.

Bago pa man naging tinik sa burgesyang global sanhi ng kanyang pagsisikap sa mga internasyonal porum, kilala na si Ka Amado sa mga pulutong ng progresibong Pilipino laluna sa West Coast. Ang tagapamagitan niya rito ay walang iba kundi si Carlos Bulosan, na ngayon ay klasikong awtor sa matipunong kultura ng mga Asyano Americano rito. Hindi ko batid kung nagkasalubong sila rito nang naglakbay si Ka Amado dito sa "sikmura ng halimaw" noong 1948 pagkatapos magpasimuno sa isang demonstrasyon sa Maynila noon Mayo 1. Sa isang akda niya sa 1952 Yearbook of the International Longshoremen and Warehousemen's Union (Local 37), na pinamatnugutan ni Bulosan, usig ni Ka Amado:

During the dark days of the enemy occupation, the Filipino working man realized that labor must speak only one universal language, and it has to rise above national and racial barriers; that labor everywhere has one common struggle, and that it must march toward one goal: the liberation of all the peoples from the chains of tyranny, fascism and imperialism.

Nang lumabas ang Yearbook, si Ka Amado ay nakaluklok na sa bilangguan ng tutang pamahalaan, ang magiging "pugad" ng mapagbagong panulaang may sagisag ng nagdaang kahirapan at hudyat ng darating na katubusan. Ipinagtanggol ni Bulosan ang sosyalistang prinsipyo ni Ka Amado at mga kapanalig sa kanyang artikulo, "Terrorism Rides the Philippines," sa naturang Yearbook. Iyon ay di pangkaraniwang simbolo ng solidaridad ng diyasporang Pilipino bago pa man sumulpot ang OCWs.

Marahil, isang balik-handog lamang iyon kung iisipin na dumulog din naman si Ka Amado sa mayamang kornukopya ng literaturang pandaigdig. Mapapansin iyon sa maraming pagsasalin niya mula sa Ingles, Kastila, at iba pang wika, sa huling bahagi ng kalipunang Tudla at Tudling, na mahusay na pinamatnugutan ni Propesor Rosario Torres-Yu. Modernistiko ang sensibilidad ni Ka Amado, bukas sa mabilis na tagpo ng sibilisasyon, tulad nina Baudelaire, James Joyce, Ezra Pound, Ernesto Cardenal, o Aime Cesaire. Bagamat sa mga maselang pagkilatis nina Prop. Torres-Yu at Ka Bien Lumbera, at maging sa mga sinaunang diskurso ni Teodoro Agoncillo tungkol sa Bayang Malaya noong 1957, binansagang tradisyunal si Ka Amado. Matatanggap iyon kung ang nasasangkot lamang ay porma o hugis at balangkas ng mga tula hanggang 1951. Ngunit nag-iba ang mundo nang maikulong ang makata, tumalas ang krisis, at nagluwal ng bagong estilo ng pagsisiyasat at istratehiya ng pagtatanong.

Katatapos lamang ng giyera sa Korea, nagsisimula naman ang sagupaan sa Biyetnam. Ang krisis ay lumala. Nakasentro iyon sa kontradiksiyon ng kaugnayang panlipunan (mala-piyudal, tahasang neyokolonyal) at ang mga lakas sa produksiyon - laluna ang progresibong lakas ng masang Pilipino. Dinaliri ito ni Ka Amado sa tulang "Mga Muog ng Uri": "Kung bagaman bukambibig / na ang lantay na tuntuni't patakara'y ang matuwid..../ sa tunay na karanasa'y patumbalik kung maganap / at sa matang mapansinin ay baligtad ang daigdig...." Kontradiksiyon din iyon ng mga namanang paradigma ng kamalayang humubog sa kaisipan ng awtor at ang kinaharap niyang kabalintunaan ng karanasan at mga pangyayari sa panahon ng Cold War noong dekada ‘40 at ‘50, ang mabagsik na pagsugpo sa mapagpalayang lakas ng mga anak-pawis at makabayang panggitnang elemento. Ang kontradiksiyong iyon ay hindi maiiwasan, laluna ngayon, sa tunggalian ng makabayang puwersa at imperyalismong Amerikanong tagapagtaguyod ng mga reaksiyonaryong uri, sampu ng puwersa militar, pulis, at iba't ibang aparato ng Estado. Ito ang krisis pandaigdigan ng monopolyo kapital.

Ang mga epekto ng kontradiksiyong ito sa lipunan ay lantad, kadalasan ay tago. Ilan ay masisinag sa pagpapatuloy ng edukasyon at gobyerno sa Ingles, kaakibat ng mistipikasyong ideyalistiko, tulad ng namamayani rito sa E.U. Isang tanda nito ay ang patuloy na pagtatanghal (ng mga estyudanteng Fil-Amerikano) sa mga akda nina N.V.M. Gonzalez, Bienvenido Santos, F. Sionil Jose, at Jessica Hagedorn, sampu ng mga komersiyalisadong "Filipino cultural icons" na inilalako sa mga pistahang Pilipino, radyo, pelikula at telebisyon. Puwedeng baliwalahin ito, ngunit paano matatamo ang hegemonya ng proletaryo kung hindi tayo magsusulong ng ibang alternatibo, ng isang makamasang kultura? Hindi pa nakahulagpos ang mga kababayan natin, laluna ang "Overseas Filipinos," sa dekadensiya ng burgesyang kultura hanggang sa yugtong ito ng globalisadong imperyalismo at komodipikasyon ng seks, guniguni, at panaginip.

Isang bunga ng krisis ang di-mapipigil na pagbabago ng sining ng Pilipinong may sapat na kamalayan sa mga nangyayari sa mundo. Kaya nga lumihis si Ka Amado noon sa tradisyung nagmula pa kina Pedro Gatmaitan at Julian Cruz Balmaceda, bagamat namumutiktik ang mga gantimpala sa kanya ng mga konserbatibong grupo. Natural naman, bawa't kilos ng isang tao ay hitik ng kontradiksiyon. Kailangan samakawid ang isang inbentoryo, isang talaan ng mga ito.

Batay sa pangkasaysayang iskema ng ginagampanang papel ng intelektwal sa kolonisadong lipunan, naiwasan ni Ka Amado ang tadhana ng pagiging tradisyunal na intelektwal na ginamit ng kolonyal na estado, simbahan, at uring nagmamay-ari. Palibhasa'y sumunod siya kina Juan Abad, Pascual Poblete, Martin Ocampo, Teodoro Kalaw - mga peryodista't sedisyonistang artista - naging organikong intelektwal siya ng mga manggagawa't magbubukid, ng nakararami. Sa masaklaw na imbestigasyong ito, ang bitayan o bartolina ang siyang pinakamakatuturang metapora o trope na nag-uugnay ng indibidwal na kamalayan at lipunan, at ang pagwasak sa institusyong ito - ang pagburol sa burgesyang orden - ang siyang sagisag ng tagumpay ng uring anak-pawis na siyang kumakatawan sa malaya't makatarungang sistemang nakapaloob sa pusod ng mga kasalukuyang nagaganap. Ang bilangguan ay siyang realidad at sagisag ng sistemang dapat baguhin. Suriin ang tulang "Mga Muog ng Uri" at iba pang nasa katipunang Panata sa Kalayaan ni Ka Amado.

May limitasyon ang umiiral na iskolarsip at kritika tungkol kay Ka Amado. Mababaw pa at tila hindi masakyan ang diyalektikang metodolohiya ng panunuri. Nakaligtaang punahin ang modernismong tatak-Pilipino. Hindi nakuhang pahalagahan, halimbawa, ang impluwensiya ni Pablo Neruda at ang suryalistikong materyalismo sa mga tulang nakagrupo sa "Mga Bagay," at maraming tula sa Isang Dipang Langit. Noong siya'y nagsusulat sa Taliba at sa Ang Masa, laging hinihingi sa akin ni Ka Amado ang mga libro ni Pablo Neruda bukod sa mga progresibong katha ng mga insurektong sina George Jackson at Malcolm X.

Bukod dito, isa pang mabigat na huwaran kay Ka Amado ang panitik ni Nassim Hikmet, ang Turkong rebolusyonaryo. Kapwa Marxista-Leninista ang dalawang makatang ito, pero sa palagay ko ang namayaning gabay niya sa piitan ay hindi ang estetikong halimbawa ng mga manunulat kundi ang praktikang pakikibaka ng masa, ng mga unyon, estudyante, intelektwal, kabataan, na kinatawan, pansamantala, nina Claro Recto at Lorenzo Tañada noong panahong kinagisnan ng mga sumanib sa Diliman Commune at First Quarter Storm, sampu ng mga aktibistang nabuwal sa panahon ng pakikibaka laban sa diktaduryang Marcos at mga tutang administrasyong humalili. Ang malikhaing praktika ng buhay panlipunan at ang takbo ng mga pangyayaring pandaidig, samakatwid, ang dapat tuunan ng pansin ng mapagpalayang kritiko.

Marami ang mga liham ni Ka Amado sa akin nang kasapi siya sa Taliba - inilalabas niya ang talastasan namin sa kolum niyang "Sarisari" mula 1962. Ilang tula ko ang inilabas niya sa Ang Masa noong 1969. Wala pang Internet e-mail noon. Sa kahilingan niya, sinulat ko noong 1965 ang "Afterword" sa nobelang Mga Ibong Mandaragit na inilunsad noong 18 Hulyo 1969; at noong panahon ng martial law, sumunod sa kabanata ko tungkol kay Ka Amado sa Radical Tradition in Philippine Literature (1971) ay ilang mga sanaysay na lumabas sa The Philippine Times (April-May 1979) sa Chicago at nirebisa para sa Toward a People's Literature (U.P. Press, 1984) na lumabas pagkaraang paslangin si Ninoy Aquino.

Nang ako'y umuwi noong 1966-1967, kababalik lamang ni Ka Amado mula sa Afro-Asian Writers' Emergency Conference sa Beijing. Naibalita niya ang mga pangyayari tungkol sa Great Proletarian Cultural Revolution, bukod pa sa mga anti-imperyalistang pagsisikap ng mga manggagawang pangkultura mula sa "pangatlong mundo." Samantala, sa panahong iyon, nailunsad na ang mga modernistikong eksperimento ng mga kabataan sa mga pahina ng Panitikan ni Alejandro Abadilla, at sa mga pahayagan ng Dawn - mga kalipunang pinamatnugutan nina Efren Abueg, Rogelio Mangahas, Pete Ricarte, Virgilio Almario, Ben Medina Jr., at iba pa.

Makaluma ba o tradisyunal si Ka Amado? Ang problematikong isyu na ito ay tiyak na hindi malulutas sa larangan ng diskursong pang-estetiko lamang. Hindi ito katanungan tungkol sa porma, hugis, anyo o balangkas ng tula o likhang-sining. Sa perspektiba ng materyalismong pangkasaysayan, ang halaga at kahulugan ng akda ay mababatid sa masalimuot na konteksto ng kanyang kalamnan - namamayani pa rin sa analitikong pagsisiyasat ang mga materyal na karanasan, ideya, damdamin, atbp. - na siya ngang nagbibigay-hugis sa akda. Sa ibang salita, ang mayama't samutsaring praktika ng buhay, sampu ng iba't ibang himig at kulay ng wika, ang dapat munang ipaliwanag. Anong pagtasa o pagtaya ang makakamit natin kung isasaisip na tinanggap ni Ka Amado ang premyong Balagtas Award mula sa neyokolonyal na gobyerno, at ang inanyayahang "Guest of Honor" sa paglunsad ng Mga Ibong Mandaragit ay walang iba kundi ang "American boy" na si Carlos P. Romulo? At ang pagiging "National Artist" niya ay biyaya naman ng diktaduryang Marcos? Dapat ba tayong magdalawang-isip at magduda?

Kung tutuusin, maraming ironya at kabalintunaan ang nakabalot sa usaping "Amado Hernandez." Bagama't nakatugma sa wika at sa kolonyalismong Kastila, ang usaping "Nick Joaquin" din ay may signipikasyong kahawig, lamang ay wala nang nagbabasa o sumusuri sa mga nobela't tula ni Joaquin. Mahabang diskusyon ito na hindi nararapat sa okasyong ito. Ngunit hindi dapat idambana at magkulto sa personalidad ng organikong intelektwal ng proletaryo tulad ng ginawi ni Ninotchka Rosca sa kalabisang pagtawag niya kay Ka Amado na "Grand Old Man of Filipino Letters" o "l'homme terrible of Philippine literature at whatever age." O magbigay ng kahina-hinalang parangal - wika nga ni Ka Amado, "tila balot ng sutla ang kamay na bakal ng paniniil" - ng Board of Judges ng Republic Cultural Heritage Award sa paghahambing kina Ka Amado at Jose Garcia Villa - wala na ba tayong ibang pamantayan o sukatan kundi si Villa?

Dahil sa lubhang sariwa, totoong madugo, ang mga debate tungkol kay Ka Amado, dapat dulutan ng ibayong sigasig ang pag-aaral sa mga komplikadong puwersang bumubuo sa sining ni Ka Amado, hindi lamang ang naitalang okupasyon, ang karanasan sa pulitika, at mga premyo niya. Ang istorikal na karanasan ng isang manunulat sa Pilipino na nakihamok sa panig ng rebolusyon ang dapat munang linawin, laluna ang situwasyon ng intelktuwal (tradisyonal o organiko, sa bansag ni Gramsci), at ang katayuan ng panitikan at kultura sa tunggalian ng mga uri.

Nais kong isusog ay ito: bago tayo magpasiya na sa kabuuan, ang sining ni Ka Amado ay tradisyunal sa porma at kumbensiyonal din sa mensaheng pampulitika, dapat natin masusing pag-aralan muna ang komplikadong larangang pang-ideolohiya na kanyang nilahukan. Halimbawa, ang editor na si Andres Cristobal Cruz, na naging masugid na alagad ng "Bagong Lipunan" ng diktaduryang Marcos, ay responsable sa kalipunang Panata sa Kalayaan ni Ka Amado. Ano ang epekto nito sa larangan ng kultura? Paano ito maikokompara sa edisyon ni Rosario Torres-Yu? Sino ang may kontrol sa diskurso tungkol kay Ka Amado? Nasaan ang mga iba pang dokumento tungkol sa pamamahayag ni Ka Amado? Bakit hanggang nayon ay walang malamang panunuring istorikal - bukod sa ilan-ilang nasulat nina Agoncillo, Lumbera, atbp. - sa mga kuwento, dula at mga sanaysay? Magandang tema sa pananaliksik ang kritikong katalinuhan ni Ka Amado na masasalamin sa sanaysay niyang "Ang Mga Bagong 'Propagandista': Panulatang Tagalog sa 1900-1941," o sa panayam na pinamagatang "Ang Pilipino sa Panitikan." Bakit napakadahop ng mga pag-aaral tungkol sa iba't ibang aspeto ng sining at buhay ni Ka Amado? Kapuna-punang wala pang mapapagkatiwalaang biograpi tungkol kay Ka Amado o masaklaw na bibliograpi ng kanyang sinulat at mga kritisismong nailathala sa iba't ibang lugar.

Isang talata na lamang at tapos na ang parangal ko kay Ka Amado.

Ang selebrasyong idinadaos niyo, sa palagay ko, ay kinakailangan laluna sa panahon ng giyera laban sa terorismo - ang tinutukoy ko'y terorismo ng imperyalistang E.U. at mga local na kasabwat. Mabuting kasangkapan at sandata ang panitik ni Ka Amado - kung ito'y ituturing na panghamon sa isang pambansang pagbabago at pagbabaguhang-buhay. Sa pagbunyi sa kanya ng Ateneo de Manila University, mababasa ang ganito: "Sa mga akda ni Amado v. Hernandez, mababakas ang dakilang tradisyong nagbangon sa apoy at dugo ng himagsikang humubog sa bansang Pilipino." Importanteng idiin ito at laging ituro sa lahat: na ang identidad ng bansa ay pinanday sa dapog ng rebolusyon, oo nga, sa "howling wilderness" ng Balangiga, ayon kay General Jacob Smith.

Ngunit sa tingin ko, ang malalim at pangmatagalang inspirasyong dulot ng kabuuang nagawa ni Ka Amado ay hindi pabalik o paurong na obsesiyon sa nakalipas kahiman dalisay o maluwalhati iyon. Manapa'y kabaligtaran. Sambit ni Ka Amado sa dulo ng nabanggit kong panayam, pagkatapos purihin ang magandang katangian ng mga tula nina Balagtas, Bonifacio, at Rizal: "Hinihintay siya [tulang Pilipino] ng dagdag na kabaguhan at kaunlaran, ng dagdag na kariktan at kabuluhan, hindi ng bahaghari kundi ng liwanag at buhay ng araw na magpapatingkad sa sining at kaligayahan ng tao, upang maging karapat-dapat sa walang maliw na bukal na kanyang pinanggalingan." Ito rin ang hagkis ng parirala sa nakakapukaw na "Panata sa Kalayaan": "Ang libong nasadlak sa mga piitan / na kawangis ko ring pinapagkasala'y walang kasalanan, / ang laksang inusig at pinarusahan.../ ang hindi mabilang / na pinaglupitan /sa bukid at nayon, sa lungsod at bayan..../ang mga nalibing nang walang pangalan / ni krus man lamang, /di makalilimot ni malilimutan, / at ang sigaw nila'y abot sa pandinig ng kinabukasan." Ulitin natin: "ang sigaw nila'y abot sa pandinig ng kinabukasan."

Nakaugat sa tradisyong mapagpalaya, walang pasubali ito, ngunit sa tingin ko, ang naghaharing motibasyon ni Ka Amado ay ang kolektibong pagsulong at pagsugod sa hinaharap, ang walang takot at intelihenteng paghawan ng landas tungo sa malaya't mabiyayang kinabukasan sa lupang ito. Ang oryentasyon ng panitik ni Ka Amado ay nakaturok sa isang rasyonalistikong paglikha ng bukang-liwayway ng bayang naghihimagsik. Mababanaagan ito sa huling tulang naisulat niya habang ang apoy sa Diliman Commune ay hindi pa napapawi, ang "Enrique Sta. Brigida: Paghahatid sa Imortalidad." Ang pananagutang naisakatuparan ni Ka Amado ay kawangki ng nasabi ni James Joyce, isang antikolonyalistang artista rin: ang humubog sa kinakailangang konsiyensiya ng kanyang lahi. Ang mga gunita at ispekulasyong naititik dito tungkol kay Ka Amado ay dapat magtulak sa proyektong pag-ibayuhin ang sama-samang pagtahak ng landas mula sa "isang dipang langit" ng neokolonya hanggang sa marating ang "bayang malaya," Pilipinas nating mahal. Bulatlat.com

================

*ABOUT THE AUTHOR

E. SAN JUAN, Jr. is director of the Philippines Cultural Studies Center. He was recently a fellow of the Center for the Humanities, Wesleyan University, and chair of the Department of Comparative American Cultures, Washington State University; and professor of Ethnic Studies, Bowling Green State University, Ohio. He was previously visiting professor of English and Comparative Literature at the University of Trento, Italy, and at the Graduate School of Tamkang University, Taiwan. He was the 2003 Fulbright professor of American Studies in Belgium (Leuven & Antwerp).

San Juan received his graduate degrees in English & Comparative Literature from Harvard University. He taught at the University of the Philippines, University of Connecticut, Brooklyn College of the City University of New York, and the University of California. He has received awards from the Rockefeller Foundation, Institute for Society and Culture (Ohio), MELUS (Multi-Ethnic Literature of the United States), Gustav Myers Human Rights Center, and the Association for Asian American Studies. He received a Centennial Award for Literature from the Cultural Center of the Philippines.

San Juan's most recent works are Beyond Postcolonial Theory (Palgrave), From Exile to Diaspora (Westview Press), After Postcolonialism (Rowman and Littlefield), and Racism and Cultural Studies (Duke University Press). His groundbreaking book, Racial Formations/Critical Transformations (Humanities Press), will soon be reissued with a new preface. His collection of recent essays entitled Working Through the Contradictions: From Cultural Theory to Critical Practice will be released next year by Bucknell University Press.

ito ay kinuha ko sa panulat ni E. San Juan Jr na taga Bulatlat

Thursday, February 25, 2010

ANG AKING STATEMENT OF FAITH

Naniniwala akong siya ang ating magulang, siya ang lumalalang ng langit at lupa, at sa lahat ng bagay na andito sa mundong ating napapakinabangan sa araw - araw. Naniniwala akong ang Biblia ay hango sa kasaysayan ng ating mga ninuno sa pananampalataya, na sa pamamagitan ng kanilang karanasan at sa kanilang nag -aalab na pananampalataya ay lalong tumibay at tumatag ang kanilang pananampalataya, na sa kabila nang pang -uusig at sa iba pang pagpapahirap sa kanila ay lalong tumatag ang kanilang pananampaalatay bilang isang tao at Kristiyano.Naniniwala ako sa lahat ng nilalang ng Dios ay Tao ang siyang ginawan katiwala ng Dios sa lahat ng kanyang nilalang sa mundong ito, ngunit ang TAO hindi lang minsan kundi palagi niyang sinisira ang kagandahan ng Inang kalikasan, nang dahil sa TAO ay hindi na balance ang Inang kalikasan sa kadahilanang marami na ang namamatay dahil sa kagagawan nito. Dahil sa kasakiman ng iilan sa atin ay marami ang walang sapat na makain sa kanilang hapag kainan, marami ang walang masilungan sapagkat sila ay pinaalis at pinalayas sa kanilang tirahan dulot ng giyera at demolisyon, maraming mga batang napilitang huminto sa kanilang pag - aaral sa kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng kanilang magulang, maraming mga trabahanti ang pina – alis sa kadahilanang kontraktiwalisasyon o dahil sa sumali sila sa union o sa welga. Naniniwala akong ang kaharian ng Dios ay narito sa lupa magpakaylanman. Masasabi ba nating andito ang Dios kung marami ang nagugutom, Marami ang pinagsasamantalahan at nagsasamantala sa kanyang kapwa? Ang tunay na kaharian ng Dios ay kung wala nang alitan sa bawat isa, ang lahat ay pantay – pantay walang mayaman at mahirap, wala nang nagugutom, wala nang batang palaboy - laboy sa lansangan – sila ay nasa mga paaralan at nag – aaral, wala nang mga kababaihan at kalalakihan nangingibang bayan para maghanap ng mas magandang kapalaran.Naniniwala ako sa Iglesia kung saan wala nang racial discrimination sa bawat isa at matatanggap nang karamihan kung sino sila at kung ano ang kanilang mai-aambag sa bawat isa. At lahat nang kabahagi nito ay kikilos para sa tunay na pagbabago ng kanilang sarili at ng lipunang kanilang kinabibilangan. Naniniwala ako sa misyon ng Iglesia kung ang bawat isa ay kikilos para maipatupad ang katiwasayan ta kabutihan ng karamihan, at ang pagsunod sa misyong ipinagkatiwala sa atin ng Dios na pakainin ang nagugutom, painomin ang nauuhaw, patuluyin ang walang masilungan, bigyan ng damit ang walang damit, ituro kung ano ang tama. Naniniwala ako sa Banal na Hapunan na ito ay pakikisalo kay Hesus na kung saan ito ay alaala natin sa kanyang ginawang halimbawa sa lahat na maging humble kung kikakailangan. Naniniwala ako sa Bawtismo sapagkat ito ay simbolo nang pagiging kristiyano at pagtanggap sa hamon ng Dios na maging mabuting katiwala niya sa lahat ng bagay na nakaatang sa ating balikat sa araw – araw. At kung paano natin isasapamuhay ang buhay na ganap at kasiya – siya. Naniniwala ako sa buhay ng isang kristiyano sapagkat ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang isang tao at mananampalataya na Mahalin niya ang Dios ng buong puso, kaluluwa, pag – iisip at nang buong lakas at tapang, at mahalin niya ang kanyang kapwa gaya nang pagmamahal niya sa kanyang sarili. Naniniwala ako sa pagkabuhay na maguli at sa pag - asa ng kristiyano kung sinusunod niya ang kagustuhan ng Dios na mahalin ang Dios ng buong – buo at walang pag – aalinlangan sa lahat ng pagkakataon sa lahat ng dako at oras. Naniniwala akong kasama natin ang Dios sa patuloy na paglalakbay at pagharap sa hamon ng paglilingkod tuwina. Siyanawa
Pagtugon sa Hamon ng Panahon at Paglilingkod
Lukas 10:25 – 37

Ang kinikilalang Morong 43 ay binubuo ng mga Doctor, Nurses, Community Health Workers na kung saan nagsasanay at nag – aaral para mas lalong malinang ang kanilang kakayahan na tumulong at matugunan ang pangangailngang pisikal ng kanilang kapwa lalo na sa mga lugar na di naabot ng mga Doctor o sinu pa man; at di nakakapunta sa mga pagamutan sapagkat malayo sila sa kabihasnan, walang masakyan para madala sa ospital ang kanilang mahal sa buhay na may sakit kaya umaasa sila sa mga community health workers na nakahandang magbuwis ng kanilang buhay para makapunta at malunasan ang kanilang kapwang may karamdaman.

Sa kuwentong inilahad ni Hesus patungkol sa isang samaritano na kung saan sa kanyang patuloy na paglalakbay sa tanang buhay niya halos araw – araw nang may tinutulungan siyang nakahandusay sa tabing daan na kung saan naghihingalo ang kanilang buhay na lumaban para di siya mamamatay. Ngunit narito ang isang samaritanog nakahandang tumulong at tumugon sa hamon ng paglilingkod sa araw – araw. Kung gaano kadalas ang samaritanong ito na mapadaan na lugar na iyon ay yon din kadalas ang pagtulong niya sa mga taong nakahandusay at halos patay na sa dami ng pasa, bugbog ng katawan at sugat nito.

Ang samaritano ito ay katulad ng mga morong 43 na nakahandang magbuwis ng kanilang buhay para matugunan at mapangalagaan ng kanilang kapwang may karamdaman kahit dis oras ng gabi ay pumupunta siya para mabigyan ng lunas ng karamdama ng kanilang kapwa. Ang mga ito ay walang formal education kung paano mangganot sa mga may sakit at sugat ngunit dumarating tayo sa puntong mas maganda ang mga alternatibong pamamaraan ng paggamot na kung saan hindi nakakapinsala sa inang kalikasan, at sa tao. Ang kanilang pakay ay makatulong at makapaglingkod ng taos sa kaibuturan ng kanilang puso lalo na kapag ang usapin ay kapakanan ng kanilang kapwa lalo't higit sa mga walang pera at malayo sa kabihasnan. Silang mga manggagawa sa pamamagitan ng paggamot sa kabila ng di kinikilala ng pamunuan ang kanilang naiaambag na kabutihan sa kanilang lugar at maging sa kanilang mga kababayan.

Ang mga pangyayaring ito sa ating lipunan ay nagpapahiwatig lamang na masahol pa sa hayop ang mga military lalo na ang kanilang commander in chief (GMA) na kung saan gagawin niya ang lahat para manatili siya sa malacanang at sa pamamagitan ng kanyang mga galamay na silang kumikilos para maisakatuparan ang kanilang pakay na maneutralize ang mga kumakalaban sa kanyang administration, sa mga aktibistang naghahangad ng pantay na pagtrato sa mga mamamayan, at higit sa lahat pagkilala sa kakayahan ng bawat isang makagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. Maging sa mga ilegally arrested, enforced disappearances, natorture at illegally detain.

Ang mga ganitong pangyayari sa ating lipunan ay kasalukuyang nangyayari sa ating kapanahunan kaya tayo'y kumilos na ipaglaban ang karapatan ng mga inaaapi, inaalipusta, inaasabuso, inaaapi. Ang natatanging paraan na ating magagawa at maiaambag sa ating lipunan ay makilahok sa mga pag – aaral lalo na sa paggamit ng mga alternatibong pamamaraan ng paggamot na di nangangailangan ng maraming salapi na nakakasira sa ating kalikasan. Magkaisa, magtulungan, mahalin ang mga taong walang nagmamahal, maglingkod ng kusa sa araw – araw.
Ako ay umaapila kay GMA, sa iba't – ibang agency na alamin ang kalagayan ng kanilang nasasakupan na tumulong, maglingkod sa abot ng kanilang makakaya. Palayzain na ang mga morong 43 na kung saan nakahandang maglingkod sa tanang buhay nila. Pagtuunan ng pansin at bigyyan ng malaking budget ang pangkalusugang aspeto ng ating lipunan. Magakroon ng totoong maglilingkod at mag -aalay ng buhay para sa kapakanan ng mas nakakarami. Igalang ang karapatan ng mamamayan, itaguyod ang pagkakaroon ng buhay na ganap at kasiya – siya.
Ang Popular na Edukasyon at ang kalagayang nagluwal dito

Ang kalagayan ng magbubukid sa Pilipinas ayon sa salaysay na “Ang lupa ay buhay sa amin; kapag ito ay kinamkam, para na rin kaming inagawan ng Buhay”. Ito ay isang kasabihan na karaniwang maririnig sa mga katutubo at magbubukid. Inilalarawan dito na ang buhay ng magbubukid ay lupa umiinog. Alisan mo sila ng karapatan sa lupa at para mo na rin silang inalisan ng karapatang mabuhay.

Pito (7) sa bawat sampung (10) magbubukid ang walang pag – aaring lupa. Ang malawak na lupang agricultural ay pagmamay – ari at kinokontrol ng ilang malalaking Panginoong May Lupa. Kasabay nito, ang mga dayuhang korporasyon na kasabwat ang mga nakaraan at kasalukuyang nanunungkulan sa ating pamahalaan ay patuloy na nang – aagaw ng mga lupang sinasaka ng mga magbubukid para sa kanilang malwak na plantasyon. Ang lupa at buhay ng mgabubukid ay laging nasa panganib na darating ang isang umagang wala silang sakahan, pati kanilang bahay ay din na nila pag mamay – ari.

Ang hinagpis ng isang magbubukid sa pagkawala ng kanyang lupa ay madarama sa mga sumusunod na kataga “Ginugunita ko ang mga sandaling kita’y kapiling. Yaong yumayakap ka sa aking mga paang hubad. Ang buhay na naging kamatayan ko pagkat nawala ka sa akin”. Maiugat pa rin sa suliranin sa lupa ang iba pang problema ng mga magbubukid: mataas na upa sa lupa, mataas na gastos sa produksiyon, usuka, pagbibigay ng libreng serbisyo o handog sa Panginoong May Lupa, at iba pa. Miserable ang buhay ng mga magbubukid. Ang kanilang kinikita ay kulang na kulang pa para tugunan ang kanilang mga batayang pangangailangan tulad pagkain, bahay, damit at gamot. Silang nagtatanim, nagpapakain at bumubuhay sa buong lipunan ay walang maihain sa kanilang hapag kainan. Ay, Paano pa kaya ang pagpapa – aral sa kanilang mga anak? Ang edukasyon sa ganitong kalagayan ay isang luho para sa magbubukid.

Isinaalang – alang din sa ginawang pagtatasa ang ilang suliraning ibinabahagi ng mga mag – aaral sa PPI. Isa na rito ang kakulangan ng mga local na instructor na makakatugon sa mga pangangailangan ng kanilang lumalaking samahan. Bukod rito, ayon sa kanila’y kulang pa rin sa kasanayan sa gawaing instruksiyon ang mismong instructor sa hanay nila. Ang ganitong suliranin ay aktwal ding kinakaharap ng departamento sa pagsasanay ng PPI kulang pa din sa tao ang departamento at malaki pa ang dapat gawin upang mapaunlad ang kasanayan nito sa pagbabahagi o pagtalakay ng paksa.

Noong 1985, sinimulan ng PPI ang pagsisistematisa at pagsasadokumento ng mga pamamaraang galing sa iba’t – ibang grupo ng mga mag – aaral na magbubukid sa iba’t – iba ring idinaos na mga pag – aaral. Mula sa ganitong proseso, nabuo ang konsepto ng Popular na Edukasyon na kung saan ito ay isang konsepto ng pag – aaral na nakapaloob sa balangkas ng mapagpalayang edukasyon at nagtataguyod sa mga layunin nito. Isa itong pagsusumikap na makatulong sa mabilis na pagpapalaganap at pagpapaunlad ng mapagpalayang edukasyon sa pamamagitan ng pagtuklas, paghalaw at pagpapaunlad ng mga porma o pamamaraan sa pagtalakay kung saan mas madaling magkakaunawaan ang mga kalahok sa pag – aaral at kung saan ang bawat isa ay aktibong makibahagi sa buong takbo ng pag – aaral. Ang konsepto ng Popular na Edukasyon para sa magbubukid ay munting ambag ng PPI para sa pagsulong ng mga mapagpalayang Edukasyon.

Ang Popular na Edukasyon ay isang “approach”, “diskarte” o pagdadala ng pag – aaral. Naniniwala ito na: “Ang mabilis na pagkakaunawaan ng mga kalahok sa pag – aaral ay naglalatag ng mainam na kalagayan para sa mas malalim na pagsusuri at matibay na pagkakaisa ng pananaw. Ang magbubukid ay mapanlikha, may likas na kakayahan at kaparaanang umunlad at higit itong lumilitaw sa mga pamamaraang ginagamit nila sa pakikipagtalakayan sa isa’t – isa sa pang – araw – araw na pamumuhay. Ang buhay at pakikibaka sa kanayunan ay kongkretong mapagkukunan ng mga aral o wastong pagtanaw at pagsusuri sa mga bagay – bagay. Ang pinaka – ipektibong paraan ng pakikipagtalakayan sa masa ay sa pamamagitan ng paggamit ng lenggwahe nila. Sa gawaing edukasyon, mahalagang matutong lubos sa masa ang instructor para maka – angkop siya sa pangangailangan nila. Ang susi sa pagkakaroon ng aktibong talakayan ay ang tiwala ng mag – aaral sa instructor bilang isang kaibigan na katuwang nila sa pagtuklas ng kaalaman at hindi bilang isang ekspertong naguturo o nagsusubo lamang ng mga ideya sa kanila. Mabisa ang edukasyon kung ito ay magbibigay – lakas sa mag – aaral, ng pagtitiwala sa kanilang sarili at sa kanilang kakayahang baguhin ang kanilang kalagayan.

Ang katangian ng Popular na edukasyon ay simple o madaling maunawaan, dahil sa ang mga porma o pamamaraan ng pagtalakay sa popular na edukasyon sa aktwal na karanasan ng masa, pamilyar at malapit ito sa kanila. Kaya napapadali ang pagpapalayang – loob, at nahihikayat silang maging bukas at aktibong lumahok sa talakayan. Mabilis maipalaganap kapag madaling maunawaan ng mag – aaral ang mensaheng nais ipaabot ng instruktor, magiging madali rin para sa kanya ang pagbabahagi nito sa iba. Nangangahulugan na dahil sa katangiang simple at madaling maunawaan, ang popular na edukasyon ay mabilis ring maipalaganap sa pinakamaraming bilang na maaaring maabot.

Ang Popular na Edukasyon ay bahagi at mahigpit na nakaugnay sa direksiyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Pangunahing layunin nito na makatugon sa kanilang mga pangangailangan. Inilalarawan nito ang kanilang buhay, dala – dala nito ang kanilang mga sintemyento at itinataguyod nito ang kanilang adhikain. Bagamat maaari rin itong gamitin ng ibang sector, pangunahin ang konseptong ito para sa magbubukid na silang nakakarami sa lipunan at silang pinagkaitan ng pagkakataong makatuntong sa paaralan dahil na rin sa kasalatan sa buhay.

Ang Popular na Edukasyon ay may pangunahing pagsaalang – alang sa partikularidad ng magbubukid. Dahil karamihan sa kanila ay ni hindi nga nakatapos ng mababang paaralan (elementarya), hindi rin sila sanay sa akademikong estilo ng pag – aaral (maghapong pag – upo sa silid aralan, pagbabasa ng makapal na aklat, mahabang pakikinig sa mga lektura, at iba pa) ito ay obhetibo nilang kalagayan at ang popular na edukasyon ay isang pagtatangkang umaangkop sa ganito nilang limitasyon.

Sa kasalukuyan ang pangangailangan ng Kilusang Magbubukid ay ang pagpapatatag ng kanilang hanay. At may kaakibat na Gawain dito ang Gawain ng edukasyon. Sa harap ng lumalaking pangangailangan para sa maraming instructor, naghahandog ng tulong ang popular na edukasyon. Ang Popular na edukasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng mga pamamaraan sa pagtalakay na magpapadali sa pag – unawa kaya inaasahan din ang mabilis na pagpapalaganap nito. Sa proseso’y dumadarami ang maaabot ng pag – aaral at dumadarami rin ang napapasulpot na instructor sa mismong hanay nila.

Hindi dapat maging hiwalay ang Popular na edukasyon sa masa. Hindi ito magiging tapat sa kanyang pangalan (popular) kung ito’ y lutang at banyaga sa kanila. Kung hindi nakikita ng magbubukid ang kabuluhan nito sa kanila, magiging hungkag ang konseptong ito kahit ipagpilitan pa natin sa masa na ang tawag dito ay popular na edukasyon.

Sa madaling sabi, susi ang malawakang pagsuporta ng masa sa konseptong ito upang matawag natin siyang tunay na Popular na Edukasyon. Ang konseptong ito ay nabuo mula sa kanila at para rin sa kanila. Kung ganoon, walang iba, kundi sila rin ang nasa posisyong tumingin kung ito’y tumutugon sa kanilang pangangailangan. Sa ibang salita, kung marapat nga itong tawaging popular na edukasyon?

Ang lupa ay buhay na kung saan dito nagmumula ang lahat ng ating kinakain sa araw – araw, at dito din tayo babalik kung tayo ay mamamatay. ang matagal ng inaasam ng mga magbubukid sa Pilipinas maging ng mga katutubo ay mapasa kanila ang malawak na lupain na siyang ginagamit sa golf course at commercial establishment na ang makikinabang lamang nito ay ang mga mayayaman at may perang pambayad o pambili kung sakali. Kawawang magbubukid ibibinta niya ang kanyang lupa sapagklat sa dami ng binabayaran niyang kemikals, pestisayds, herbisayds kulang nalang magsusayds siya sa dami ng kanyang utang sa isang kapitalista.
Kaya sa paghahangad natin ng pagkakaisa ng simbahan at ng mga katutubo, naisin natin ang lahat na ang pagdating ng paghihiganti at pagpapatwad ng Diyos at ng sambayanan sa karapatan sa lupang ninuno ng mga katutubo at sariling pagpapasya sa ilalim ng tunay at ganap na kalagayan, demokrasya at katarungan. Ang lupa ay buhay, para maging isang matatag na bansa ay may mamamayang sariling lupa na sa lupang ito nabuo at pinagtagpi – tagpi ang ating kasaysayan, kultura, tradisyon, at pananaw para sa hinaharap. Totoo nga sa ating kasaysayan na mga Filipino, at sa lahat ng lahi sa buong mundo na sa kasalukuyan karamihan sa komunidad ng ating mga kapatid na mga katutubo at magbubukid ay nakakaranas ng displacement sa kanilang sariling lupa dahil sa militarisasyon at development. Karamihan sa mga kapatid natin ay manggagawa sa mga dayuhang bansa na nakakaranas ng pang – aabuso at pang – aalipin, mga magsasakang pinagkaitan ng kanilang ikinabubuhay na siyang pinagkukunan ng kanilang pagkain sa araw – araw. Ang pagkakaroon ng isang tahanan ay paagkakaroon ng lupa na nagsisilbing buhay na ganap at kasiya – siya.

Kaya bilang mga mabuting katiwala ng Diyos ay magkaroon tayo ng alternatibong polisiya patungkol sa pagmimina na nagbibigay interes at pangangailangan ng mamamayan na maglilinaw sa mga isyu at usapin patungkol sa pag – unlad ng pagmimina dito sa ating bayan lalo na sa Mindanao, Mindoro, Palawan, Cordillera Administrative Region. Igalang ang prinsipyo, karapatan at kaligtasan ng mamamayan. Pagdepensa sa national patrimony at soberenya ng ating bayan. Scrap ang mining act of 1995 na kung saan ito ang pabigat sa mga katutubo at mamamayan ng probinsang biktima ngLalarge Scale Mining.
ANO ANG OTONOMIYA?
Pamamahala sa sarili ang otonomiya. Ang ibig sabihin nito, dapat maging Malaya ang isang Iglesya sa pagpaspasya ng para sa sarili nang walang pagpipigil mula sa iba. Ang resulta nito, inaako ng Iglesya ang responsibilidad sa kanyang mga desisyon at pananagutan niya ang kanyang mga pagpaspasya. Ang ibig ding sabihin ng otonomiya, tayo ang namamahala. Tayo ang magpapasya. Walang iglesya, gaya ng iglesya sa Estados Unidos, ang dapat magsabi sa atin kung ano ang daapat nating gawin, o kung ano ang hindi natin dapat gawin. Laban sa kalikasan ng buhay na nangingibabaw ang isang bayan sa isang baayan. Kapag ginawa ito, nalalabag ang dignidad at respeto sa sarili ng isang bayan, at hahantong yaon sa pagguho.
QUADRILATERAL GUIDELINES
SAAN SA BANAL NA KASULATAN MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Genesis 1: 27: Naniniwala ang mga Metodista na ang Banal na Kasulatan ang dapat na pangunahing batayan ng lahat ng paniniwala, doktrina at pagkilos. Bilang Biblical Reference, pagbulay – bulayan natin ang Genesis 1: 27, sa Theological terms, ito ang tinatawag nating “Imago Dei”. Binibigyang diin nito ang katotohanang ginawa ang tao sa wangis ng Diyos.
Tintatayang isinulat ang Genesis 1: 27 ng Priestly writers noong 586 – 538 B.C., kung kailan natalo ang Southern Kingdom ng m ga taga Babylonia at na – exile sila sa Babylon. Para sa isang bansa, walang pinakamsakit at pinakanakakahiyang pang – yayari kundi yaong malupig ka, pagsamantalahan, maging alipin ng ibang bansa, at paglingkuran ang sarilin mong kaaway na pumatay sa iyong mamayan. Ang katanungan ng mga Israelita noon: “ Kung talagang tinawag tayo ng upang maaging bayan ni Yahweh, bakit niya hinyaang dumating ang pinakamasakit na karanasang ito sa atin. Kung talagang pinili tayo upang maging mamayan ng Dios, bakit hinayaan niya tayong malupig ng Babylonia? Bilaang tugon sa katanungang ito, isinulat ng Priestly writers na “nilikha tayo mula sa wangis ng Dios” upang ipaalala sa kanila ang dakilang biyaya ng Dios sa bawat tao – ang kalayaan at dignidad. Sinasabi sa kanila na huwag mawalan ng pag – asa. Kung nalupig man sila, hindi nila kailangang manatili sa gayong kalagayan. Let us restore our dignity as a people and as a nation. Kung natalo man tayo, hindi natin kailangang manatili sa pagkaalipin… let us not settle down! Let us restore our identity as a people and as a nation.
Muling pinaalala sa kanila ang katotohanang ito noong 538 BC, noong natalo ng mga Persians ang mga Babylonians at sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus the Great, ibinalik sa kanila ang kanilang kalayaan at pinayagan silang makabalik sa kanilang lupain. Ngunit nagging kampante na ang karamihan sa mga tao sa kanilang kalagayan at wala nang balak bumalik sa kanilang lupain sapagkat tinatamasa na nila ang kasaganaan sa Babylonia. Kung kaya’t pinaalala sa kanila; “ Nilikha tayo mula sa wangis ng Dios”, samakatuwid, huwag nating ipagpalit sa kasaganaan ang kalayaan at dignidad. Huwag nating hayaang may ubasan nga tayo ngunit mananatili naman tayong alipin habang nabubuhay tayo. Let us restore our identity as a people and as a nation!
Ang pagiging “AUTONOMOUS ” ang fulfillment ng ating pagkatao bilang NILKHANG KALARAWAN NG DIOS. Ito ang panahong tatayo tayo sa sarili nating mga paa, buong laying gagawa ng desisyon at isulong ang mga gawain ng iglesya ayon sa ating konteksto at gampanan ito nang may dignidad.
Sa Galacia; ang sabi ni Pablo, walang karapatan ang isang menor de edad. Napapailalim siya sa pangangalaga ng isang guardian. Subalit kapg nagging adult na ang bata, nagiging lubusan na siyang responsible sa sarili niyang buhay at sa sarili niyang mga tinatangkilik, kung kaya hindi na niya kailangan ang sinumang guardian.
SAAN SA ATING TRADISYON MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Mababasa natin ito sa The Book of Discipline of the United Methodist Church. Sa section V, paragraph 546, mababasa natin ang pakahulugan ng Pinag – Isang Metodista sa isang Autonomous Methodsit Church. Sa paragraph 547, mababasa naman natin ang pakahulugaan ng Pinag – Isang Metodista sa isang Affiliated Autonomus Methodist Church. At as paragraph 548, mababasa natin ang mga procedures na kailangang sundin para tayo maging isang AFFILIATED AUTONOMUS METHODIST CHURCH.
ANO ANG ITINUTURO SA ATIN NG MGA PROBISYONG ITO?
Wastung – wasto at legal ang pagkilos para maging isang Affiliated Autonomous Methodist Church tayo ngayon, sapagkat ang Aklat ng Disiplina mismo ang nagbibigay sa atin ng gabay kung paano natin iyon makakamtan.
Walang ipinaparatang na secession ang Aklat ng Disiplina kapag naghangad ang isang kumprehensya sa labas ng Estados Unidos na maging autonomous. Sapagkat napakademokratiko ng United Methodist Church, iginagawad nito ang kalagayang autonomous sa mga naghahangad niyon basta’t susundin lamang nang buong kataimtiman ang naaangkop na procedure.
Malulusaw talga ang kaatayuang central conference at maitatag ang isang panibagong ugnayan. Irereorganisa ang central conference sa isang bagong organisasyong namamahaala sa sarili – kaya isisilang ng luma o dating dependienteng central conference ang ugnayang affiliated autonomous.
Tulad ng isang ina ang Inang Iglesia – ang United Methodist Churc – sa bagong silang na affiliated autonomous church. Hindi inaabandona ng Inang Iglesia ang kanyang anak; bagkus, ipagpapatuloy nila ang kanilang pakikipagugnayan sa isa’t – isa sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagdadalawan, pagkilala sa clergy ng isa’t – isa, pagpapalitan ng assistance, pagrerespetuhan, at pagsususportahan.
SAAN SA BUHAY AT KARANASAN NG ATING IGLESIA MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Paano nag – exist ang iglesia? Hindi nag – exist ang iglesia sa vaccum. Nag – exist ang iglesia sa gitna ng lipunan; sa katunayan, bahagi siya ng lipunan. Dahil doon, tuwirang naapektuhan ang iglseia ng sitwasyon ng bansang kinabibilangan niya – pangkabuhayan, pampulitika, pangkultura. Anuman ang magaganap na lipunan, direktang naapektuhan ang iglesia.
Nagging otonomos ba ang Iglesia Kristiayana? Nakakatuwang isiping isang otonomous sa relihiyon ang mismong “ Kristiyanismo ”. nagsimula siya bilang isang kilusang layko sa loob ng relihiyong Judaismo hanggang maging sekta nito. Noong oanahon ni Emperor Theodosius I, hindi lamang legal ang kristiyanismo kundi dineklara itong “ Relihiyon ng Estado ” ng buong Emperyo ng Roma. Di naglaon noong 1054 AD, nahati ang kristiyanismo. Sa gawing silangan, ang Eastern Orthodox Church (Mga Kristiyanong Griego ang salita); at Romano Katolisimo (Mga kristiyanong Latin ang salita) naman sa gawing kanluran.
Nagging otonomos ba Protestantismo? Nagkaroon uli ng slit sa Romano Katolisimo noong ika – 16 na siglo sa pangunguna ni Martin Luther dahil sa ibat’t ibang usapin. Ito ang tinatawag nating “ The Great Reformation ” ang dakilang repormasyon. Dito din nagsiula ang protestantismo. Nagkatoon muli ng paghihiwalay mula sa Romano Katolisismo. Nagdeklara ang bansang England ng kanilang kalyaan mula sa Papa. Itinatag ni Haring Henry VIII ang “ Iglesia ng England ”. ito ang Anglican Church kung saan Pari si John Wesley.
Ang Kasaysayan ng Metodismo sa Buong Mundo
Nagsimula ang istorya ng Metodismo sa England. Nakarating iyon sa Amerika; pagkatapos, sa Pilipinas. Istorya ng isang iglesia ang istoryang ito, istoryang hinubog ng mga naganap sa gitna ng panlipunang kalagayan ng mga bansang nabanggit.
Dinala ni St. Augustine ng Canterbury ang Kristianismo sa England noong ika – 6 na. Humarap sa sumusunod na pagsubok ang impluwensiya ng Iglesia ng Roma, na paman ni St. Augustine sa England:
Hinamon ng pyudal na monarkia ang karapatanng papa na pagkalooban ng otorisasyon ang mga obispong Inggles (na sakop ng hari);
Sa maagang yugto ng parlamento, nagresulta ang mga tendensyang protektahan ang sarili ng ilang batas na nagrerenda sa panghihimasok ng mga dayuhan o sa pagkilala sa kapangyarihan ng mga dayuhang gaya ng papa; at
Isang nagigising na diwa ng nasyunalismo, na laban na sa Pransia sa simula’t sapul, ang nagtulak kay John Wycliffe na manindigan sa Biblia bilang alternatibo sa otoridad ng papa na nasa ilalim ng impluwensya ng Pransia sa malaking panahon ng ika – 14 na siglo.
Sa ganitong kalagayan, isinentro ng mga Inggles ang kanilang sumusulong na pambansang kasarinl;an sa kanilang hari, pinaunlad nila sa direksiyon ng nasyunalismo ang kanilang institusyong panrelihiyon, isinabats ang pagsesentro niyon sa monarkia, pinalakas ang sintemyentong laban sa papa.
Isinagawa ni Henry VIII ang unang – unang mayor na hakbang na nagging sanhi ng paghihiwalay ng Iglesia ng Inggles mula sa Iglesia ng Roma. At naitatag ang Iglesiang Inggles sa ilalim ng monarkia. Itinakda ng mga aksyong ito ang mga hangganan ng kapangyarihan para sa hinaharap – kinakailangang dumadaan sa Parlamento ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa doktrina, istraktura, at patakaran ng Iglesia. Hindi itinakda ang mga iyon ng otoridad sa labas ng England, alalong baga ay papa o ng Iglesia ng Roma.
Lumaganap sa maraming bahagi ng England ang resultang ispritwal na pananamlay at kaluwagan sa moralidad. Ang pag – aabuso sa kalayaan bilangf estilo ng pamumuhay sa palasyo mismo ng hari ang isang halimbawa nito – pinatunayan ito ng mahabang talaan ng mga kerida ni Charles II.
Bago natapos ang paghahari ni Charles II, nagbigay ng inspirasyon ang reaksiyon laban sa pagguho ng moralidad at relihiyosong konsensya ng England sa pagbubuo ng maliliit na religious societies o mga lipuang relihiyoso na naglalayong magtagayod ng kabanalan at disiplinang Kristiano. Ito ang nagging katangian ng mga lipunang relihiyoso ni John Wesley, nagtataguyod ang mga ito ng personal holiness o kabanalang personal at social holiness o kabanalang panlipunan.
Ang metodismo sa America
Noong nadiskubre ang America (New World) sumama si John Wesley papunta rito upang magmisyon. Sa Georgia nagsimula ang Metodismo sa mga kolonyang Amerikano. May dalawang layunin si John Wesley nang magtungo siya sa Georgia noong ika – 6 ng Pebrero 1736 kasama sian Charles Wesley, Benjamin Ingham, At Chrales Delamotte:
Iligtas ang kanyang kaluluwa; at
Gumawa sa Amerika ng karagdagang kabutihan.
Dumating sila sa Georgia, ngunit hindi nagging mabunga ang kanyang ministeryo kaya’t ipinasya niyang bumalik sa England.
Umusbong at lumago ang binhi ng Metodismong naitanim ni John Wesley at ng kanyang kasamahan sa Georgia. Ipinagpatuloiy ng kanyang mga “followers” ang gawain sa America. Itinuturing ang Georgia na pangalawang pagbangon ng Metodismo.
Ang paglago ng Metodismo sa America
Tinanggap ni George Whitefield ang renda sa Amerika mula kay John Wesley nang bumalik ang huli sa England noong Disyembre 1737.
Limitado ang nagging tagumpay ng metrodismo sa Gergia dahil sa tension pampulitika at personal. Humiling si George Whitefield ng mga mangangaral kay John Wesley noong 1767. pinili ni John Wesley si Francis Asbury, isa sa mga nagboluntaryo, para isugo sa Amerika. Inordinahan sina Francis Asbury at Thomas Coke, pagkatapos, inapoint sila ni John Wesley bilang mga Obispo sa Amerika.
Tumindi nang tumindi ang political unrest sa Amerika sanhi ng aksyong military laban sa mga Pranses. Pinayuahan ni John Wesley ang kanyang mga mangangaral na gumawa ng daan para sa kapayapaan, na maging maibigin at mabait sa lahat.
Sumulat ng isang liham si John Wesley kay Earl ng Dartmouth (Secretary of State para sa kolonyang Amerikano) at nagpadala siya ng kopya kay Lord North (Punong ministro at unang panginoon ng tresurera) na nagtatanggol sa mga kolonista ng kanilang mga legal na karapatang ipahayag ang kanilang mga sentimyento, at nagbigay ng argumento para sa pagkakaunawaan at nagsalita laban sa pagsugo sa adhikaing military sa mga kolonyang Amerikano bilang isang talunang proposisyon.
Nalagay ang mga metodista sa Amerika sa isang kakatwang pusisyon. Bahagi sila ng isang kilusang Inggles na pinangungunahan ng isang tapat na Tory. Kaalinsabay niyon, inaasahan silang maging mga tagagawa ng daan tungo sa kapayapaan ng kanilang lider, na katumbas ng pagiging Loyalista sa tingin ng maraming mga Kolonista (kahanay ng pasipismo), at pagtaksil sa adhikaing Amerikano. Walangf kamalay – malay ang mga kolonya tungkol sa mga liham ni John Wesley. Iminungkahi niya kay Thomas Rankim (General Assistant ni John Wesley sa Amerika noong 1773) na pabalikin si Francis Asbury sa England, subalit napag – alaman niya noong kumprehensiya ng Agosto 1775 na mananatili pa si Francis Asbury sa Amerika nang isa pang taon.
Nagbago ng tindig ni John Wesley hinggil sa pampulitikang sitwasyon sa Amerika, na ikinagalit ng mga kolonistang Amerikano. Ipinalagay niyang walang moral o legal na timbang ang mga argum,ento ng mga kolonista, tulad ng “Walang pagbubuwis nang walang representasyon,” at iresponsable ang kanilang karaningan pabor sa kalayaan at pagsasarili mula sa Inggles na pamatok.
Nakaragdag ang lantarang anti – Amerikanong paninindigan ni John Wesley sa tension sa marupok nang posisyon ng kanyang mga metodistang tagasunod sa Amerika. Pinagsuspetsahan ang karamihan sa kanila na may simpatyang Loyalista dahil sa kanilang kaugnayan sa isang “Loyalista’. Bumalik sa Englans noong 1777 ang lahat ng mga metodistang mangangaral na inappoint ni John Wesley sa mga kolonyang Amerikano, maliban kay Francis Asbury, dahil nasa mga Amerikano ang kanyang simptya.
Isinugo ni John Wesley sina Thomas Coke (Obispo0, Whatcoat, at Vasey (Ordiandong Presbitero) sa Amwerika taglay ang isang planong magtayo ng isang Iglesia metodistang hiwalay sa Iglesia ng England. May esensyal na ekklesyastikal na features ng isang pang “Iglesiang” denominasyon ang iglesiang itatayo. Meron iyong ordiandong clergy na mangangasiwa sa mga sakramento at may upisyal na aklat ng servicio (Liturhiya at mga pandoktrinang pamantayan). Iminungkahi ni Francis Asbury na pagtibayin ng kumprehensya ang plano ni John Wesley.
Idinaos ang Pamaskong Kumprehensya sa Lovely Lane Chapel sa Baltimore, Maryland noong 1784, sa kumprehensyang ito, pinagtibay ang mga makabuluhang aksyonng nagbibigay – hugis sa Amerikanong Metodismo:
Inihalal sina Francis Asbury at Thomas Coke bilang mga Obispo (Amerika)
Isinaalang – alang ang plano ni John Wesley at inadopt ang pinakahuling bersyon ng large Minutes (1780) (na tinagurian na ngayong Conference Journal) sa eksenang Amerikano.
Narebisa ang British Minutes para lumikha ng unang Amerikanong “Anyo ng Disiplina” – nagsilbi itong “Binding Minute”, alalong baga ay nagbibigay ng Amerikanong kontrol sa kanilang connection.
Nag – establisa ng isang bago at hiwalay na denominasyon – ang Methodist Episcopal Church (MEC).
ANG PAGLAGO AT PAGLAGANAP NG METODISMO SA AMERIKA
Noong 1816, dahil sa isyu ng racial discrimination, minabuti ng mga itim (black amrican) sa pamumuno ni Richard Allen ang pagpapatayo ng hiwalay na Iglesya. Tinawag nila itong “African Methodist Episcopal Church”. (AMEC)
Noong 1821, isa naming paghihiwalay mula sa Methodist Episcopal Church ang nangyari sa parehong isyu. Tinawag ng grupong ito ang kanilang sarili na “African Methodist Episcopal Zion Church”. (AMEZC)
Noong 1830, isang gru[po naman mula sa mga layko ang nagpasyang magsarili dahil sa hindi magandang pamamalakad ng mga pastor at mga Obispo. Tinawag nila ang kaniliang grupo na “Methodist Protestant Church”. (MPC)
Noong 1845, dahil sa isyu ng pang – aalipin, nagkaroon ng isa pang paghihiwalay. Mula sa paghihiwalay na ito, nabuo ang “Methodist Episcopal Church South”. (MECS)
Noong 1870, mula sa MECS, humiwalay ang nalabing grupo ng mga itim at tinawag nila ang kanilang grupo na “The Colored Methodist Episcopal Church”, Ngayon ito na ang “ The Christian Methodist Episcopal Church”. Kasama ng AMEC, at AMEZC, miyembro ang CMEC sa World Methodist Council.
Noong 1939, nagsama uli ang MEC, MPC, at MECS at tinawag ang kanilang sarili na “ The Methodist Church”.
Sa kabilang panuig ng Amerika, sa pangunguna nina Philip William Otterbein, at Martin Boehm, itinatag nila ang “Church of the United Brethren in Christ’. Noong 1800.
Noong 1803 naman, isang tilemaker mula sa Pensylvania ang nagtatag ng “Evangelical Association”.
Subalit noong 1891, humiwalay ang ibang miyembro mula sa Evangelical Association at itinatag ang “United Evangelical Church”.
Noong 1922, muling nagsama ang Evangelical Association at United Evangelical Church, at tinawag nila ang kanilang mga sarili na “ The Evangelical Church”.
Noong 1946, nagsama ang Church of the United Brethren in Christ at The United Evangelical Church, at tinawag nila ang knailang sarili na “ Evangelical United Brethren”.
Noong ika – 23 ng Abril 1968 sa Dallas, Texas, nagsama ang The Methodist Church, at ang Evangelical United Brethren, at tinawag itong “The United Mehtodist Church”.
Ang Pagsimula ng Metodismo sa Pilipinas
Magkaagapay ang kolonyalismo at kristiyanismo pagdating sa Pilipinas. Nasakop ng mga kastila ang Pilipinas sa loob ng 350 taon sa pamamagitan ng pagkukombina ng espada at krus. Nang isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos noong 1898, nagging kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas. Simula noon at sa pamamagitan nito, naitakda ang panlipuang sitwasyon ng bansa.
Dumating ang Amerikanong Protestantismo sa Pilipinas kasama ng pwersang mananakop ng Estados Unidos. Naihanda ng kampanyang military ng Estados Unidos noong huling bahagi ng ika – 19 ng siglo (19th Century) ang daan sa pagdating ng Metodismo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ang unang karanasan ng ng Estados Unidos sa kolonyalismo.
Upisyal na pumasok noong 1898 ang Metodismo sa Pilipinas bilang pagmimisyon ng Methodist Episcopal Church ng Estados Unidos sa pamamagitan ni Chaplain George Stull. Pamilya ni Don Paulino Zamora, pamangkin ng pinatay na paring si Jacinto Zamora, ang isa sa pinakaunang yumakap ng Metodismo nang dumating ito. Noong 1990, naordinahan bilang kauna – unahang Metodistang Pastor si Nicolas Zamora. Noong 1908, nabuo ang Philippine Island Conference.
Sa panahong ito di nawawala ang diwa ng nasyunalismo sa mga Pilipino. Patuloy nilang ninais ang pagiging tumay na Malaya mula sa panghihimasok ng mga dayuhan. Hindi nawala ang diwang nagnanais ng kalayaan sa mga Pilipino.
Mula pa noong maagang yugto ng 1900, naghangad ang mga Metodistang Pilipino ng isang katutubong Iglseya Metodista sa Pilipinas. Sa Tondo, Manila, itinatag ng mga Metodistang Pilipino ang “Katotohanan Society”. Ito ang grupo ng mga Pilipinong Metodista na nagnanais sa magtatag ng “Indigenous Methodist Church”. Merong sumisidhing disgusto at hinanakit sa hanay ng mga lider ng katotohanan Society laban sa mga Amerikanong lider – misyonero. Hindi nila kinukwestisyon ang doktrinang Metodista, ang nais laamng nila, hindi mga kano, kundi mga Pilipino ang mamuno sa Iglseya.
Upang ma – pacify ang grupong ito, pinadala ng mga kano si Nicolas Zamora.
Narinig at nakita ni Nicolas ang hinaing ng mga tao. Di tumigil sa pag – apila ang di – mapalagay na mga kaanib ng Tondo Methodist Church kay Pastor Nicolas Zamora na pangunahan sila sa independienteng Pilipinong Iglesya Metodista. Nagging tapat siya sa Methodist Episcopal Church. Subali’t pinagduduhan at pinagsuspetsahan siya ng ilang misyonero at ginawan ng mga isyu. Ditto naki8ta ni Nicolas Zamora na may dahilan nga ang grupong ito na hingin ang kanilang kalayaan at dignidad. Ito ang nagtulak sa kanya para humiwalay sa MEC. Noong 1909, nagging lider ng mga Pilipinong Metodista si Nicolas Zamora, at itinatag nila at inorganisa ang isang independienteng Pilipinong Iglesya Metodista (na tinguriang IEMELIF “Iglesya Metodista En Las Islas Filipina”). Ngayon, miyembro din ang IEMELIF ng NCCP (National Council of Churches in the Philippines). Member din sila ng World Methodist Council. Humiwaly si Nicolas Zamora mula sa MEC dahil sa parang mga bata kung tratuhin ng mga Amerikanong misyonero ang ga Pilipinong kanilang minimisyunan at inebanmghelyuhan. Nais pa ng mga Amerikanong misyonero na kontrolin at isentralisa ang pagmimisyon at pag – eebanghelyo.
Nagpatuloy ang pagnanais ng mga Pilipino na patunayang kaya nila, hindi lamamng ang ministeryo, kundi ang pamumuno. Dahil lagi na lang may kakulangan ang mga Amerikanong Obispo sa mas makaranasan at matagumpay na mga kaanib ng Pilipino ng Kumprehensya Anwal para pangasiwaan ang mga probinsiyang walang misyonero. Limang Pilipinong superintendente ng distrito. Noong 1915 (After 17 years), dalawang Pilipinong Pastor ang nagging District Superintendent sina (Catalino Santos ng Bataan District at Lorenzo Tamayo ng Tarlac District). Gayon nagsimula ang Pilipinisasyon ng Metodistang liderato noong 1915.
Noong 1924, nakahalal tayo ng unang Pilipinong delegado sa General Conference sa kataohan ni Dionisio Diesta Alejandro.
Nagsisimpatiya maging ang ilang Amerikanong Metodistang lider na naka – assign sa Pilipinas sa hangarin ng mga Pilipinong Metodista na maging isang katutubong iglesya. Sumusuporta rin sila sa inaadhikaing independensya ng sambayanang Pilipino.
Nagharap si Dr. Joshua Cottigham ng isang resolusyon noong 1926 sa Kumprewhensya Anwal ng 1926. dahil sa resolusyong ito, nalagay ang hangarin ng Philippines Islands Annual Conference (PIAC) para sa isang katutubong Iglesya Metodista.
Suporta sa mga Pastor at sa lahat ng gawaing ebanghilistiko.
Pamamahala sa sarili; at
Sariling pagtataguyod ng ebanghelyo.
Nagpakita si Dr Joshua Cottingham ng suporta sa hinahangad na independensya ng sambayang Pilipino. Sa panahon ng sesyon ng PIAC ng 1926, nagkaroon ng aksyon na pagtibayin ang isang resolusyon hinggil sa hinahangad na pampulitikang independensya ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatibay na muli sa aksyon ng Kumprehensya Anwal ng 1922 na nagpapahayag ng lubusang simpatya sa hangaring political identity ng mga pilipino.
Patuloy ang pagsusumigasig ng mga Pilipino na patunayang kaya nilang mamuno, kung kayat noong 1932 mga Pilipinong Elders na ng Kmuprehensya Anwal ang lahat ng mga Superendente ng Distrito, ibig sabihin, nasa ilalim na ng pamumuno ng mga Pilipinong DS’s ang lahat ng mga distrito.
Noong 1933, isa na naming hiwalayan ang nangyari. Naitatag ang Philippine Methodist Church
Nagpatuloy ang pagsusumigasig ng mga pilipino para patunayang kaya niyang pamahalaan ang kanyang sarili. Noong 1936, nagpasa ang kumprehensya Heneral ng MEC ng isang Enabling Act para sa organisasyon ng isang Kumprehensya Sentral sa Metodismo sa Pilipinas. Mula noon, umiral na ang Kumprehensya Sentral ng Pilipinas bilang pangorganisasyong istraktura ng Metodismo sa bansa. Noong 1940, nagkaroon ng unang sesyon ang Philippine Central Conference. Noong 1942, nagging acting head of Philippine Methodism si Francisco Galvez. Noong 1944, (after 26 years) nakapaghalal tayo ng kauna – unahang Obispo na Pilipino sa katauhan ni Dionisio Diesta Alejandro.
Noong 1948, nagsama – sama ang Philippine Methodist Church, kasama ng Presbyterian, The Disciples, The Evangelical United Brethren (Na tatay natin sa Amerika), at The Congregationalist at nabuo ang United Church of Christ in the Philippines (UCCP)
Sa panahon ng ika – 18 na sesyon ng Kumprehensya Sentral ng Pilipinas noong 1964, nagbuo ang Philippine Central Conference committee of Structure of Methodism Overseas (PCC – COSMOS) ng Study Commission on Church and ecumenical Relation. Si Dr Emerito P. Nacpil ang nagsilbing taga pangulo ng komisyong ito. Noong 1966, nagpresent ang COSMOS ng limang alternatibong istraktura at isa dito ang Otonomiya.
Noong 1968, sa panahon ng ika – 9 na regular na sesyon ng PCC, iprinisinta ng Study Commission ang ikalawa nilang ulat. Bilang resulta, gumawa ng upisyal na aksyon ang Kumprehensya Sentral para sa isang Modified na istraktura ng Kumprehensya Sentral. Sa kasamaang palad, sa panahon ng Kumprehensya Heneral ng 1970, walang isinagawang aksyon hinggil sa PCC memorial on Church Structure. Ipinagpaliban ng Kumprehensya Heneraal – COSMOS ang paggawa ng aksyon kaugnay ng aksyon ng PCC sa Kumprehensya Heneral ng 1972.
Noong 1972, tinanggap ang ulat ng COSMOS, binigyang laya ng PCC na magdesisyon kung mananatili itong Kumprehensya sentral O maging Affiliated Autoniomous. Tulad ng inaasahan, pagdating nga ng 1976 Central Conference Session, in accordance with the Enabling Act of 1976 General Conferece nanalo nga ang Affiliated Autonomy. (158 ballots cast; 103.5 – 2/3 majority; 109 voted for autonomy while 46 voted against). Tuwang – tuwa ang mga tao, palakpakan ang buong Kumprehensya habang nag – iiyakan sa galak ang iba pa. Pagkatapos ng mahabang taong ipinaaglaban ang kasarinlan, sa wakes naipanalo ito ng mga Pilipino.
Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo ng mga Metodistang Pilipino noong ideneklara ang action na ito na “null and void” dahil sa kakulangan nitong ilahad ang quantified 2/3 aggregate votes. (Isang kumprehensya ang nag – ulat ng “unanimously approved” at hindi naitala ang bilang ng mga bumoto). Naglapse na sa ibinigay na time frame bago naayos ang bagay na ito kaya’t natalo ang usaping ito dahil sa technicality. Ang nakakalungkot, tumalokod ang mga taong haligi ng movement na tio noong nasa posisyon na sila.
Nanatiling buhaay ang hangaring Otonomiya hanggang dekada 80. ipinagpatuloy ng mga layko, diyakonesa, kabataan, at mga pastor ang pakikibaka para sa otonomiya.
Nagpatuloy ang hangarin para sa kasarinlan. Patruloy ang mga tao na nagpursige para sa usaping ito. Napahinuhod nila si Dr. Daniel Arichea na translatornoon ng United Bible Society na kumandidato bilang Obispo at dalhin ang usapin ng otonomiya. Hindi naman siya delegado sa Kumprehensya Sentral at wala siyang panahong mangampanya. Ngunit hiniling ng mga tao na taanggspin niya lang ang pagkandidato at sila na ang bahalng mangampanya. Noong 1994, nahalal si Dr. Daniel Arichea bilang Obispo (in absentia). Sa panahon ng panunungkulan niya, muling lumakas ang usapin ng otonomiya. Noong 2000 Central Conference, nahalal ang tatlong incumbent bishops na hayagang nagdeklara na para sila sa “Affiliated Autonomy”.
Ipinakita ng kasaysayan ng Metodismo kung paano yaon nagsikap at nakipagbuno para manatiling totoo at tapat sa kanyang misyon at ministeryo, kung gaano yaon kinompronta at nahamon ng pangangailangang mabuhay sa paraang pinamamahalaan, itinataguyod, at sinusustini niya ang kanyang sarili.

Monday, March 9, 2009

Lupa ay Laya

LUPA AY LAYA
1 HARI 21: 1 - 21

Ang bayang Pilipinas ay may mabundok na kalupaan na may sukat na 30M ektarya. At ito ay binubuo ng 7, 101 pulo na nahahati sa tatlong malalaking grupo: Luzon, Visayas at Mindanao. Mataba ang kanyang lupang agricultural: may tanim na palay, mais, gulay, prutas at halamang ugat. May Yamang mineral gaya ng karbon, bauxite, uranium, nikel, ginto, tanso, at langis. Sagana din ito sa isda at iba pang yamang – tubig tulad ng Liguasan Marsh.
Ang likas na yaaman ay sobra – sobra para sustentuhan ang mamamayang Filipino, ngunit sinsagkaan ng imperyalismo at mga local na papet ang mamamayan na gamitin ang mga ito. Ang yamang ito ay nililinlang ng imperyalismo at alipuris nito para sa sarili nilang kapakinabangan.
Sa Bibliko Teyolohikong Repleksiyon na ito, gusto kung mabalikan natin ang isang kuwento sa Matandang Tipan na tumatalakay sa ganitong tema “Pang- aagaw sa Lupa at pagpatay sa iyong angkan”, at kung papaanong ang Dios ng kasaysayan na si Yahweh ay kanyang ipinakita ang kanyang galit at kalooban sa bagay na ito. Matatagpuan natin ang kuwento sa 1 Hari kabanata dalawamput - isa, talatang isa hangganag dalawamput – isa (1 Hari 21: 1-21). Ang mga pangunahing tauhan ay sina a) Nabat, puwedi nating tawaging isang katutubo, sapagkat nag – mamay –ari siya ng isang lupain ng kaniyang mga ninuno (ancestral domain), b) Acab, isang Hari nang Samaria (Northern Kingdom), c) Reyna Jezebel, asawa ni Haring Acab, d) at Elias Propeta ni Yahweh. Simulan natin ang kuwento…. “Hindi nagtagal at ito naman ang nangyari kay Acab, Hari ng Samaria. Sa tabi ng kanyang palasyo sa Jezreel ay may isang ubasan. Ito ay pag- aari ng isang tagaroon na ang pangalan ay Nabat. Nagustuahn ni Haring Acab ang ubasan, kaya’t sinabi niya kay Nabat. Ibigay mo na sa akin ang iyong ubasan at gagawin kong taniman ng gulay pagkat malapit sa aking palasyo. Papalitan ko ng mainam na ubasan, o babayaran kita.” (talata 1-2)
Habang binabasa ko ang kuwentong ito, hindi ko maiiwasang isipin ang daang – daang libong ektaryang lupain ng mga katutubong Filipino na pinagnanasaan ng mga malalaking kapitalista gaya ng “Trans National Corporation at Multi National Corporations” na sa tulong ng gobyerno ay unti - unti nang kinakamkam ng mga dambuhalang kompanya ang lupain ng mga katutubo at sa tulong di umano nang GLOBALISASYON. Halimbawa ang 100, 000 ektaryang lupain ng mga kapatid nating mga B’laan sa Tampakan, South Cotabato at Columbio, Sultan Kudarat na unti – unting kinakamkam ng Saguitarius Mines Incorporated, Tampakan group of Companies, Alcantara Sons (ALSONS), at Western Mining Corporation na ngayon ay Saguitraius Mines Incorporated na sa ngayon ay may bago na namang pangalan X-STRATA. Ilan lamang ito sa mga lupain ng mga katutubo na pinagnanasaan ng mga dambuhalang mga kompanya gaya ng Multi National Corporations at Trans National Corporations na kung saan sila ang mag –eexplore ng lupa maging ng bundok at sa bandang huli butas at dumi ang iiiwan sa atin na dulot ng skin cancer, taggutom, polusyon ng ilog at ang pinaka matindi sa lahat ay may tax holiday ang mga ito sapagkat napapaloob sa Mining Act of 1995 “Na may karapatan ang mga dambuhalang kompanya na mag – ayri ng lupa dito sa ating Bansa sa pamamagitan ng kanilang mga dammy na kung saan nag –aasawa sila ng mga Pinay para maging legal ang kanilang paninirahan sa mga lugar na kung saan sila nag – ooperrate.
“Ngunit ganito ang naging sagot ni Nabat: “Patawarin ako ni Yahweh, ngunit hindi ko po maibibigay sa inyo ang pamana sa akin ng aking mga ninuno. (talata 3)
Narito ang tinurang ito ni Nabat ang mahalagang pagtanaw sa Banal na Kasulatan at sa mga katutubo tungkol sa lupa at ang napakalaking pagkakaiba nito sa pananaw ng Hari at nasa kapangyarihan at ang mga kapitalista. Sa tinurang ito ni Nabat ipinapaalaala niya kay Haring Acab na ang lupaing minana niya sa kanyang mga ninuno ay hindi maaaring ipagbili kaninuman sapagkat ito ay pag – aari niya maging ng kanyang magulang at ng kaniyang magiging mga anak at kaapu - apuhan. Ang pag – aalis ng lupa ay pagpapatiwakal sapagkat pag – aalis ito ng pinakamahalagang pinagmulan ng buhay, kultura, tradisyon, kabuhayan at kalayaan. “Hindi ninyo maipagbibili nang lubusan ang lupa sapagkat iyon ay akin; pinatirhan ko lamang sa inyo.”(Lev. 25:23). Sa makatuwid layunin ng Panginoong Diyos na ang lahat ng kanyang anak, hindi ang iilan lamang ang siyang mamuhay ng maligaya at masagana sa lupaing ipinagkaloob sa kanila ng Diyos na si Bathala.
Kung mayroong nagbibigkis sa mga mamamayang katutubo ng Pilipinas, sa gitna ng mahigit 400 taong pananakop ng mga banyaga at neokolonyal na dominasyon sa kanila ay walang iba kundi ang paggalang at pagkilala sa lupa. Ang lupa ay buhay at ito’y sagrado na biyayang galing Diyos na si Bathala sapagkat sabi ni Apo Macling Dulag “Ang lupa ay parang isang dalaga na napakahirap makisama sa kanya sa matagal na panahon, pagkatapos sa wakas sasabihan ka pang hindi mo siya pag - aaring lubos”. Tinatanung ninyo kung kami ba ang may – ari ng lupa. At tinutudyo kami, Nasaan ang inyong titulo? Nang tanungin namin ang ibig ninyong ipakahulugan, sumagaot kayo ng may pagmamayabang. “Nasaan ang mga dukumentong magpapatunay na kayo nga ang nagmamay –ari sa Lupa?” Titulo. Dokumento. Katunayan ng pagmamay – ari. Mga kahambugang pananalita ng pagmamay - ari sa lupa. Paano ninyong aariin ang kamamatayan ninyo. Tanging ang lahi lamang ang magmamay – ari sa lupa sapagkat ang lahi lamang ang mananatili magpakaylanman..”
Umuwi si Haring Acab na malungkot at masama ang loob dahil sa sagot ni Nabat. Nagkulong siya sa kaniyang silid, hindi makausap at ayaw kumain. Nilapitaan siya ni Reyna Jezebel at tiananong: “Ano bang isinasama ng loob mo at di ka makakain?” Sumagot ang Hari: “Kinausap ko si Nabat na taga Jezereel, at inalok ko siyang papalitan o babayaran ang kanyang ubasan ngunit tinanggihan ako, at ang sabi ay hindi raw niya maaaring ibigay sa akin ang kanyang ubasan.” Wika sa kanya ni Reyna Jezebel: “Halika na! Kumain ka na huwag kanang malungkot ireregalo ko sa iyo ang ubasan ni Nabat.”(talata 4-7)
Ipagpatawad ng mga kababaihan kung ako ay hindi magiging gender sensitive, pero sa totoo lang si Reyna Jezebel sa bibliya ay simbolo ng PROSTITUSYON. Sa Apocalipsis 2:20, Si Jezebel, Sabi ng Anak ng Diyos na ang babaeng nagpapanggap na sugo ng Diyos, Nililinlang niya ang aking lingkod, ibinubulid sa kahalayan, at inuudyukang kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus – diyusan. Sa madaling sabi si Jezebel ay simbolo ng pagyukod kundi man pakikipagtalik sa mga bagay na laban sa tunay na Diyos. Kaya halika na, kumain kana, ireregalo ko sa iyo ang ubasan ni Nabat, ay larawan hindi lamang ng mapang – akit na pananalita ni Jezebel, kundi ang paghuhubad niya sa kanyang tunay na pagkatao ang pagka – gahaman sa kapangyarihan at paggamit sa dayuhang kaugalian. Gaya sa mga nangyayari sa kasalukuyan kung may salita pang mas higit sa malandi o prostitute ay yon ang nararapat na itawag ko kay Pres. Gloria Macapagal Arroyo na kung saan madami siyang nilinlang na mga Filipino lalo’t higit yong mga kapatid nating mga katutubo na pinangakuan ng samo’t saring pangako ngunit sa sawing palad ay wala ni isa man sa kanyang mga pangako kundi ang kanyang sagot ay pinalayas sila sa kanilang mga tahanan at sa kanilang sariling lupa at ang ipinalit ay malalaking establishment at golf course na hindi naman lahat ng mga pinalayas ay makakapasok bilang empleyado sapagkat ang karamihan sa kanila ay hindi marunong bumasa at sumulat. Binuo ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo ang National Council of Indigenous People na kung saan ang council na ito ang nakatutuk KUNO at gagawa ng paraan kung paano pagyamanin ng mga katutubo ang kanilang lupa ngunit iba ang nangyari sa kanilang lupa sapagkat ang bawat isa ay may hawak ng land title at ito ay napakadaling paraan para mai – loan ng mga katutubo ang kanilang share at pagdating ng panahon sila na mismo ang walang lupa at mapapalayas sila sa kanilang lupang sinilagan. Tanong; May pagkakaiba ba sina Reyna Jezebel at PGMA?
Sinasabi dito, “what are we inpower for” kung sa batas ni Yahweh ay hindi puweding alisin ang mga ninuno, O di kaya ay magpasa ng mga batas o butas sa mga umiiral na batas tulad ng Land Registration Act of 1955, Corporate Farming Program of 1974, Agricultural Development Incentives Act of 1986, o Mining Act of 1995, Industrial Forest Management Agreement and National Integrated Protected Areas System, o di kaya ay Indigenous Peoples Right Act, lahat ng mga ito’y naggagarantiya ng pang – aagaw ng mga lupa ng mga magbubukid at mga katutubo. At ito din ang simpleng pamamaraan ng pagpasok ng General Agreement on Tariffs and Trade, siguradong malulugi si Nabat at ibebenta na niya ang kanyang lupa o ang kanyang ubasan kay Acab na ganid at gahaman (ganyan ba ang gusto nating mangyari?) May iba pa bang legal na iskimang hindi nagbubulid sa mga katutubo patungong etnosidyo?
Subalit si Jezebel ay may mas maitim na balak para makuha ang lupain ni Nabat. Gumawa siya ng ilang sulat sa ngalan ng Hari, at ipinadala sa mga matatanda at namumuno sa lungsod na tinitirhan ni Nabat (mga local official, military – police officers, judicial council member at mga public attorney). Ganito ang sabi sa sulat “Ipag – uutos ninyo ang isang pangkalahatang pag – aayuno (National Day of Prayer and Fasting). Patayin ninyo si Nabat sa harap ng karamihan. Kumuha kayo ng dalawang upahang saksi na maghaharap ng ganitong sumbong laban sa kanya: Tinutungayaw niya ang Diyos at ang Hari. Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.” (talata 8-10) hindi lamang pagpapasasa ng mga mapagkunwaring batas, ginamit pa ni Jezebel ang husgado at lahat ng kanyang kapangyarihan upang sa pamamagitan ng mga upahang saksi ay maisakatuparan ang pang – aagaw sa lupain ni Nabat. Kinumbinsi ng mga matatanda at namumuno sa lungsod (mga kagalang – galang na lider) na ideklara si Nabat na isang mamumusong (blasphemer), isang higit pa sa “terorista” na dapat batuhin hanggang mamatay. Ang pagbibigay sa kagustuhan ng Hari ay krimeng katumbas ay “death penalty”, kung sabagay naman, 95% ng mga mamamayan sa Samaria ay sang – ayon sa Hari, ang 5% ay kaibigan ng mga “terorista” o hindi tunay na taga Samaria. Ayon sa kuwentong ito na tatapusin na natin, natupad ang pinakaaasam ni Acab sang – ayon sa karumaldumal na plano ni Jezebel. At ayon sa II HAri 9:26; Hindi lamang si Nabat kundi pati ang mga anak, ang kaniyang buong angkan ay ipinapatay ni Acab. Isang pangyayaring karumaldumal sa kasaysayan ng Samaria, sadyang paglipol sa tribu ni Nabat tulad din naman ng paglipol sa mga katutubo sa pamamagitan ng kambal – atake ng mapaminsalang mga proyekto ng mga dayuhan at gobyerno ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo at ng batas sa terorismo ng Estado Unidos. Subalit hindi lamang natatapos sa kuwentong ito sa paglipol sa tribu ni Nabat at tuluyang pag – angkin ni Acab sa lupaing kinamkam sa pamamagitan ng masaker o krimen. Katulad ng ginawang pagpatay ni Cain kay Abel na sumisigaw ng katarungan at kaapayapaan at paghihiganti, ang pagpaslang kay Nabat at sa kanyang mga anak ay hindi maaaring basta ipagwalang bahala ni Yahweh.
“Sinabi ni Yahweh kay Elias na taga Tisbe: madali ka! Puntahan mo si Haring Acab. Makikita mo siya sa Jezrel, sa ubasan ni Nabat. Naparoon siya upang kamkamin iyon. Sabihin mo sa kanya ito: ang ipinasasabi ni Yahweh, isa kang mamamatay – tao. Ngayon naman ay pangangamkam ang ginawa mo. Kung saan hinimod ng mga aso ang dugo ni Nabat, doon din hihimurin ng mga aso ang iyong dugo.” (talata 17 –19) subalit higit pa sa pagkakaloob ng kaniyang charisma, ang simbahan sa halimbawang ipinakita ni Elias sa ating kuwento ay naging tapat, maliksi at matapang na ginampanan niya ang kanyang pagiging propeta sa gitna ng pang – aabuso ng mga makapangyarihan at pang – aagaw sa lupain ng mga katutubo kundi man paglipol sa kanila. Lalo na sa panahong ang mga legal na institutsyon at mga organisasyong nagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo ay isa – isa nang pinapatahimik, ang simbahan bilang tagapagtaguyod ng Salita ng Katotohanan at Katarungan ay inaasahaang magsalita bilang Propeta ng Diyos sa ating kapanahunan. Bilang propeta tungkulin niyang ipahayag ang balita na pagliligtas at pagpapalaya ng Diyos sa sangkatauhan at upang matuligsa ang lahat ng humahadlang sa mensahe na ito ng kaligtasan, kasama ang pagtuligsa sa rehimeng naglalagaay sa mga katutubo patungong kamatayan. Bilang Propeta, ang simbahan, katulad ni Elias, ay hindi niya dapat ipikit ang kanyang mga mata at takpan ang kaniyang taynga sa sigaw ng dugo ng mga katutubo at mga humihingi ng katarungan at paghihigaanti para sa kanila. Di dapat isakripisyo ang paghahangaad ng katarungan ng mga katutubo at mamamayang Filipino sa ngalan ng di – umanoy pagkakasundo o rekonsilyasyon. Mahalaga ang pagkakasundo, subalit hindi nangangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng katarungan. Kung ninakaw mo ang lupain ng aking ninuno, at sinabi mong patawarin na kita. Bakit hindi. Patatawarin kita pero ibalik mo muna ang ninakaw mong lupain ng aking mga ninuno at patatawarin kita. At ayon sa Social Principles ng Nagkakaisang Iglesia Metodista ay nanawagan para sa pangangalaga sa inang kalikasan at sa iba pang nakataagong yaman at maging sa pangangalaga sa mga unti – unti nang nawawalang hayop dito sa ating bayan.
Sa halimbawang ipinakita ni Elias at pagsasabing “Kung saan hinimod ng mga aso ang dugo ni Nabat ay doon din hihimurin ng mga aso ang iyong dugo”, ipinakikita niya ang halimbawang pagkauhaw at pagnanasa sa katarungan para kay Nabat at sa kanyang mga anak. Walang saysay ang pagpapatawad kung hindi ito nakabatay sa katarungan. Sabi sa aklat ni Daniel 12:13: “Ang mga manggagawa ng katarungan ang magniningning na parang tala sa kalangitan magpakailanman”. Sabi naaman ni Pablo sa Roma 14:17 “Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay nakabatay una sa lahat sa pagiging makatarungan” 2 Pedro 3:13: “Na ang bagong langit at lupa ay paghaharian ng katarungan.”
Kaya sa paghahangad natin ng pagkakaisa ng simbahan at ng mga katutubo, naisin natin ang lahat na ang pagdating ng paghihiganti at pagpapatwad ng Diyos at ng sambayanan sa karapatan sa lupang ninuno ng mga katutubo at sariling pagpapasya sa ilalim ng tunay at ganap na kalagayan, demokrasya at katarungan. Ang lupa ay buhay, para maging isang matatag na bansa ay may mamamayang sariling lupa na sa lupang ito nabuo at pinagtagpi – tagpi ang ating kasaysayan, kultura, tradisyon, at pananaw para sa hinaharap. Totoo nga sa ating kasaysayan na mga Filipino, at sa lahat ng lahi sa buong mundo na sa kasalukuyan karamihan sa komunidad ng ating mga kapatid na mga katutubo ay nakakaranas ng displacement sa kanilang sariling lupa dahil sa militarisasyon at development. Karamihan sa mga kapatid natin ay manggagawa sa mga dayuhang bansa na nakakaranas ng pang – aabuso at pang – aalipin, mga magsasaka at mangingisdang pinagkaitan ng kanilang ikinabubuhay na pinagkukunan ng kanilang pagkain sa araw – araw. Ang pagkakaroon ng isang tahanan ay paagkakaroon ng lupa na nagsisilbing buhay na ganap at kasiya – siya.
Kaya bilang mga mabuting katiwala ng Diyos ay magkaroon tayo ng alternatibong polisiya patungkol sa pagmimina na nagbibigay interes at pangangailangan ng mamamayan na maglilinaw sa mga isyu at usapin patungkol sa pag – unlad ng pagmimina dito sa ating bayan lao na sa Mindanao, Mindoro, Palawan, Cordillera Administrative Region. Igalang ang prinsipyo, karapatan at kaligtasan ng mamamayan. Pagdepensa sa national patrimony at soberenya ng ating bayan. Scrap ang mining act of 1995 na kung saan ito ang pabigat sa mga katutubo at mamamayan ng probinsang biktima ng large scale mining.

Siya Nawa