Monday, March 9, 2009

Lupa ay Laya

LUPA AY LAYA
1 HARI 21: 1 - 21

Ang bayang Pilipinas ay may mabundok na kalupaan na may sukat na 30M ektarya. At ito ay binubuo ng 7, 101 pulo na nahahati sa tatlong malalaking grupo: Luzon, Visayas at Mindanao. Mataba ang kanyang lupang agricultural: may tanim na palay, mais, gulay, prutas at halamang ugat. May Yamang mineral gaya ng karbon, bauxite, uranium, nikel, ginto, tanso, at langis. Sagana din ito sa isda at iba pang yamang – tubig tulad ng Liguasan Marsh.
Ang likas na yaaman ay sobra – sobra para sustentuhan ang mamamayang Filipino, ngunit sinsagkaan ng imperyalismo at mga local na papet ang mamamayan na gamitin ang mga ito. Ang yamang ito ay nililinlang ng imperyalismo at alipuris nito para sa sarili nilang kapakinabangan.
Sa Bibliko Teyolohikong Repleksiyon na ito, gusto kung mabalikan natin ang isang kuwento sa Matandang Tipan na tumatalakay sa ganitong tema “Pang- aagaw sa Lupa at pagpatay sa iyong angkan”, at kung papaanong ang Dios ng kasaysayan na si Yahweh ay kanyang ipinakita ang kanyang galit at kalooban sa bagay na ito. Matatagpuan natin ang kuwento sa 1 Hari kabanata dalawamput - isa, talatang isa hangganag dalawamput – isa (1 Hari 21: 1-21). Ang mga pangunahing tauhan ay sina a) Nabat, puwedi nating tawaging isang katutubo, sapagkat nag – mamay –ari siya ng isang lupain ng kaniyang mga ninuno (ancestral domain), b) Acab, isang Hari nang Samaria (Northern Kingdom), c) Reyna Jezebel, asawa ni Haring Acab, d) at Elias Propeta ni Yahweh. Simulan natin ang kuwento…. “Hindi nagtagal at ito naman ang nangyari kay Acab, Hari ng Samaria. Sa tabi ng kanyang palasyo sa Jezreel ay may isang ubasan. Ito ay pag- aari ng isang tagaroon na ang pangalan ay Nabat. Nagustuahn ni Haring Acab ang ubasan, kaya’t sinabi niya kay Nabat. Ibigay mo na sa akin ang iyong ubasan at gagawin kong taniman ng gulay pagkat malapit sa aking palasyo. Papalitan ko ng mainam na ubasan, o babayaran kita.” (talata 1-2)
Habang binabasa ko ang kuwentong ito, hindi ko maiiwasang isipin ang daang – daang libong ektaryang lupain ng mga katutubong Filipino na pinagnanasaan ng mga malalaking kapitalista gaya ng “Trans National Corporation at Multi National Corporations” na sa tulong ng gobyerno ay unti - unti nang kinakamkam ng mga dambuhalang kompanya ang lupain ng mga katutubo at sa tulong di umano nang GLOBALISASYON. Halimbawa ang 100, 000 ektaryang lupain ng mga kapatid nating mga B’laan sa Tampakan, South Cotabato at Columbio, Sultan Kudarat na unti – unting kinakamkam ng Saguitarius Mines Incorporated, Tampakan group of Companies, Alcantara Sons (ALSONS), at Western Mining Corporation na ngayon ay Saguitraius Mines Incorporated na sa ngayon ay may bago na namang pangalan X-STRATA. Ilan lamang ito sa mga lupain ng mga katutubo na pinagnanasaan ng mga dambuhalang mga kompanya gaya ng Multi National Corporations at Trans National Corporations na kung saan sila ang mag –eexplore ng lupa maging ng bundok at sa bandang huli butas at dumi ang iiiwan sa atin na dulot ng skin cancer, taggutom, polusyon ng ilog at ang pinaka matindi sa lahat ay may tax holiday ang mga ito sapagkat napapaloob sa Mining Act of 1995 “Na may karapatan ang mga dambuhalang kompanya na mag – ayri ng lupa dito sa ating Bansa sa pamamagitan ng kanilang mga dammy na kung saan nag –aasawa sila ng mga Pinay para maging legal ang kanilang paninirahan sa mga lugar na kung saan sila nag – ooperrate.
“Ngunit ganito ang naging sagot ni Nabat: “Patawarin ako ni Yahweh, ngunit hindi ko po maibibigay sa inyo ang pamana sa akin ng aking mga ninuno. (talata 3)
Narito ang tinurang ito ni Nabat ang mahalagang pagtanaw sa Banal na Kasulatan at sa mga katutubo tungkol sa lupa at ang napakalaking pagkakaiba nito sa pananaw ng Hari at nasa kapangyarihan at ang mga kapitalista. Sa tinurang ito ni Nabat ipinapaalaala niya kay Haring Acab na ang lupaing minana niya sa kanyang mga ninuno ay hindi maaaring ipagbili kaninuman sapagkat ito ay pag – aari niya maging ng kanyang magulang at ng kaniyang magiging mga anak at kaapu - apuhan. Ang pag – aalis ng lupa ay pagpapatiwakal sapagkat pag – aalis ito ng pinakamahalagang pinagmulan ng buhay, kultura, tradisyon, kabuhayan at kalayaan. “Hindi ninyo maipagbibili nang lubusan ang lupa sapagkat iyon ay akin; pinatirhan ko lamang sa inyo.”(Lev. 25:23). Sa makatuwid layunin ng Panginoong Diyos na ang lahat ng kanyang anak, hindi ang iilan lamang ang siyang mamuhay ng maligaya at masagana sa lupaing ipinagkaloob sa kanila ng Diyos na si Bathala.
Kung mayroong nagbibigkis sa mga mamamayang katutubo ng Pilipinas, sa gitna ng mahigit 400 taong pananakop ng mga banyaga at neokolonyal na dominasyon sa kanila ay walang iba kundi ang paggalang at pagkilala sa lupa. Ang lupa ay buhay at ito’y sagrado na biyayang galing Diyos na si Bathala sapagkat sabi ni Apo Macling Dulag “Ang lupa ay parang isang dalaga na napakahirap makisama sa kanya sa matagal na panahon, pagkatapos sa wakas sasabihan ka pang hindi mo siya pag - aaring lubos”. Tinatanung ninyo kung kami ba ang may – ari ng lupa. At tinutudyo kami, Nasaan ang inyong titulo? Nang tanungin namin ang ibig ninyong ipakahulugan, sumagaot kayo ng may pagmamayabang. “Nasaan ang mga dukumentong magpapatunay na kayo nga ang nagmamay –ari sa Lupa?” Titulo. Dokumento. Katunayan ng pagmamay – ari. Mga kahambugang pananalita ng pagmamay - ari sa lupa. Paano ninyong aariin ang kamamatayan ninyo. Tanging ang lahi lamang ang magmamay – ari sa lupa sapagkat ang lahi lamang ang mananatili magpakaylanman..”
Umuwi si Haring Acab na malungkot at masama ang loob dahil sa sagot ni Nabat. Nagkulong siya sa kaniyang silid, hindi makausap at ayaw kumain. Nilapitaan siya ni Reyna Jezebel at tiananong: “Ano bang isinasama ng loob mo at di ka makakain?” Sumagot ang Hari: “Kinausap ko si Nabat na taga Jezereel, at inalok ko siyang papalitan o babayaran ang kanyang ubasan ngunit tinanggihan ako, at ang sabi ay hindi raw niya maaaring ibigay sa akin ang kanyang ubasan.” Wika sa kanya ni Reyna Jezebel: “Halika na! Kumain ka na huwag kanang malungkot ireregalo ko sa iyo ang ubasan ni Nabat.”(talata 4-7)
Ipagpatawad ng mga kababaihan kung ako ay hindi magiging gender sensitive, pero sa totoo lang si Reyna Jezebel sa bibliya ay simbolo ng PROSTITUSYON. Sa Apocalipsis 2:20, Si Jezebel, Sabi ng Anak ng Diyos na ang babaeng nagpapanggap na sugo ng Diyos, Nililinlang niya ang aking lingkod, ibinubulid sa kahalayan, at inuudyukang kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus – diyusan. Sa madaling sabi si Jezebel ay simbolo ng pagyukod kundi man pakikipagtalik sa mga bagay na laban sa tunay na Diyos. Kaya halika na, kumain kana, ireregalo ko sa iyo ang ubasan ni Nabat, ay larawan hindi lamang ng mapang – akit na pananalita ni Jezebel, kundi ang paghuhubad niya sa kanyang tunay na pagkatao ang pagka – gahaman sa kapangyarihan at paggamit sa dayuhang kaugalian. Gaya sa mga nangyayari sa kasalukuyan kung may salita pang mas higit sa malandi o prostitute ay yon ang nararapat na itawag ko kay Pres. Gloria Macapagal Arroyo na kung saan madami siyang nilinlang na mga Filipino lalo’t higit yong mga kapatid nating mga katutubo na pinangakuan ng samo’t saring pangako ngunit sa sawing palad ay wala ni isa man sa kanyang mga pangako kundi ang kanyang sagot ay pinalayas sila sa kanilang mga tahanan at sa kanilang sariling lupa at ang ipinalit ay malalaking establishment at golf course na hindi naman lahat ng mga pinalayas ay makakapasok bilang empleyado sapagkat ang karamihan sa kanila ay hindi marunong bumasa at sumulat. Binuo ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo ang National Council of Indigenous People na kung saan ang council na ito ang nakatutuk KUNO at gagawa ng paraan kung paano pagyamanin ng mga katutubo ang kanilang lupa ngunit iba ang nangyari sa kanilang lupa sapagkat ang bawat isa ay may hawak ng land title at ito ay napakadaling paraan para mai – loan ng mga katutubo ang kanilang share at pagdating ng panahon sila na mismo ang walang lupa at mapapalayas sila sa kanilang lupang sinilagan. Tanong; May pagkakaiba ba sina Reyna Jezebel at PGMA?
Sinasabi dito, “what are we inpower for” kung sa batas ni Yahweh ay hindi puweding alisin ang mga ninuno, O di kaya ay magpasa ng mga batas o butas sa mga umiiral na batas tulad ng Land Registration Act of 1955, Corporate Farming Program of 1974, Agricultural Development Incentives Act of 1986, o Mining Act of 1995, Industrial Forest Management Agreement and National Integrated Protected Areas System, o di kaya ay Indigenous Peoples Right Act, lahat ng mga ito’y naggagarantiya ng pang – aagaw ng mga lupa ng mga magbubukid at mga katutubo. At ito din ang simpleng pamamaraan ng pagpasok ng General Agreement on Tariffs and Trade, siguradong malulugi si Nabat at ibebenta na niya ang kanyang lupa o ang kanyang ubasan kay Acab na ganid at gahaman (ganyan ba ang gusto nating mangyari?) May iba pa bang legal na iskimang hindi nagbubulid sa mga katutubo patungong etnosidyo?
Subalit si Jezebel ay may mas maitim na balak para makuha ang lupain ni Nabat. Gumawa siya ng ilang sulat sa ngalan ng Hari, at ipinadala sa mga matatanda at namumuno sa lungsod na tinitirhan ni Nabat (mga local official, military – police officers, judicial council member at mga public attorney). Ganito ang sabi sa sulat “Ipag – uutos ninyo ang isang pangkalahatang pag – aayuno (National Day of Prayer and Fasting). Patayin ninyo si Nabat sa harap ng karamihan. Kumuha kayo ng dalawang upahang saksi na maghaharap ng ganitong sumbong laban sa kanya: Tinutungayaw niya ang Diyos at ang Hari. Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.” (talata 8-10) hindi lamang pagpapasasa ng mga mapagkunwaring batas, ginamit pa ni Jezebel ang husgado at lahat ng kanyang kapangyarihan upang sa pamamagitan ng mga upahang saksi ay maisakatuparan ang pang – aagaw sa lupain ni Nabat. Kinumbinsi ng mga matatanda at namumuno sa lungsod (mga kagalang – galang na lider) na ideklara si Nabat na isang mamumusong (blasphemer), isang higit pa sa “terorista” na dapat batuhin hanggang mamatay. Ang pagbibigay sa kagustuhan ng Hari ay krimeng katumbas ay “death penalty”, kung sabagay naman, 95% ng mga mamamayan sa Samaria ay sang – ayon sa Hari, ang 5% ay kaibigan ng mga “terorista” o hindi tunay na taga Samaria. Ayon sa kuwentong ito na tatapusin na natin, natupad ang pinakaaasam ni Acab sang – ayon sa karumaldumal na plano ni Jezebel. At ayon sa II HAri 9:26; Hindi lamang si Nabat kundi pati ang mga anak, ang kaniyang buong angkan ay ipinapatay ni Acab. Isang pangyayaring karumaldumal sa kasaysayan ng Samaria, sadyang paglipol sa tribu ni Nabat tulad din naman ng paglipol sa mga katutubo sa pamamagitan ng kambal – atake ng mapaminsalang mga proyekto ng mga dayuhan at gobyerno ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo at ng batas sa terorismo ng Estado Unidos. Subalit hindi lamang natatapos sa kuwentong ito sa paglipol sa tribu ni Nabat at tuluyang pag – angkin ni Acab sa lupaing kinamkam sa pamamagitan ng masaker o krimen. Katulad ng ginawang pagpatay ni Cain kay Abel na sumisigaw ng katarungan at kaapayapaan at paghihiganti, ang pagpaslang kay Nabat at sa kanyang mga anak ay hindi maaaring basta ipagwalang bahala ni Yahweh.
“Sinabi ni Yahweh kay Elias na taga Tisbe: madali ka! Puntahan mo si Haring Acab. Makikita mo siya sa Jezrel, sa ubasan ni Nabat. Naparoon siya upang kamkamin iyon. Sabihin mo sa kanya ito: ang ipinasasabi ni Yahweh, isa kang mamamatay – tao. Ngayon naman ay pangangamkam ang ginawa mo. Kung saan hinimod ng mga aso ang dugo ni Nabat, doon din hihimurin ng mga aso ang iyong dugo.” (talata 17 –19) subalit higit pa sa pagkakaloob ng kaniyang charisma, ang simbahan sa halimbawang ipinakita ni Elias sa ating kuwento ay naging tapat, maliksi at matapang na ginampanan niya ang kanyang pagiging propeta sa gitna ng pang – aabuso ng mga makapangyarihan at pang – aagaw sa lupain ng mga katutubo kundi man paglipol sa kanila. Lalo na sa panahong ang mga legal na institutsyon at mga organisasyong nagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo ay isa – isa nang pinapatahimik, ang simbahan bilang tagapagtaguyod ng Salita ng Katotohanan at Katarungan ay inaasahaang magsalita bilang Propeta ng Diyos sa ating kapanahunan. Bilang propeta tungkulin niyang ipahayag ang balita na pagliligtas at pagpapalaya ng Diyos sa sangkatauhan at upang matuligsa ang lahat ng humahadlang sa mensahe na ito ng kaligtasan, kasama ang pagtuligsa sa rehimeng naglalagaay sa mga katutubo patungong kamatayan. Bilang Propeta, ang simbahan, katulad ni Elias, ay hindi niya dapat ipikit ang kanyang mga mata at takpan ang kaniyang taynga sa sigaw ng dugo ng mga katutubo at mga humihingi ng katarungan at paghihigaanti para sa kanila. Di dapat isakripisyo ang paghahangaad ng katarungan ng mga katutubo at mamamayang Filipino sa ngalan ng di – umanoy pagkakasundo o rekonsilyasyon. Mahalaga ang pagkakasundo, subalit hindi nangangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng katarungan. Kung ninakaw mo ang lupain ng aking ninuno, at sinabi mong patawarin na kita. Bakit hindi. Patatawarin kita pero ibalik mo muna ang ninakaw mong lupain ng aking mga ninuno at patatawarin kita. At ayon sa Social Principles ng Nagkakaisang Iglesia Metodista ay nanawagan para sa pangangalaga sa inang kalikasan at sa iba pang nakataagong yaman at maging sa pangangalaga sa mga unti – unti nang nawawalang hayop dito sa ating bayan.
Sa halimbawang ipinakita ni Elias at pagsasabing “Kung saan hinimod ng mga aso ang dugo ni Nabat ay doon din hihimurin ng mga aso ang iyong dugo”, ipinakikita niya ang halimbawang pagkauhaw at pagnanasa sa katarungan para kay Nabat at sa kanyang mga anak. Walang saysay ang pagpapatawad kung hindi ito nakabatay sa katarungan. Sabi sa aklat ni Daniel 12:13: “Ang mga manggagawa ng katarungan ang magniningning na parang tala sa kalangitan magpakailanman”. Sabi naaman ni Pablo sa Roma 14:17 “Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay nakabatay una sa lahat sa pagiging makatarungan” 2 Pedro 3:13: “Na ang bagong langit at lupa ay paghaharian ng katarungan.”
Kaya sa paghahangad natin ng pagkakaisa ng simbahan at ng mga katutubo, naisin natin ang lahat na ang pagdating ng paghihiganti at pagpapatwad ng Diyos at ng sambayanan sa karapatan sa lupang ninuno ng mga katutubo at sariling pagpapasya sa ilalim ng tunay at ganap na kalagayan, demokrasya at katarungan. Ang lupa ay buhay, para maging isang matatag na bansa ay may mamamayang sariling lupa na sa lupang ito nabuo at pinagtagpi – tagpi ang ating kasaysayan, kultura, tradisyon, at pananaw para sa hinaharap. Totoo nga sa ating kasaysayan na mga Filipino, at sa lahat ng lahi sa buong mundo na sa kasalukuyan karamihan sa komunidad ng ating mga kapatid na mga katutubo ay nakakaranas ng displacement sa kanilang sariling lupa dahil sa militarisasyon at development. Karamihan sa mga kapatid natin ay manggagawa sa mga dayuhang bansa na nakakaranas ng pang – aabuso at pang – aalipin, mga magsasaka at mangingisdang pinagkaitan ng kanilang ikinabubuhay na pinagkukunan ng kanilang pagkain sa araw – araw. Ang pagkakaroon ng isang tahanan ay paagkakaroon ng lupa na nagsisilbing buhay na ganap at kasiya – siya.
Kaya bilang mga mabuting katiwala ng Diyos ay magkaroon tayo ng alternatibong polisiya patungkol sa pagmimina na nagbibigay interes at pangangailangan ng mamamayan na maglilinaw sa mga isyu at usapin patungkol sa pag – unlad ng pagmimina dito sa ating bayan lao na sa Mindanao, Mindoro, Palawan, Cordillera Administrative Region. Igalang ang prinsipyo, karapatan at kaligtasan ng mamamayan. Pagdepensa sa national patrimony at soberenya ng ating bayan. Scrap ang mining act of 1995 na kung saan ito ang pabigat sa mga katutubo at mamamayan ng probinsang biktima ng large scale mining.

Siya Nawa

Thursday, February 12, 2009

Paanyaya

Sa lahat ng aking mga kaibigan!
Kayo'y aking inaanyayahan sa aking site, maging kabahagi kayo sa blog site na ito at magkuwentuhan tayo patungkol sa psgiging artista ng bayan!

BASIC INTEGRATED THEATER ARTS WORKSHOP
General Objectives:
After the workshop, the participants should be able to:
1. Mount a play, discover and develop their talents and potentials
2. Explore techniques on theater and artistic approaches
3. Develop their social consciousness which is integrated in the workshop
TRAINING AND WORKSHOP OUTLINE
Workshop Orientation:
a. Objective of workshop
b. Policy during workshop
c. Expectation check – on training process

I. Theoretical study:
a. Environmental situation and analysis
b. Cultural work orientation

II. RELEASE EXERCISES:
a. Basic warm up (Head to Foot) – nakatayo ng tuwid
@ stretching exploration of body parts
1. Ulo/Leeg - Lingon sa kaliw -, kanan, pataas pababa, ikot, abante – atras
Ang mga sumusunod ay maaari ding gamitin:
1.1 Mata – ipataas at ipababa
1.2 Pilik - ipataas at ipababa
1.3 Kilay – ipataas at ipababa
1.4 Ilong – ipalaki at relaks
1.5 Taynga – pakilusin
1.6 Mukha – ipakunot at relaks
1.7 Bunganga/Labi – simangot, bukas – sirado, paikutin
1.8 Dila – labas, pasok
1.9 Baba – paikutin
1.10 Balikat – abante – atras, ipataas – ipababa
1.11 Bisig – paikutin
1.12 Kamay – paikutin
1.13 Siko – stretch, paikutin
1.14 Baywang – ang kamay sa baywang hiwalay ang paa, paikutin
1.15 Tuhod – paikutin
1.16 Paa – stretch, paikutin

b. Sawil ik
c. Breathing
d. Jogging – slow motion introduction
e. Travelogue – going to forest (Ilagay sa isipan o i-set sa mind ng mga participant na nasa gubat sila)
f. Group dynamics
1. SIP – SAP – SOP
Layunin: mawala ang tension at hiya ng mga participants sa kanilang mga kasamang participants. Lubos na makilala ang pangalan ng mga kasama.
Pamamaraan:
1. Ang participants ay gagawa ng malaking bilog
2. Ang facilitator ay magbigay ng instruksiyon. Sabihin ang SIP-SAP-SOP at ituro ang isa sa mga participants
Kung :
SIP – sabihin ang pangalan ng kasama sa kaliwa
SAP – sabihin ang pangalan ng kasama sa may kanan
SOP – sabihin ang sariling pangalan
SIPSAP – lilipat sa ibang lugar
3. Kung SIP o SAP o SOP, ang facil;itator ay bibilang ng 1-2-3. Kung hindi makasagot ang agad ang itinuro siya naman ang papalit sa facilitator.
PAALAALA: kinakalinagan ang lahat ng participants ay sumali. Panatilihin ang paligid na Masaya. Lipat san a Gawain.

2. GUMAWA NG LINYA AYON SA….
LAYUNIN: lalalim pa ang pagkilala sa mga kasama
PAMAMARAAN:
1. Hatiin ang grupo sa tatlo (depende sa dami)
Facilitator: Gumawa ng linya ayon sa _______.
Halimbawa: Taas. Kulay ng balat at iba pa
2. Count – off 1 to 10, then Freeze!
Gumawa ng bilog: Sharing of observations
Prinsipyong napaloob: ang workshop na ito ay hindi magtatagumpay kung patuloy na maghari sa atin ang alinlangan at hiya. At kinakailangan din natin sa workshop ang lubos nating makilala an gating kasama at igalang. Alisin ang hiya, focus sa Gawain. Relaks.
IV.ARTISTRY WORK:
ELEMENTS OF ARTS
Unahin ang pagbibigay ng mga Gawain bago ipalaam ang mga elementong pinag – aralan o topiko)
A. LINYA
Gawain #1: PAGSULAT NG LETRA
Pamamaraan: ang lahat ng mga participants ay gumawa ng malaking bilog at ang bawat isa ay magsulat gamit ang katawan. Ang kanilang gagawin ay depende sa ipapagawang letra ng facilitator.
GAWAIN #2: PAGSULAT NG SALITA
Pamamaraan:
1. Hatiin ang grupo sa tatlo (depende sa dami)
Facilitator: isulat ng unang grupo ang KABATAAN
Isulat ng pangalawang grupo ang MAKABAYAN
2. Ipahula sa ibang grupo kung ano ang kanilang sinulat.
Gumawa ng Bilog: sharing of observations
Prinsipyong napapaloob:
1. Ang ating katawan ay maaring magamit sa ibang mga Gawain na di natin nakasanayan.
2. Ang ating katawan, sa testro ay mahalaga sa isang malikhaing pagtatanghal at paglalahad ng katotohanan o paghahatid ng mensahe
3. Atin ngayong pinag – uusapan ang unang elements of arts, ang LINYA. Kung saan may dalawang uri:
a. Tuwid/straight (vertical, horizontal, slant)
b. Curve/ Zigsag
c.
4. Sa pagpapatuloy natin, lagging alalahanin ang bawat element ng arts ay magkakaugnay.

B. PORMA

Unang Gawain: STATUE MAKING
Pamamaaraan:
1. Hatiin ang grupo ng pares – pares. Skultor – kahoy/bato. Magpalitan ng posisyon
2. Ipahula sa mga nanonood na grupo


Pangalawang Gawain:
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa apat na maliliit na grupo
2. Ang bawat grupo ay bigyan ng Gawain kung ano ang kanilang iporma
a. First group: magporma ng malaking kahoy
b. Second group: magporma ng talon
c. Third group: magporma ng malking kuewba
d. Fourth group: magporma ng malaking ibon
3. Bigyan ng panahon ang grupo na makapaghanda
4. Kung handa na ang lahat, ihanda at tukuyin ng facilitator kung saan ang entblado at saang lugar ang mga manonood na grupo
5. Ipahula ng mga nagtatanghal amg kanilang ginawa sa mga manonood. Bago sila magsalita patungkol sa kung ano ang kanilang itinanghal.
Pangatlong Gawain:
Pamamaraan:
1. Ang malaking grupo ay magporma ng pabilog. Ang facilitator ay magbigay ng mga bagay na iporma.
2. Facilitator: Gumawa tayo ng malaking bulaklak gamit an gating mga katawan
3. Bigyan ng sapat na panahon ang grupo na makalikhaa. Kapag handa na sila, ihanda ng facilitator ang entablado at kung saan lulugar ang mga manonood.
Gumawa ng bilog: Sharing of observations
Prinsipyong napapaloob: andito tayo ngayon sa pangalawang element ng arts, ang porma o form. Ang bawat bagay ay may porma o hugis kung saan, it consist of different lines. Ang porma ay binubuo ng mga linya. Ibig sabihin nito, may porma o hugis dahil may linya. Napakahalaga din itong isaalang alang na element sa arts dahil nakakatulong siya sa higit malinaw na pagpapahayag ng mensaheng ipapaabot sa mga manonood.

C. SPACE O LUGAR
Unang Gawain: 4kinds of space
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa apat na maliliit na grupo. Bigyan ng mga gaya ng mga sumusunod:
a. Itnaghal ang kalagayang nasa plaza
b. Itanghal ang kalagayang nasa simbahan
c. Itanghal ang kalagayang nasa Bangka
d. Itanghal ang kalagayang sumusuong sa maliit o masikip na butas o imburrnal
2. Bigyan ng panahon ang grupo na makapaghanda
3. Hulaan ng malaking grupo kung ano ang itinanghal ng maliit na grupo. Bago sabihin ng grupong nagtanghal.
GUMAWA NG BILOG: sharing of observations
Napapaloob na prinsipyo:
Ang mga ginawa nating pagtatanghal ay naglalarawan sa apat na uri ng space/lunan
> Maluwag at bukas
> Maluwag at sirado
> Masikip at bukas
> Masikip at sirado

Pangalawang Gawain: INTRODUCTION TO MIMING
Pamamaraan:
1. Manatiling nasa malaking bilog ang lahat. Ang facilitator ay kukuha ng bagay (tulad ng bola, bag, baso, karit, at iba pa). hawakan ang bagay at ipakuha sa katabi subalit nanatili parin ang aksyon na parang may hinahawakan kang bagay.
2. Note: ang punto ditto ay ma – imagine lang na mayroong hinahawakan considering ang space at biagat ng hinahawakan. (miming)
3. Tanungin ang mga participants kung ano ang kanilang obersbasyon
Prinsipyong napapaloob: andti tayo ngayon sa isa na namang element ang arts, ang space. Gaya ng pinag – aralan natin kanina pa, ang lahat ng element ay may pagkakaugnay. Ang linya ay siyang bumubuo ng porma, at ang porma naman ay may space o lugar na kinalalagyan. Bawat bagay sa mundo ay kilalagyan. Kung kaya’t sa pagtatanghal alalahannin natin ito. Ang tanghalan ay maaring magamit sa kahit anong space o lugar depende sa kalagayang inilalahad sa kuwentong itatanghal.

Halimbawa nito, isang eksena sa isang pagtatanghal na Makita ang bahay ni tasyong magsasaka. Sa paghati ng lugar o space sa tanghalan, ang kanang bahagi ng tanghalan makikita ang tahanan ni tasyong magsasaka kasama ang kanyang pamilya at ang kaliwang bahagi naman makikita ang lupang kanyang sinasaka. (kung may Staff, hayaan na siya ang magbigay ng halimbawang ito)

Ang mga bagay din ay mayroong space. Halimbawa, mayroong isang eksena sa drama na nagsisibak ng kahoy. Di mo kailangang magdala ng gamit sa pagsibak ng kahoy o wala kang magamit na props para ditto. Ipakita lang sa kamay na may space (miming) sa dinadalang atsa o gamit sa pagsibak ng kahoy.(kung may staff, hayaan ang mga staff ang magbigay ng halimbawa

D. SOUND O TUNOG
Unang Gawain: sound exploration
Pamamaraan:
1. Ang malaking grupo ay magporma ng pabilog
2. Ang facilitator ay magpagawa ng tunog tulad ng:
a. Putukan o putok ng baril
b. Hangin
c. Chainsaw
d. Harin ng ibon
e. Matsing
f. Lagas ng tubig
g. Umuulan
Pangalawang Gawain: Pasahan ng tunog
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa maliliit na grupo
2. Ang bawat grupo ay may mag – improvise ng tunog
[group 1 – putukan
[group 2 – tunog ng nas atabing ilog
[group 3 - chainsaw
3. Unang gagawa ng tunog ang group 1. Tunog ng putukan, tapos sundin ng group2. Hanggang sa masunod ng group 3. Ang group 2 na naman ang gagawa ng tunog; tunog ng nasa tabing ilog. Sundin ng group 3 hangggang sa masunod ng group 1. Tapos ang group 3 na naman ang maglikha ng tunog; tunog ng chainsaw. Sundin ng group 1 at group 2.
4. Pagsabayin ang tunog
Gumawa ng bilog: sharing of observations
Prinsipyong napapaloob: andito tayo ngayon sa isa na namang ng element ng arts, ang sound o tunog. Napakahalaga ding isaalang alang sa teatro dahil nakakatulong ito upang lalong maintindihan ang mensahe ng itinatangahal. Ito rin ay isa ring paghahanda sa sarili sa kalagayang di natin inaasahan sa pagtatanghal. Sa kawalan ng kumpleto sa iba’t – ibang klase ng tunog o sound ng pagtatanghal.
Pangatlong Gawain: DRAMA SA BOSES/TUNOG
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa tatlong grupo
2. Ang bawat grupo ay may iapagawa na isang kalagayan. Kanila itong itatanghal sa pamamagitan lamang ng sound improvisation. Walang halong aksyon at boses ng tao.
3. Maaaring gumamait ng mga bagay na makakatulong sa paglikha ng mga tunog
Group 1: mga tunog na maririnig sa panahon ng pista
Group 2: mga tunog panahon na may giyera
Group 3: maririnig na tunog sa kagubatan
Pamamaraan ng pagtatanghal: uupo ang grupo na magtatanghal sa entablado. Tunog lang ang itatanghal. Ang grupong makikinig ay pipikit upang lalong maintindihan ang ginagawang tunog ng pangkat na nagtatanghal.
4. Hulaan ng malaking grupo ang itinatnaghal
E.KILOS/ ACTION
Unang Gawain: KILOS AT HULAAN KO
Pamamaraan:
1. Ang malaking grupo ay magporma ng pabilog
2. Ang bawat participants ay bigyan ng Gawain o kalagayan at haluaan ng grupo kung ano ang kanyang ginawa. Action/kilos lamang hindi kasali ang tunog sa pagtatanghal
3. Ang kanyang itatanghal
a. Pinupuluputan ng malaking ahas
b. Naglubag ug dakong habol
c. Masakit ang tiyan
d. Nadaganan ng malaking kahoy
e. Nagtulak ng malaking box
f. Nagpasagirit sa slide (dulaanan)
g. Paglakad sa madulas na daanan
h. Nagsasayaw sa saliw ng soft music
i. Naglalangoy
j. Nahulugan ng bunga ng niyog
k. Nagsuntukan
l. Nagtatabas ng damo
m. Nagpapatulog ng bata
n. Nagpapaganda
o. Masakit ang ulo
p. Kinagat ng langgam
q. Lumilipad sa kalawakan
r. Giniginaw
s. Naglalakad sa matinik na daanan
t. Bold star dancer
4. Ipahula sa mga manonood kung ano ang ginawa o itinanghal ng kanilang kasama.
Pangatlong Gawain
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa apat na maliliit na grupo. At ang mga sumusunod na kalagayan ay ibigay; a. nag – ambush; b. nagtatanim ng palay; c. nagtuturo; d. nanggagamot
2. Aksyon lamang ang gagawin at walang tunog na maririnig. Ipahula sa mga manonood na grupo
3. Ipaulit ang pagtatanghal at lalapatan ng tunog at boses
GUMAWA NG BILOG: SHARING OF OBSERVATIONS
Prinsipyong napapaloob: andito tayo ngayon sa isa na namang element ng arts, ang kilos o aksyon. Kung saan napakahalaga din dahil lubos na maipapalabas ang emosyon, personalidad at karakter, kalagayan at porma na may kaugnayan sa pagtatahal. Paglikha ng drama at paglalahad ng mensahe.

WALONG PANGUNAHING AKSYON:
AKSYON MUNGKAHING KALAGAYAN NA MAARING PAGPATAN
1. Lubag (wring) a. pinupuluputan ng malaking ahas
b. naglubag ug dakong habol
c. masakit ang tiyan
2. Tulod/Duot a. nadaganan ng malaking kahoy
b. nagtulak ng malaking box

3. Dailos (glide) a. nagpasagirit sa slide (dulaanan)
b. naglalakad sa madulas na daan

4. Lutaw (Float) a. lumilipad sa kalawakan
b. nagsasayaw sa saliw ng soft music
c. naglalangoy

5. Sumbag (punch) a. nahulugan ng bunga ng niyog
b. nagsunsuntukan

6. tigbas (slash) a. nagtatabas ng damo
b. namamalo

7. Pikpik (dab) a. nagpapatulog ng bata
b. nagpapaganda

8. Wilik (flick) a. kinagat ng langgam
b. naghugas ng kamay

Panga apat na Gawain:
Pamamaraan:
1. Pahigain ang mga participants at ilagay sila sa isang komportableng kalagayan (nakarelaks)
2. Hamunin ang klase na sundin ang iyong instruction. Concentrate sa instruction na iyong ibinigay
3. Gawing maayos ang pagpapadaloy sa sa BIYAHE SA LIHOK
4. Matapos ang Gawain, bigyan ng panahon ang klase na makapagpahinga ay makarelaks.
GUMAWA NG BILOG: SHARING OF OBERVATIONS
ELEMENTS OF DRAMA
A. EMOTIONS/PAGBATI
Unang Gawain:
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa apat na maliliit na grupo. At bigyan ng kalagayan itatanghal.
First group – ipakita ang isang kalagayan na Masaya
Second group – ipakita ang isang kalagayan na malungkot
Third group – ipakita ang isang kalagayan na nagagalit
2. Ang facilitator ay gagawa ng gabay sa pagtatanghal ng apat na grupo
3. Matapos ang pagtatanghal papormahin sila ng bilog. Hingiin sa kanila ang kanilang obserbasyon at reaksyon.
PANGALAWANG GAWAIN:
Pamamaraan:
a. I – familiarize ang larong CHE CHE GULE
b. Gamitin ang larong ito na mailabas ang four types of emotion.
GUMAWA NG BILOG: SHARING OF OBSERVATIONS
Prinsipyong napapaloob: andito tayo ngayon sa unang element ng drama, ang emosyon, pagbati. Kung saan binubuo ng iba’t ibang klase ng emosyon. Subalit nais lamang nating bigyan ng diin anfg apat na uri ng emosyon na kalimitan nating nagagamit sa pagtatanghal.
Ø Saya
Ø Takot
Ø Galit
Ø Lungkot
Bakit mahalaga na pag – aralan ang elementong ito ng drama? Ito ay dahil sa ang emosyong pagbati ay siyang nagbibigay art, buhay at kagandahan ng isang pagtatanghal. Kung walang emosyon o pagbati sa pagtatanghal, dry ang pagtatanghal at di maganda ang daloy at kalalabasan nito.

B. CONFLICT/PANAGBANGI

Unang Gawain: CATCHING THE DRAGON TAIL
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa dalawa
2. Mamili ang bawat grupo kung sino ang ilalagay nila sa unahan (na magsisilbing ulo ng dragon) at hulihan. (na magsisilbing buntot ng dragon) ng gagawin nilang linya.
3. Ang bawat kasapi ng linya ay hahawak sa bawyang ng kasama. At tiyaking hindi maputol ang linya habang nag – uunahan sa pagkuha ng panyo na nakalagay sa likurang bahagi ng nagsisilbing buntot ng dragon. Ang unang makakuha ng panyo ang siyang panalo sa laro.
Ikalawang Gawain: OPPRESSED AND OPPRESSOR
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa anim na maliliit na grupo. At ibigay ang kalagayang itatanghal. OPPRESSED AND OPPRESSOR
2. Sa conflict study na ito I – emphasize and emosyon. Ipaliwanag ng facilitator ang dynamics nito.

GUMAWA NG BILOG: SHARING OF OBSERVATIONS

Prinsipyong napapaloob: ditto ibibigay ang category of conflict, kinds of conflict, lebvel of conflicts, resolution of conflict). Andito tayo ngayon, ating pinag – aaralan ang pangalawang element ng drama, ang Conflict.

Category of conflict
a. Physical conflict
b. Conflict in words
c. Personal/internal conflict

Kinds of conflict
a. Man vs. man
b. Man vs. animal
c. Man vs. nature
d. Group vs. group

Level of conflict
a. Static (pabalik – balik)
b. Jumping (palukso – lukso)
c. Slowly rising/paakyat

HALIMBAWA NG STATIC:
Actor 1: Bakit mo kinuha ang bisikleta ko!
Actor 2: Hindi ako ang kumuha
Actor 1: Bakit mo kinuha ang bisikleta ko
Actor 2: Hindi nga ako ang kumuha

Ibig sabihin nito pabalik – balik ang pinag – uusapan o isyu ng conflict.

HALIMBAWA NG JUMPING:
Actor 1: Diba sabi ko huwag kanang uminom ng alak! Dahil nakakasira sa kalusugan mo yan! Lasing kana naman.
Actor 2: Bakit pala! Naglaro man ako ng basketbol

Kung ating susuriin, di magkatugma ang tugon ng dalawang actor. Di magka tugma ang linya o dialogue line nila. Lumukso sa ibang isyu.

Halimbawa ng Ascending/slowly rising: ibig sabihin lamang nito na may pagbabago at lumalago ang isyung pinag – uusapan sa drama.

RESOLUTION CONFLICT
a. Winning
b. Losing
c. Compromise
Pangalawang Gawain: JOG FREEZE
Pamamaraan:
1. Magporma ng pabilog at mag jogging
2. Facilitator, Freeze! Hihinto sa pag jogging na naka freeze. Ang tatapikin ng facilitator ay pupunta sa gitna ng bilog at magtanghal. Sa pagtatanghal alalahanin and consider the principles of conflict
3. Note: sa paglikha ng conflict o dialogue ng conflict. Isa – alang alang ang mga sumusunod.
a. Sino – sino sila (son, father, worker, boss)
b. Saan – nasaan sila (bahay o pabrika)
c. Ano – ano ang pinag – aawayan o isyu ng conflict
d. Bakit – bakit sila may conflict
4. Gawing complicated ang laro … tap all…. Then freeze
Summing up: Napakahalaga din itong element ng drama. Di maganda kung walang conflict.
C. KARAKTER
Unang Gawain: Character building
Pamamaraan:
1. Pahigain ang mga participants kung saan sila komportable. Gawin silang relaks
2. Bigyan sila ng instruction sa susunod nilang Gawain.
GUMAWA NG BILOG: SHARING OF OBSERVATIONS
Prinsipyong napapaloob: pinag – aaralan natin ngayon ang isa na naman element ng drama, ang karakter. Alalahanin natin na walang magaganap na pagtatanghal kung walng mga karakter. Kinakailangan niyang isa – alang alang niya ang mga sumusunod na aspeto.
a. Physical aspect – ang panlabas na kaanyuan ng tao, tindig, at tikas, kasariaan, matangkad ba o pandak, payat o mataba, maganda o pangti, sakitin o malusog at iba pa.
b. Psychological aspect – ang pag – iisip ng tao, temperament, gawi, at talent
c. Social aspect – ang kanyang pagkatao at kaugnayan niya sa sosyodad, uri, edukasyon, pamilya, relihiyon, profession, hilig, at iba pa.
D. SCENARIO
Unang Gawain: SCENARION MAKING
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa apat na grupo
2. Bigyan ang bawat grupo ng kalagayang gagawin nilang scenario
3. Sa unang round ng kanilang pagtatanghal. Magtanghal sila ng senaryo subalit walang kasaling boses, tunog o dialogue at galaw. Ipa – critic sa mga manonood
4. Sa pangalawang round ng pagtatanghal, lalapatan ng boses, aksyon at isa – alang alang ang mga critic ng mga kasama. Then freeze
5. Note: kailangang matiyak ng facilitator na magamit na ang mga participants ditto ang pinag – aralan nilang mga element sa arts at drama.
GUMAWA NG BILOG: SHARING OF OBSERVATIONS
Ibigay ang prinsipyong tatandaan sa pagtatanghal
1. Tema: ano ang laman ng pagtatanghal
2. Blocking: walang natatabunan, sensitibo tayo sa kalagayan n gating mga kasama sa entablado
3. Level: kinakailangan na may iba’t ibang porma o aksyon n gating mga kasama
4. Balance: balance ba ang paggamit ng entablado? Ang distribution of artist?
5. Focus: mahalagang tingnan kung sino ang maaaring maging puntirya ng mga manonood sa isang particular na eksena lalo na kapag marami ang mga kumikilos. Sa layuning di mailto ang mga manonood.
Pangalawang Gawain: TABLEAUX MAKING
Pamamaraan:
1. Hatiin ang malaking grupo sa apat na maliliit na grupo
2. Bigyan ng kalagayan na kanilang gagawan ng tableaux
Gumawa ng bilog: Sharing of observations
Primsipyong napapaloob: ang tableaux ay mahalaga din at karaniwan itong ginagamit sa unahan at hulihan ng pagtatanghal. Karaniwang ginagamit sa paglalahad ng resolution sa isang itinanghal na kalagayan at iba pa.

E. STAGE

V. ACTORS’ CHECH: EFFORT STUDY: Layunin nito na ma asses ang mga natutuhan nila sa workshop. Ipapalabas nila ditto ang lahat – lahat nialng natutuhan sa palihan.
VI. CONCEPTUALIZATION OR SCRIPT PRESENTATION
VII. REHERSAL OR PRACTICE
VIII. SHOWCASE


Salamat at Mabuhay