Thursday, February 25, 2010

ANG AKING STATEMENT OF FAITH

Naniniwala akong siya ang ating magulang, siya ang lumalalang ng langit at lupa, at sa lahat ng bagay na andito sa mundong ating napapakinabangan sa araw - araw. Naniniwala akong ang Biblia ay hango sa kasaysayan ng ating mga ninuno sa pananampalataya, na sa pamamagitan ng kanilang karanasan at sa kanilang nag -aalab na pananampalataya ay lalong tumibay at tumatag ang kanilang pananampalataya, na sa kabila nang pang -uusig at sa iba pang pagpapahirap sa kanila ay lalong tumatag ang kanilang pananampaalatay bilang isang tao at Kristiyano.Naniniwala ako sa lahat ng nilalang ng Dios ay Tao ang siyang ginawan katiwala ng Dios sa lahat ng kanyang nilalang sa mundong ito, ngunit ang TAO hindi lang minsan kundi palagi niyang sinisira ang kagandahan ng Inang kalikasan, nang dahil sa TAO ay hindi na balance ang Inang kalikasan sa kadahilanang marami na ang namamatay dahil sa kagagawan nito. Dahil sa kasakiman ng iilan sa atin ay marami ang walang sapat na makain sa kanilang hapag kainan, marami ang walang masilungan sapagkat sila ay pinaalis at pinalayas sa kanilang tirahan dulot ng giyera at demolisyon, maraming mga batang napilitang huminto sa kanilang pag - aaral sa kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng kanilang magulang, maraming mga trabahanti ang pina – alis sa kadahilanang kontraktiwalisasyon o dahil sa sumali sila sa union o sa welga. Naniniwala akong ang kaharian ng Dios ay narito sa lupa magpakaylanman. Masasabi ba nating andito ang Dios kung marami ang nagugutom, Marami ang pinagsasamantalahan at nagsasamantala sa kanyang kapwa? Ang tunay na kaharian ng Dios ay kung wala nang alitan sa bawat isa, ang lahat ay pantay – pantay walang mayaman at mahirap, wala nang nagugutom, wala nang batang palaboy - laboy sa lansangan – sila ay nasa mga paaralan at nag – aaral, wala nang mga kababaihan at kalalakihan nangingibang bayan para maghanap ng mas magandang kapalaran.Naniniwala ako sa Iglesia kung saan wala nang racial discrimination sa bawat isa at matatanggap nang karamihan kung sino sila at kung ano ang kanilang mai-aambag sa bawat isa. At lahat nang kabahagi nito ay kikilos para sa tunay na pagbabago ng kanilang sarili at ng lipunang kanilang kinabibilangan. Naniniwala ako sa misyon ng Iglesia kung ang bawat isa ay kikilos para maipatupad ang katiwasayan ta kabutihan ng karamihan, at ang pagsunod sa misyong ipinagkatiwala sa atin ng Dios na pakainin ang nagugutom, painomin ang nauuhaw, patuluyin ang walang masilungan, bigyan ng damit ang walang damit, ituro kung ano ang tama. Naniniwala ako sa Banal na Hapunan na ito ay pakikisalo kay Hesus na kung saan ito ay alaala natin sa kanyang ginawang halimbawa sa lahat na maging humble kung kikakailangan. Naniniwala ako sa Bawtismo sapagkat ito ay simbolo nang pagiging kristiyano at pagtanggap sa hamon ng Dios na maging mabuting katiwala niya sa lahat ng bagay na nakaatang sa ating balikat sa araw – araw. At kung paano natin isasapamuhay ang buhay na ganap at kasiya – siya. Naniniwala ako sa buhay ng isang kristiyano sapagkat ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang isang tao at mananampalataya na Mahalin niya ang Dios ng buong puso, kaluluwa, pag – iisip at nang buong lakas at tapang, at mahalin niya ang kanyang kapwa gaya nang pagmamahal niya sa kanyang sarili. Naniniwala ako sa pagkabuhay na maguli at sa pag - asa ng kristiyano kung sinusunod niya ang kagustuhan ng Dios na mahalin ang Dios ng buong – buo at walang pag – aalinlangan sa lahat ng pagkakataon sa lahat ng dako at oras. Naniniwala akong kasama natin ang Dios sa patuloy na paglalakbay at pagharap sa hamon ng paglilingkod tuwina. Siyanawa
Pagtugon sa Hamon ng Panahon at Paglilingkod
Lukas 10:25 – 37

Ang kinikilalang Morong 43 ay binubuo ng mga Doctor, Nurses, Community Health Workers na kung saan nagsasanay at nag – aaral para mas lalong malinang ang kanilang kakayahan na tumulong at matugunan ang pangangailngang pisikal ng kanilang kapwa lalo na sa mga lugar na di naabot ng mga Doctor o sinu pa man; at di nakakapunta sa mga pagamutan sapagkat malayo sila sa kabihasnan, walang masakyan para madala sa ospital ang kanilang mahal sa buhay na may sakit kaya umaasa sila sa mga community health workers na nakahandang magbuwis ng kanilang buhay para makapunta at malunasan ang kanilang kapwang may karamdaman.

Sa kuwentong inilahad ni Hesus patungkol sa isang samaritano na kung saan sa kanyang patuloy na paglalakbay sa tanang buhay niya halos araw – araw nang may tinutulungan siyang nakahandusay sa tabing daan na kung saan naghihingalo ang kanilang buhay na lumaban para di siya mamamatay. Ngunit narito ang isang samaritanog nakahandang tumulong at tumugon sa hamon ng paglilingkod sa araw – araw. Kung gaano kadalas ang samaritanong ito na mapadaan na lugar na iyon ay yon din kadalas ang pagtulong niya sa mga taong nakahandusay at halos patay na sa dami ng pasa, bugbog ng katawan at sugat nito.

Ang samaritano ito ay katulad ng mga morong 43 na nakahandang magbuwis ng kanilang buhay para matugunan at mapangalagaan ng kanilang kapwang may karamdaman kahit dis oras ng gabi ay pumupunta siya para mabigyan ng lunas ng karamdama ng kanilang kapwa. Ang mga ito ay walang formal education kung paano mangganot sa mga may sakit at sugat ngunit dumarating tayo sa puntong mas maganda ang mga alternatibong pamamaraan ng paggamot na kung saan hindi nakakapinsala sa inang kalikasan, at sa tao. Ang kanilang pakay ay makatulong at makapaglingkod ng taos sa kaibuturan ng kanilang puso lalo na kapag ang usapin ay kapakanan ng kanilang kapwa lalo't higit sa mga walang pera at malayo sa kabihasnan. Silang mga manggagawa sa pamamagitan ng paggamot sa kabila ng di kinikilala ng pamunuan ang kanilang naiaambag na kabutihan sa kanilang lugar at maging sa kanilang mga kababayan.

Ang mga pangyayaring ito sa ating lipunan ay nagpapahiwatig lamang na masahol pa sa hayop ang mga military lalo na ang kanilang commander in chief (GMA) na kung saan gagawin niya ang lahat para manatili siya sa malacanang at sa pamamagitan ng kanyang mga galamay na silang kumikilos para maisakatuparan ang kanilang pakay na maneutralize ang mga kumakalaban sa kanyang administration, sa mga aktibistang naghahangad ng pantay na pagtrato sa mga mamamayan, at higit sa lahat pagkilala sa kakayahan ng bawat isang makagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. Maging sa mga ilegally arrested, enforced disappearances, natorture at illegally detain.

Ang mga ganitong pangyayari sa ating lipunan ay kasalukuyang nangyayari sa ating kapanahunan kaya tayo'y kumilos na ipaglaban ang karapatan ng mga inaaapi, inaalipusta, inaasabuso, inaaapi. Ang natatanging paraan na ating magagawa at maiaambag sa ating lipunan ay makilahok sa mga pag – aaral lalo na sa paggamit ng mga alternatibong pamamaraan ng paggamot na di nangangailangan ng maraming salapi na nakakasira sa ating kalikasan. Magkaisa, magtulungan, mahalin ang mga taong walang nagmamahal, maglingkod ng kusa sa araw – araw.
Ako ay umaapila kay GMA, sa iba't – ibang agency na alamin ang kalagayan ng kanilang nasasakupan na tumulong, maglingkod sa abot ng kanilang makakaya. Palayzain na ang mga morong 43 na kung saan nakahandang maglingkod sa tanang buhay nila. Pagtuunan ng pansin at bigyyan ng malaking budget ang pangkalusugang aspeto ng ating lipunan. Magakroon ng totoong maglilingkod at mag -aalay ng buhay para sa kapakanan ng mas nakakarami. Igalang ang karapatan ng mamamayan, itaguyod ang pagkakaroon ng buhay na ganap at kasiya – siya.
Ang Popular na Edukasyon at ang kalagayang nagluwal dito

Ang kalagayan ng magbubukid sa Pilipinas ayon sa salaysay na “Ang lupa ay buhay sa amin; kapag ito ay kinamkam, para na rin kaming inagawan ng Buhay”. Ito ay isang kasabihan na karaniwang maririnig sa mga katutubo at magbubukid. Inilalarawan dito na ang buhay ng magbubukid ay lupa umiinog. Alisan mo sila ng karapatan sa lupa at para mo na rin silang inalisan ng karapatang mabuhay.

Pito (7) sa bawat sampung (10) magbubukid ang walang pag – aaring lupa. Ang malawak na lupang agricultural ay pagmamay – ari at kinokontrol ng ilang malalaking Panginoong May Lupa. Kasabay nito, ang mga dayuhang korporasyon na kasabwat ang mga nakaraan at kasalukuyang nanunungkulan sa ating pamahalaan ay patuloy na nang – aagaw ng mga lupang sinasaka ng mga magbubukid para sa kanilang malwak na plantasyon. Ang lupa at buhay ng mgabubukid ay laging nasa panganib na darating ang isang umagang wala silang sakahan, pati kanilang bahay ay din na nila pag mamay – ari.

Ang hinagpis ng isang magbubukid sa pagkawala ng kanyang lupa ay madarama sa mga sumusunod na kataga “Ginugunita ko ang mga sandaling kita’y kapiling. Yaong yumayakap ka sa aking mga paang hubad. Ang buhay na naging kamatayan ko pagkat nawala ka sa akin”. Maiugat pa rin sa suliranin sa lupa ang iba pang problema ng mga magbubukid: mataas na upa sa lupa, mataas na gastos sa produksiyon, usuka, pagbibigay ng libreng serbisyo o handog sa Panginoong May Lupa, at iba pa. Miserable ang buhay ng mga magbubukid. Ang kanilang kinikita ay kulang na kulang pa para tugunan ang kanilang mga batayang pangangailangan tulad pagkain, bahay, damit at gamot. Silang nagtatanim, nagpapakain at bumubuhay sa buong lipunan ay walang maihain sa kanilang hapag kainan. Ay, Paano pa kaya ang pagpapa – aral sa kanilang mga anak? Ang edukasyon sa ganitong kalagayan ay isang luho para sa magbubukid.

Isinaalang – alang din sa ginawang pagtatasa ang ilang suliraning ibinabahagi ng mga mag – aaral sa PPI. Isa na rito ang kakulangan ng mga local na instructor na makakatugon sa mga pangangailangan ng kanilang lumalaking samahan. Bukod rito, ayon sa kanila’y kulang pa rin sa kasanayan sa gawaing instruksiyon ang mismong instructor sa hanay nila. Ang ganitong suliranin ay aktwal ding kinakaharap ng departamento sa pagsasanay ng PPI kulang pa din sa tao ang departamento at malaki pa ang dapat gawin upang mapaunlad ang kasanayan nito sa pagbabahagi o pagtalakay ng paksa.

Noong 1985, sinimulan ng PPI ang pagsisistematisa at pagsasadokumento ng mga pamamaraang galing sa iba’t – ibang grupo ng mga mag – aaral na magbubukid sa iba’t – iba ring idinaos na mga pag – aaral. Mula sa ganitong proseso, nabuo ang konsepto ng Popular na Edukasyon na kung saan ito ay isang konsepto ng pag – aaral na nakapaloob sa balangkas ng mapagpalayang edukasyon at nagtataguyod sa mga layunin nito. Isa itong pagsusumikap na makatulong sa mabilis na pagpapalaganap at pagpapaunlad ng mapagpalayang edukasyon sa pamamagitan ng pagtuklas, paghalaw at pagpapaunlad ng mga porma o pamamaraan sa pagtalakay kung saan mas madaling magkakaunawaan ang mga kalahok sa pag – aaral at kung saan ang bawat isa ay aktibong makibahagi sa buong takbo ng pag – aaral. Ang konsepto ng Popular na Edukasyon para sa magbubukid ay munting ambag ng PPI para sa pagsulong ng mga mapagpalayang Edukasyon.

Ang Popular na Edukasyon ay isang “approach”, “diskarte” o pagdadala ng pag – aaral. Naniniwala ito na: “Ang mabilis na pagkakaunawaan ng mga kalahok sa pag – aaral ay naglalatag ng mainam na kalagayan para sa mas malalim na pagsusuri at matibay na pagkakaisa ng pananaw. Ang magbubukid ay mapanlikha, may likas na kakayahan at kaparaanang umunlad at higit itong lumilitaw sa mga pamamaraang ginagamit nila sa pakikipagtalakayan sa isa’t – isa sa pang – araw – araw na pamumuhay. Ang buhay at pakikibaka sa kanayunan ay kongkretong mapagkukunan ng mga aral o wastong pagtanaw at pagsusuri sa mga bagay – bagay. Ang pinaka – ipektibong paraan ng pakikipagtalakayan sa masa ay sa pamamagitan ng paggamit ng lenggwahe nila. Sa gawaing edukasyon, mahalagang matutong lubos sa masa ang instructor para maka – angkop siya sa pangangailangan nila. Ang susi sa pagkakaroon ng aktibong talakayan ay ang tiwala ng mag – aaral sa instructor bilang isang kaibigan na katuwang nila sa pagtuklas ng kaalaman at hindi bilang isang ekspertong naguturo o nagsusubo lamang ng mga ideya sa kanila. Mabisa ang edukasyon kung ito ay magbibigay – lakas sa mag – aaral, ng pagtitiwala sa kanilang sarili at sa kanilang kakayahang baguhin ang kanilang kalagayan.

Ang katangian ng Popular na edukasyon ay simple o madaling maunawaan, dahil sa ang mga porma o pamamaraan ng pagtalakay sa popular na edukasyon sa aktwal na karanasan ng masa, pamilyar at malapit ito sa kanila. Kaya napapadali ang pagpapalayang – loob, at nahihikayat silang maging bukas at aktibong lumahok sa talakayan. Mabilis maipalaganap kapag madaling maunawaan ng mag – aaral ang mensaheng nais ipaabot ng instruktor, magiging madali rin para sa kanya ang pagbabahagi nito sa iba. Nangangahulugan na dahil sa katangiang simple at madaling maunawaan, ang popular na edukasyon ay mabilis ring maipalaganap sa pinakamaraming bilang na maaaring maabot.

Ang Popular na Edukasyon ay bahagi at mahigpit na nakaugnay sa direksiyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Pangunahing layunin nito na makatugon sa kanilang mga pangangailangan. Inilalarawan nito ang kanilang buhay, dala – dala nito ang kanilang mga sintemyento at itinataguyod nito ang kanilang adhikain. Bagamat maaari rin itong gamitin ng ibang sector, pangunahin ang konseptong ito para sa magbubukid na silang nakakarami sa lipunan at silang pinagkaitan ng pagkakataong makatuntong sa paaralan dahil na rin sa kasalatan sa buhay.

Ang Popular na Edukasyon ay may pangunahing pagsaalang – alang sa partikularidad ng magbubukid. Dahil karamihan sa kanila ay ni hindi nga nakatapos ng mababang paaralan (elementarya), hindi rin sila sanay sa akademikong estilo ng pag – aaral (maghapong pag – upo sa silid aralan, pagbabasa ng makapal na aklat, mahabang pakikinig sa mga lektura, at iba pa) ito ay obhetibo nilang kalagayan at ang popular na edukasyon ay isang pagtatangkang umaangkop sa ganito nilang limitasyon.

Sa kasalukuyan ang pangangailangan ng Kilusang Magbubukid ay ang pagpapatatag ng kanilang hanay. At may kaakibat na Gawain dito ang Gawain ng edukasyon. Sa harap ng lumalaking pangangailangan para sa maraming instructor, naghahandog ng tulong ang popular na edukasyon. Ang Popular na edukasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng mga pamamaraan sa pagtalakay na magpapadali sa pag – unawa kaya inaasahan din ang mabilis na pagpapalaganap nito. Sa proseso’y dumadarami ang maaabot ng pag – aaral at dumadarami rin ang napapasulpot na instructor sa mismong hanay nila.

Hindi dapat maging hiwalay ang Popular na edukasyon sa masa. Hindi ito magiging tapat sa kanyang pangalan (popular) kung ito’ y lutang at banyaga sa kanila. Kung hindi nakikita ng magbubukid ang kabuluhan nito sa kanila, magiging hungkag ang konseptong ito kahit ipagpilitan pa natin sa masa na ang tawag dito ay popular na edukasyon.

Sa madaling sabi, susi ang malawakang pagsuporta ng masa sa konseptong ito upang matawag natin siyang tunay na Popular na Edukasyon. Ang konseptong ito ay nabuo mula sa kanila at para rin sa kanila. Kung ganoon, walang iba, kundi sila rin ang nasa posisyong tumingin kung ito’y tumutugon sa kanilang pangangailangan. Sa ibang salita, kung marapat nga itong tawaging popular na edukasyon?

Ang lupa ay buhay na kung saan dito nagmumula ang lahat ng ating kinakain sa araw – araw, at dito din tayo babalik kung tayo ay mamamatay. ang matagal ng inaasam ng mga magbubukid sa Pilipinas maging ng mga katutubo ay mapasa kanila ang malawak na lupain na siyang ginagamit sa golf course at commercial establishment na ang makikinabang lamang nito ay ang mga mayayaman at may perang pambayad o pambili kung sakali. Kawawang magbubukid ibibinta niya ang kanyang lupa sapagklat sa dami ng binabayaran niyang kemikals, pestisayds, herbisayds kulang nalang magsusayds siya sa dami ng kanyang utang sa isang kapitalista.
Kaya sa paghahangad natin ng pagkakaisa ng simbahan at ng mga katutubo, naisin natin ang lahat na ang pagdating ng paghihiganti at pagpapatwad ng Diyos at ng sambayanan sa karapatan sa lupang ninuno ng mga katutubo at sariling pagpapasya sa ilalim ng tunay at ganap na kalagayan, demokrasya at katarungan. Ang lupa ay buhay, para maging isang matatag na bansa ay may mamamayang sariling lupa na sa lupang ito nabuo at pinagtagpi – tagpi ang ating kasaysayan, kultura, tradisyon, at pananaw para sa hinaharap. Totoo nga sa ating kasaysayan na mga Filipino, at sa lahat ng lahi sa buong mundo na sa kasalukuyan karamihan sa komunidad ng ating mga kapatid na mga katutubo at magbubukid ay nakakaranas ng displacement sa kanilang sariling lupa dahil sa militarisasyon at development. Karamihan sa mga kapatid natin ay manggagawa sa mga dayuhang bansa na nakakaranas ng pang – aabuso at pang – aalipin, mga magsasakang pinagkaitan ng kanilang ikinabubuhay na siyang pinagkukunan ng kanilang pagkain sa araw – araw. Ang pagkakaroon ng isang tahanan ay paagkakaroon ng lupa na nagsisilbing buhay na ganap at kasiya – siya.

Kaya bilang mga mabuting katiwala ng Diyos ay magkaroon tayo ng alternatibong polisiya patungkol sa pagmimina na nagbibigay interes at pangangailangan ng mamamayan na maglilinaw sa mga isyu at usapin patungkol sa pag – unlad ng pagmimina dito sa ating bayan lalo na sa Mindanao, Mindoro, Palawan, Cordillera Administrative Region. Igalang ang prinsipyo, karapatan at kaligtasan ng mamamayan. Pagdepensa sa national patrimony at soberenya ng ating bayan. Scrap ang mining act of 1995 na kung saan ito ang pabigat sa mga katutubo at mamamayan ng probinsang biktima ngLalarge Scale Mining.
ANO ANG OTONOMIYA?
Pamamahala sa sarili ang otonomiya. Ang ibig sabihin nito, dapat maging Malaya ang isang Iglesya sa pagpaspasya ng para sa sarili nang walang pagpipigil mula sa iba. Ang resulta nito, inaako ng Iglesya ang responsibilidad sa kanyang mga desisyon at pananagutan niya ang kanyang mga pagpaspasya. Ang ibig ding sabihin ng otonomiya, tayo ang namamahala. Tayo ang magpapasya. Walang iglesya, gaya ng iglesya sa Estados Unidos, ang dapat magsabi sa atin kung ano ang daapat nating gawin, o kung ano ang hindi natin dapat gawin. Laban sa kalikasan ng buhay na nangingibabaw ang isang bayan sa isang baayan. Kapag ginawa ito, nalalabag ang dignidad at respeto sa sarili ng isang bayan, at hahantong yaon sa pagguho.
QUADRILATERAL GUIDELINES
SAAN SA BANAL NA KASULATAN MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Genesis 1: 27: Naniniwala ang mga Metodista na ang Banal na Kasulatan ang dapat na pangunahing batayan ng lahat ng paniniwala, doktrina at pagkilos. Bilang Biblical Reference, pagbulay – bulayan natin ang Genesis 1: 27, sa Theological terms, ito ang tinatawag nating “Imago Dei”. Binibigyang diin nito ang katotohanang ginawa ang tao sa wangis ng Diyos.
Tintatayang isinulat ang Genesis 1: 27 ng Priestly writers noong 586 – 538 B.C., kung kailan natalo ang Southern Kingdom ng m ga taga Babylonia at na – exile sila sa Babylon. Para sa isang bansa, walang pinakamsakit at pinakanakakahiyang pang – yayari kundi yaong malupig ka, pagsamantalahan, maging alipin ng ibang bansa, at paglingkuran ang sarilin mong kaaway na pumatay sa iyong mamayan. Ang katanungan ng mga Israelita noon: “ Kung talagang tinawag tayo ng upang maaging bayan ni Yahweh, bakit niya hinyaang dumating ang pinakamasakit na karanasang ito sa atin. Kung talagang pinili tayo upang maging mamayan ng Dios, bakit hinayaan niya tayong malupig ng Babylonia? Bilaang tugon sa katanungang ito, isinulat ng Priestly writers na “nilikha tayo mula sa wangis ng Dios” upang ipaalala sa kanila ang dakilang biyaya ng Dios sa bawat tao – ang kalayaan at dignidad. Sinasabi sa kanila na huwag mawalan ng pag – asa. Kung nalupig man sila, hindi nila kailangang manatili sa gayong kalagayan. Let us restore our dignity as a people and as a nation. Kung natalo man tayo, hindi natin kailangang manatili sa pagkaalipin… let us not settle down! Let us restore our identity as a people and as a nation.
Muling pinaalala sa kanila ang katotohanang ito noong 538 BC, noong natalo ng mga Persians ang mga Babylonians at sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus the Great, ibinalik sa kanila ang kanilang kalayaan at pinayagan silang makabalik sa kanilang lupain. Ngunit nagging kampante na ang karamihan sa mga tao sa kanilang kalagayan at wala nang balak bumalik sa kanilang lupain sapagkat tinatamasa na nila ang kasaganaan sa Babylonia. Kung kaya’t pinaalala sa kanila; “ Nilikha tayo mula sa wangis ng Dios”, samakatuwid, huwag nating ipagpalit sa kasaganaan ang kalayaan at dignidad. Huwag nating hayaang may ubasan nga tayo ngunit mananatili naman tayong alipin habang nabubuhay tayo. Let us restore our identity as a people and as a nation!
Ang pagiging “AUTONOMOUS ” ang fulfillment ng ating pagkatao bilang NILKHANG KALARAWAN NG DIOS. Ito ang panahong tatayo tayo sa sarili nating mga paa, buong laying gagawa ng desisyon at isulong ang mga gawain ng iglesya ayon sa ating konteksto at gampanan ito nang may dignidad.
Sa Galacia; ang sabi ni Pablo, walang karapatan ang isang menor de edad. Napapailalim siya sa pangangalaga ng isang guardian. Subalit kapg nagging adult na ang bata, nagiging lubusan na siyang responsible sa sarili niyang buhay at sa sarili niyang mga tinatangkilik, kung kaya hindi na niya kailangan ang sinumang guardian.
SAAN SA ATING TRADISYON MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Mababasa natin ito sa The Book of Discipline of the United Methodist Church. Sa section V, paragraph 546, mababasa natin ang pakahulugan ng Pinag – Isang Metodista sa isang Autonomous Methodsit Church. Sa paragraph 547, mababasa naman natin ang pakahulugaan ng Pinag – Isang Metodista sa isang Affiliated Autonomus Methodist Church. At as paragraph 548, mababasa natin ang mga procedures na kailangang sundin para tayo maging isang AFFILIATED AUTONOMUS METHODIST CHURCH.
ANO ANG ITINUTURO SA ATIN NG MGA PROBISYONG ITO?
Wastung – wasto at legal ang pagkilos para maging isang Affiliated Autonomous Methodist Church tayo ngayon, sapagkat ang Aklat ng Disiplina mismo ang nagbibigay sa atin ng gabay kung paano natin iyon makakamtan.
Walang ipinaparatang na secession ang Aklat ng Disiplina kapag naghangad ang isang kumprehensya sa labas ng Estados Unidos na maging autonomous. Sapagkat napakademokratiko ng United Methodist Church, iginagawad nito ang kalagayang autonomous sa mga naghahangad niyon basta’t susundin lamang nang buong kataimtiman ang naaangkop na procedure.
Malulusaw talga ang kaatayuang central conference at maitatag ang isang panibagong ugnayan. Irereorganisa ang central conference sa isang bagong organisasyong namamahaala sa sarili – kaya isisilang ng luma o dating dependienteng central conference ang ugnayang affiliated autonomous.
Tulad ng isang ina ang Inang Iglesia – ang United Methodist Churc – sa bagong silang na affiliated autonomous church. Hindi inaabandona ng Inang Iglesia ang kanyang anak; bagkus, ipagpapatuloy nila ang kanilang pakikipagugnayan sa isa’t – isa sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagdadalawan, pagkilala sa clergy ng isa’t – isa, pagpapalitan ng assistance, pagrerespetuhan, at pagsususportahan.
SAAN SA BUHAY AT KARANASAN NG ATING IGLESIA MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Paano nag – exist ang iglesia? Hindi nag – exist ang iglesia sa vaccum. Nag – exist ang iglesia sa gitna ng lipunan; sa katunayan, bahagi siya ng lipunan. Dahil doon, tuwirang naapektuhan ang iglseia ng sitwasyon ng bansang kinabibilangan niya – pangkabuhayan, pampulitika, pangkultura. Anuman ang magaganap na lipunan, direktang naapektuhan ang iglesia.
Nagging otonomos ba ang Iglesia Kristiayana? Nakakatuwang isiping isang otonomous sa relihiyon ang mismong “ Kristiyanismo ”. nagsimula siya bilang isang kilusang layko sa loob ng relihiyong Judaismo hanggang maging sekta nito. Noong oanahon ni Emperor Theodosius I, hindi lamang legal ang kristiyanismo kundi dineklara itong “ Relihiyon ng Estado ” ng buong Emperyo ng Roma. Di naglaon noong 1054 AD, nahati ang kristiyanismo. Sa gawing silangan, ang Eastern Orthodox Church (Mga Kristiyanong Griego ang salita); at Romano Katolisimo (Mga kristiyanong Latin ang salita) naman sa gawing kanluran.
Nagging otonomos ba Protestantismo? Nagkaroon uli ng slit sa Romano Katolisimo noong ika – 16 na siglo sa pangunguna ni Martin Luther dahil sa ibat’t ibang usapin. Ito ang tinatawag nating “ The Great Reformation ” ang dakilang repormasyon. Dito din nagsiula ang protestantismo. Nagkatoon muli ng paghihiwalay mula sa Romano Katolisismo. Nagdeklara ang bansang England ng kanilang kalyaan mula sa Papa. Itinatag ni Haring Henry VIII ang “ Iglesia ng England ”. ito ang Anglican Church kung saan Pari si John Wesley.
Ang Kasaysayan ng Metodismo sa Buong Mundo
Nagsimula ang istorya ng Metodismo sa England. Nakarating iyon sa Amerika; pagkatapos, sa Pilipinas. Istorya ng isang iglesia ang istoryang ito, istoryang hinubog ng mga naganap sa gitna ng panlipunang kalagayan ng mga bansang nabanggit.
Dinala ni St. Augustine ng Canterbury ang Kristianismo sa England noong ika – 6 na. Humarap sa sumusunod na pagsubok ang impluwensiya ng Iglesia ng Roma, na paman ni St. Augustine sa England:
Hinamon ng pyudal na monarkia ang karapatanng papa na pagkalooban ng otorisasyon ang mga obispong Inggles (na sakop ng hari);
Sa maagang yugto ng parlamento, nagresulta ang mga tendensyang protektahan ang sarili ng ilang batas na nagrerenda sa panghihimasok ng mga dayuhan o sa pagkilala sa kapangyarihan ng mga dayuhang gaya ng papa; at
Isang nagigising na diwa ng nasyunalismo, na laban na sa Pransia sa simula’t sapul, ang nagtulak kay John Wycliffe na manindigan sa Biblia bilang alternatibo sa otoridad ng papa na nasa ilalim ng impluwensya ng Pransia sa malaking panahon ng ika – 14 na siglo.
Sa ganitong kalagayan, isinentro ng mga Inggles ang kanilang sumusulong na pambansang kasarinl;an sa kanilang hari, pinaunlad nila sa direksiyon ng nasyunalismo ang kanilang institusyong panrelihiyon, isinabats ang pagsesentro niyon sa monarkia, pinalakas ang sintemyentong laban sa papa.
Isinagawa ni Henry VIII ang unang – unang mayor na hakbang na nagging sanhi ng paghihiwalay ng Iglesia ng Inggles mula sa Iglesia ng Roma. At naitatag ang Iglesiang Inggles sa ilalim ng monarkia. Itinakda ng mga aksyong ito ang mga hangganan ng kapangyarihan para sa hinaharap – kinakailangang dumadaan sa Parlamento ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa doktrina, istraktura, at patakaran ng Iglesia. Hindi itinakda ang mga iyon ng otoridad sa labas ng England, alalong baga ay papa o ng Iglesia ng Roma.
Lumaganap sa maraming bahagi ng England ang resultang ispritwal na pananamlay at kaluwagan sa moralidad. Ang pag – aabuso sa kalayaan bilangf estilo ng pamumuhay sa palasyo mismo ng hari ang isang halimbawa nito – pinatunayan ito ng mahabang talaan ng mga kerida ni Charles II.
Bago natapos ang paghahari ni Charles II, nagbigay ng inspirasyon ang reaksiyon laban sa pagguho ng moralidad at relihiyosong konsensya ng England sa pagbubuo ng maliliit na religious societies o mga lipuang relihiyoso na naglalayong magtagayod ng kabanalan at disiplinang Kristiano. Ito ang nagging katangian ng mga lipunang relihiyoso ni John Wesley, nagtataguyod ang mga ito ng personal holiness o kabanalang personal at social holiness o kabanalang panlipunan.
Ang metodismo sa America
Noong nadiskubre ang America (New World) sumama si John Wesley papunta rito upang magmisyon. Sa Georgia nagsimula ang Metodismo sa mga kolonyang Amerikano. May dalawang layunin si John Wesley nang magtungo siya sa Georgia noong ika – 6 ng Pebrero 1736 kasama sian Charles Wesley, Benjamin Ingham, At Chrales Delamotte:
Iligtas ang kanyang kaluluwa; at
Gumawa sa Amerika ng karagdagang kabutihan.
Dumating sila sa Georgia, ngunit hindi nagging mabunga ang kanyang ministeryo kaya’t ipinasya niyang bumalik sa England.
Umusbong at lumago ang binhi ng Metodismong naitanim ni John Wesley at ng kanyang kasamahan sa Georgia. Ipinagpatuloiy ng kanyang mga “followers” ang gawain sa America. Itinuturing ang Georgia na pangalawang pagbangon ng Metodismo.
Ang paglago ng Metodismo sa America
Tinanggap ni George Whitefield ang renda sa Amerika mula kay John Wesley nang bumalik ang huli sa England noong Disyembre 1737.
Limitado ang nagging tagumpay ng metrodismo sa Gergia dahil sa tension pampulitika at personal. Humiling si George Whitefield ng mga mangangaral kay John Wesley noong 1767. pinili ni John Wesley si Francis Asbury, isa sa mga nagboluntaryo, para isugo sa Amerika. Inordinahan sina Francis Asbury at Thomas Coke, pagkatapos, inapoint sila ni John Wesley bilang mga Obispo sa Amerika.
Tumindi nang tumindi ang political unrest sa Amerika sanhi ng aksyong military laban sa mga Pranses. Pinayuahan ni John Wesley ang kanyang mga mangangaral na gumawa ng daan para sa kapayapaan, na maging maibigin at mabait sa lahat.
Sumulat ng isang liham si John Wesley kay Earl ng Dartmouth (Secretary of State para sa kolonyang Amerikano) at nagpadala siya ng kopya kay Lord North (Punong ministro at unang panginoon ng tresurera) na nagtatanggol sa mga kolonista ng kanilang mga legal na karapatang ipahayag ang kanilang mga sentimyento, at nagbigay ng argumento para sa pagkakaunawaan at nagsalita laban sa pagsugo sa adhikaing military sa mga kolonyang Amerikano bilang isang talunang proposisyon.
Nalagay ang mga metodista sa Amerika sa isang kakatwang pusisyon. Bahagi sila ng isang kilusang Inggles na pinangungunahan ng isang tapat na Tory. Kaalinsabay niyon, inaasahan silang maging mga tagagawa ng daan tungo sa kapayapaan ng kanilang lider, na katumbas ng pagiging Loyalista sa tingin ng maraming mga Kolonista (kahanay ng pasipismo), at pagtaksil sa adhikaing Amerikano. Walangf kamalay – malay ang mga kolonya tungkol sa mga liham ni John Wesley. Iminungkahi niya kay Thomas Rankim (General Assistant ni John Wesley sa Amerika noong 1773) na pabalikin si Francis Asbury sa England, subalit napag – alaman niya noong kumprehensiya ng Agosto 1775 na mananatili pa si Francis Asbury sa Amerika nang isa pang taon.
Nagbago ng tindig ni John Wesley hinggil sa pampulitikang sitwasyon sa Amerika, na ikinagalit ng mga kolonistang Amerikano. Ipinalagay niyang walang moral o legal na timbang ang mga argum,ento ng mga kolonista, tulad ng “Walang pagbubuwis nang walang representasyon,” at iresponsable ang kanilang karaningan pabor sa kalayaan at pagsasarili mula sa Inggles na pamatok.
Nakaragdag ang lantarang anti – Amerikanong paninindigan ni John Wesley sa tension sa marupok nang posisyon ng kanyang mga metodistang tagasunod sa Amerika. Pinagsuspetsahan ang karamihan sa kanila na may simpatyang Loyalista dahil sa kanilang kaugnayan sa isang “Loyalista’. Bumalik sa Englans noong 1777 ang lahat ng mga metodistang mangangaral na inappoint ni John Wesley sa mga kolonyang Amerikano, maliban kay Francis Asbury, dahil nasa mga Amerikano ang kanyang simptya.
Isinugo ni John Wesley sina Thomas Coke (Obispo0, Whatcoat, at Vasey (Ordiandong Presbitero) sa Amwerika taglay ang isang planong magtayo ng isang Iglesia metodistang hiwalay sa Iglesia ng England. May esensyal na ekklesyastikal na features ng isang pang “Iglesiang” denominasyon ang iglesiang itatayo. Meron iyong ordiandong clergy na mangangasiwa sa mga sakramento at may upisyal na aklat ng servicio (Liturhiya at mga pandoktrinang pamantayan). Iminungkahi ni Francis Asbury na pagtibayin ng kumprehensya ang plano ni John Wesley.
Idinaos ang Pamaskong Kumprehensya sa Lovely Lane Chapel sa Baltimore, Maryland noong 1784, sa kumprehensyang ito, pinagtibay ang mga makabuluhang aksyonng nagbibigay – hugis sa Amerikanong Metodismo:
Inihalal sina Francis Asbury at Thomas Coke bilang mga Obispo (Amerika)
Isinaalang – alang ang plano ni John Wesley at inadopt ang pinakahuling bersyon ng large Minutes (1780) (na tinagurian na ngayong Conference Journal) sa eksenang Amerikano.
Narebisa ang British Minutes para lumikha ng unang Amerikanong “Anyo ng Disiplina” – nagsilbi itong “Binding Minute”, alalong baga ay nagbibigay ng Amerikanong kontrol sa kanilang connection.
Nag – establisa ng isang bago at hiwalay na denominasyon – ang Methodist Episcopal Church (MEC).
ANG PAGLAGO AT PAGLAGANAP NG METODISMO SA AMERIKA
Noong 1816, dahil sa isyu ng racial discrimination, minabuti ng mga itim (black amrican) sa pamumuno ni Richard Allen ang pagpapatayo ng hiwalay na Iglesya. Tinawag nila itong “African Methodist Episcopal Church”. (AMEC)
Noong 1821, isa naming paghihiwalay mula sa Methodist Episcopal Church ang nangyari sa parehong isyu. Tinawag ng grupong ito ang kanilang sarili na “African Methodist Episcopal Zion Church”. (AMEZC)
Noong 1830, isang gru[po naman mula sa mga layko ang nagpasyang magsarili dahil sa hindi magandang pamamalakad ng mga pastor at mga Obispo. Tinawag nila ang kaniliang grupo na “Methodist Protestant Church”. (MPC)
Noong 1845, dahil sa isyu ng pang – aalipin, nagkaroon ng isa pang paghihiwalay. Mula sa paghihiwalay na ito, nabuo ang “Methodist Episcopal Church South”. (MECS)
Noong 1870, mula sa MECS, humiwalay ang nalabing grupo ng mga itim at tinawag nila ang kanilang grupo na “The Colored Methodist Episcopal Church”, Ngayon ito na ang “ The Christian Methodist Episcopal Church”. Kasama ng AMEC, at AMEZC, miyembro ang CMEC sa World Methodist Council.
Noong 1939, nagsama uli ang MEC, MPC, at MECS at tinawag ang kanilang sarili na “ The Methodist Church”.
Sa kabilang panuig ng Amerika, sa pangunguna nina Philip William Otterbein, at Martin Boehm, itinatag nila ang “Church of the United Brethren in Christ’. Noong 1800.
Noong 1803 naman, isang tilemaker mula sa Pensylvania ang nagtatag ng “Evangelical Association”.
Subalit noong 1891, humiwalay ang ibang miyembro mula sa Evangelical Association at itinatag ang “United Evangelical Church”.
Noong 1922, muling nagsama ang Evangelical Association at United Evangelical Church, at tinawag nila ang kanilang mga sarili na “ The Evangelical Church”.
Noong 1946, nagsama ang Church of the United Brethren in Christ at The United Evangelical Church, at tinawag nila ang knailang sarili na “ Evangelical United Brethren”.
Noong ika – 23 ng Abril 1968 sa Dallas, Texas, nagsama ang The Methodist Church, at ang Evangelical United Brethren, at tinawag itong “The United Mehtodist Church”.
Ang Pagsimula ng Metodismo sa Pilipinas
Magkaagapay ang kolonyalismo at kristiyanismo pagdating sa Pilipinas. Nasakop ng mga kastila ang Pilipinas sa loob ng 350 taon sa pamamagitan ng pagkukombina ng espada at krus. Nang isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos noong 1898, nagging kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas. Simula noon at sa pamamagitan nito, naitakda ang panlipuang sitwasyon ng bansa.
Dumating ang Amerikanong Protestantismo sa Pilipinas kasama ng pwersang mananakop ng Estados Unidos. Naihanda ng kampanyang military ng Estados Unidos noong huling bahagi ng ika – 19 ng siglo (19th Century) ang daan sa pagdating ng Metodismo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ang unang karanasan ng ng Estados Unidos sa kolonyalismo.
Upisyal na pumasok noong 1898 ang Metodismo sa Pilipinas bilang pagmimisyon ng Methodist Episcopal Church ng Estados Unidos sa pamamagitan ni Chaplain George Stull. Pamilya ni Don Paulino Zamora, pamangkin ng pinatay na paring si Jacinto Zamora, ang isa sa pinakaunang yumakap ng Metodismo nang dumating ito. Noong 1990, naordinahan bilang kauna – unahang Metodistang Pastor si Nicolas Zamora. Noong 1908, nabuo ang Philippine Island Conference.
Sa panahong ito di nawawala ang diwa ng nasyunalismo sa mga Pilipino. Patuloy nilang ninais ang pagiging tumay na Malaya mula sa panghihimasok ng mga dayuhan. Hindi nawala ang diwang nagnanais ng kalayaan sa mga Pilipino.
Mula pa noong maagang yugto ng 1900, naghangad ang mga Metodistang Pilipino ng isang katutubong Iglseya Metodista sa Pilipinas. Sa Tondo, Manila, itinatag ng mga Metodistang Pilipino ang “Katotohanan Society”. Ito ang grupo ng mga Pilipinong Metodista na nagnanais sa magtatag ng “Indigenous Methodist Church”. Merong sumisidhing disgusto at hinanakit sa hanay ng mga lider ng katotohanan Society laban sa mga Amerikanong lider – misyonero. Hindi nila kinukwestisyon ang doktrinang Metodista, ang nais laamng nila, hindi mga kano, kundi mga Pilipino ang mamuno sa Iglseya.
Upang ma – pacify ang grupong ito, pinadala ng mga kano si Nicolas Zamora.
Narinig at nakita ni Nicolas ang hinaing ng mga tao. Di tumigil sa pag – apila ang di – mapalagay na mga kaanib ng Tondo Methodist Church kay Pastor Nicolas Zamora na pangunahan sila sa independienteng Pilipinong Iglesya Metodista. Nagging tapat siya sa Methodist Episcopal Church. Subali’t pinagduduhan at pinagsuspetsahan siya ng ilang misyonero at ginawan ng mga isyu. Ditto naki8ta ni Nicolas Zamora na may dahilan nga ang grupong ito na hingin ang kanilang kalayaan at dignidad. Ito ang nagtulak sa kanya para humiwalay sa MEC. Noong 1909, nagging lider ng mga Pilipinong Metodista si Nicolas Zamora, at itinatag nila at inorganisa ang isang independienteng Pilipinong Iglesya Metodista (na tinguriang IEMELIF “Iglesya Metodista En Las Islas Filipina”). Ngayon, miyembro din ang IEMELIF ng NCCP (National Council of Churches in the Philippines). Member din sila ng World Methodist Council. Humiwaly si Nicolas Zamora mula sa MEC dahil sa parang mga bata kung tratuhin ng mga Amerikanong misyonero ang ga Pilipinong kanilang minimisyunan at inebanmghelyuhan. Nais pa ng mga Amerikanong misyonero na kontrolin at isentralisa ang pagmimisyon at pag – eebanghelyo.
Nagpatuloy ang pagnanais ng mga Pilipino na patunayang kaya nila, hindi lamamng ang ministeryo, kundi ang pamumuno. Dahil lagi na lang may kakulangan ang mga Amerikanong Obispo sa mas makaranasan at matagumpay na mga kaanib ng Pilipino ng Kumprehensya Anwal para pangasiwaan ang mga probinsiyang walang misyonero. Limang Pilipinong superintendente ng distrito. Noong 1915 (After 17 years), dalawang Pilipinong Pastor ang nagging District Superintendent sina (Catalino Santos ng Bataan District at Lorenzo Tamayo ng Tarlac District). Gayon nagsimula ang Pilipinisasyon ng Metodistang liderato noong 1915.
Noong 1924, nakahalal tayo ng unang Pilipinong delegado sa General Conference sa kataohan ni Dionisio Diesta Alejandro.
Nagsisimpatiya maging ang ilang Amerikanong Metodistang lider na naka – assign sa Pilipinas sa hangarin ng mga Pilipinong Metodista na maging isang katutubong iglesya. Sumusuporta rin sila sa inaadhikaing independensya ng sambayanang Pilipino.
Nagharap si Dr. Joshua Cottigham ng isang resolusyon noong 1926 sa Kumprewhensya Anwal ng 1926. dahil sa resolusyong ito, nalagay ang hangarin ng Philippines Islands Annual Conference (PIAC) para sa isang katutubong Iglesya Metodista.
Suporta sa mga Pastor at sa lahat ng gawaing ebanghilistiko.
Pamamahala sa sarili; at
Sariling pagtataguyod ng ebanghelyo.
Nagpakita si Dr Joshua Cottingham ng suporta sa hinahangad na independensya ng sambayang Pilipino. Sa panahon ng sesyon ng PIAC ng 1926, nagkaroon ng aksyon na pagtibayin ang isang resolusyon hinggil sa hinahangad na pampulitikang independensya ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatibay na muli sa aksyon ng Kumprehensya Anwal ng 1922 na nagpapahayag ng lubusang simpatya sa hangaring political identity ng mga pilipino.
Patuloy ang pagsusumigasig ng mga Pilipino na patunayang kaya nilang mamuno, kung kayat noong 1932 mga Pilipinong Elders na ng Kmuprehensya Anwal ang lahat ng mga Superendente ng Distrito, ibig sabihin, nasa ilalim na ng pamumuno ng mga Pilipinong DS’s ang lahat ng mga distrito.
Noong 1933, isa na naming hiwalayan ang nangyari. Naitatag ang Philippine Methodist Church
Nagpatuloy ang pagsusumigasig ng mga pilipino para patunayang kaya niyang pamahalaan ang kanyang sarili. Noong 1936, nagpasa ang kumprehensya Heneral ng MEC ng isang Enabling Act para sa organisasyon ng isang Kumprehensya Sentral sa Metodismo sa Pilipinas. Mula noon, umiral na ang Kumprehensya Sentral ng Pilipinas bilang pangorganisasyong istraktura ng Metodismo sa bansa. Noong 1940, nagkaroon ng unang sesyon ang Philippine Central Conference. Noong 1942, nagging acting head of Philippine Methodism si Francisco Galvez. Noong 1944, (after 26 years) nakapaghalal tayo ng kauna – unahang Obispo na Pilipino sa katauhan ni Dionisio Diesta Alejandro.
Noong 1948, nagsama – sama ang Philippine Methodist Church, kasama ng Presbyterian, The Disciples, The Evangelical United Brethren (Na tatay natin sa Amerika), at The Congregationalist at nabuo ang United Church of Christ in the Philippines (UCCP)
Sa panahon ng ika – 18 na sesyon ng Kumprehensya Sentral ng Pilipinas noong 1964, nagbuo ang Philippine Central Conference committee of Structure of Methodism Overseas (PCC – COSMOS) ng Study Commission on Church and ecumenical Relation. Si Dr Emerito P. Nacpil ang nagsilbing taga pangulo ng komisyong ito. Noong 1966, nagpresent ang COSMOS ng limang alternatibong istraktura at isa dito ang Otonomiya.
Noong 1968, sa panahon ng ika – 9 na regular na sesyon ng PCC, iprinisinta ng Study Commission ang ikalawa nilang ulat. Bilang resulta, gumawa ng upisyal na aksyon ang Kumprehensya Sentral para sa isang Modified na istraktura ng Kumprehensya Sentral. Sa kasamaang palad, sa panahon ng Kumprehensya Heneral ng 1970, walang isinagawang aksyon hinggil sa PCC memorial on Church Structure. Ipinagpaliban ng Kumprehensya Heneraal – COSMOS ang paggawa ng aksyon kaugnay ng aksyon ng PCC sa Kumprehensya Heneral ng 1972.
Noong 1972, tinanggap ang ulat ng COSMOS, binigyang laya ng PCC na magdesisyon kung mananatili itong Kumprehensya sentral O maging Affiliated Autoniomous. Tulad ng inaasahan, pagdating nga ng 1976 Central Conference Session, in accordance with the Enabling Act of 1976 General Conferece nanalo nga ang Affiliated Autonomy. (158 ballots cast; 103.5 – 2/3 majority; 109 voted for autonomy while 46 voted against). Tuwang – tuwa ang mga tao, palakpakan ang buong Kumprehensya habang nag – iiyakan sa galak ang iba pa. Pagkatapos ng mahabang taong ipinaaglaban ang kasarinlan, sa wakes naipanalo ito ng mga Pilipino.
Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo ng mga Metodistang Pilipino noong ideneklara ang action na ito na “null and void” dahil sa kakulangan nitong ilahad ang quantified 2/3 aggregate votes. (Isang kumprehensya ang nag – ulat ng “unanimously approved” at hindi naitala ang bilang ng mga bumoto). Naglapse na sa ibinigay na time frame bago naayos ang bagay na ito kaya’t natalo ang usaping ito dahil sa technicality. Ang nakakalungkot, tumalokod ang mga taong haligi ng movement na tio noong nasa posisyon na sila.
Nanatiling buhaay ang hangaring Otonomiya hanggang dekada 80. ipinagpatuloy ng mga layko, diyakonesa, kabataan, at mga pastor ang pakikibaka para sa otonomiya.
Nagpatuloy ang hangarin para sa kasarinlan. Patruloy ang mga tao na nagpursige para sa usaping ito. Napahinuhod nila si Dr. Daniel Arichea na translatornoon ng United Bible Society na kumandidato bilang Obispo at dalhin ang usapin ng otonomiya. Hindi naman siya delegado sa Kumprehensya Sentral at wala siyang panahong mangampanya. Ngunit hiniling ng mga tao na taanggspin niya lang ang pagkandidato at sila na ang bahalng mangampanya. Noong 1994, nahalal si Dr. Daniel Arichea bilang Obispo (in absentia). Sa panahon ng panunungkulan niya, muling lumakas ang usapin ng otonomiya. Noong 2000 Central Conference, nahalal ang tatlong incumbent bishops na hayagang nagdeklara na para sila sa “Affiliated Autonomy”.
Ipinakita ng kasaysayan ng Metodismo kung paano yaon nagsikap at nakipagbuno para manatiling totoo at tapat sa kanyang misyon at ministeryo, kung gaano yaon kinompronta at nahamon ng pangangailangang mabuhay sa paraang pinamamahalaan, itinataguyod, at sinusustini niya ang kanyang sarili.