Thursday, February 25, 2010

Ang Popular na Edukasyon at ang kalagayang nagluwal dito

Ang kalagayan ng magbubukid sa Pilipinas ayon sa salaysay na “Ang lupa ay buhay sa amin; kapag ito ay kinamkam, para na rin kaming inagawan ng Buhay”. Ito ay isang kasabihan na karaniwang maririnig sa mga katutubo at magbubukid. Inilalarawan dito na ang buhay ng magbubukid ay lupa umiinog. Alisan mo sila ng karapatan sa lupa at para mo na rin silang inalisan ng karapatang mabuhay.

Pito (7) sa bawat sampung (10) magbubukid ang walang pag – aaring lupa. Ang malawak na lupang agricultural ay pagmamay – ari at kinokontrol ng ilang malalaking Panginoong May Lupa. Kasabay nito, ang mga dayuhang korporasyon na kasabwat ang mga nakaraan at kasalukuyang nanunungkulan sa ating pamahalaan ay patuloy na nang – aagaw ng mga lupang sinasaka ng mga magbubukid para sa kanilang malwak na plantasyon. Ang lupa at buhay ng mgabubukid ay laging nasa panganib na darating ang isang umagang wala silang sakahan, pati kanilang bahay ay din na nila pag mamay – ari.

Ang hinagpis ng isang magbubukid sa pagkawala ng kanyang lupa ay madarama sa mga sumusunod na kataga “Ginugunita ko ang mga sandaling kita’y kapiling. Yaong yumayakap ka sa aking mga paang hubad. Ang buhay na naging kamatayan ko pagkat nawala ka sa akin”. Maiugat pa rin sa suliranin sa lupa ang iba pang problema ng mga magbubukid: mataas na upa sa lupa, mataas na gastos sa produksiyon, usuka, pagbibigay ng libreng serbisyo o handog sa Panginoong May Lupa, at iba pa. Miserable ang buhay ng mga magbubukid. Ang kanilang kinikita ay kulang na kulang pa para tugunan ang kanilang mga batayang pangangailangan tulad pagkain, bahay, damit at gamot. Silang nagtatanim, nagpapakain at bumubuhay sa buong lipunan ay walang maihain sa kanilang hapag kainan. Ay, Paano pa kaya ang pagpapa – aral sa kanilang mga anak? Ang edukasyon sa ganitong kalagayan ay isang luho para sa magbubukid.

Isinaalang – alang din sa ginawang pagtatasa ang ilang suliraning ibinabahagi ng mga mag – aaral sa PPI. Isa na rito ang kakulangan ng mga local na instructor na makakatugon sa mga pangangailangan ng kanilang lumalaking samahan. Bukod rito, ayon sa kanila’y kulang pa rin sa kasanayan sa gawaing instruksiyon ang mismong instructor sa hanay nila. Ang ganitong suliranin ay aktwal ding kinakaharap ng departamento sa pagsasanay ng PPI kulang pa din sa tao ang departamento at malaki pa ang dapat gawin upang mapaunlad ang kasanayan nito sa pagbabahagi o pagtalakay ng paksa.

Noong 1985, sinimulan ng PPI ang pagsisistematisa at pagsasadokumento ng mga pamamaraang galing sa iba’t – ibang grupo ng mga mag – aaral na magbubukid sa iba’t – iba ring idinaos na mga pag – aaral. Mula sa ganitong proseso, nabuo ang konsepto ng Popular na Edukasyon na kung saan ito ay isang konsepto ng pag – aaral na nakapaloob sa balangkas ng mapagpalayang edukasyon at nagtataguyod sa mga layunin nito. Isa itong pagsusumikap na makatulong sa mabilis na pagpapalaganap at pagpapaunlad ng mapagpalayang edukasyon sa pamamagitan ng pagtuklas, paghalaw at pagpapaunlad ng mga porma o pamamaraan sa pagtalakay kung saan mas madaling magkakaunawaan ang mga kalahok sa pag – aaral at kung saan ang bawat isa ay aktibong makibahagi sa buong takbo ng pag – aaral. Ang konsepto ng Popular na Edukasyon para sa magbubukid ay munting ambag ng PPI para sa pagsulong ng mga mapagpalayang Edukasyon.

Ang Popular na Edukasyon ay isang “approach”, “diskarte” o pagdadala ng pag – aaral. Naniniwala ito na: “Ang mabilis na pagkakaunawaan ng mga kalahok sa pag – aaral ay naglalatag ng mainam na kalagayan para sa mas malalim na pagsusuri at matibay na pagkakaisa ng pananaw. Ang magbubukid ay mapanlikha, may likas na kakayahan at kaparaanang umunlad at higit itong lumilitaw sa mga pamamaraang ginagamit nila sa pakikipagtalakayan sa isa’t – isa sa pang – araw – araw na pamumuhay. Ang buhay at pakikibaka sa kanayunan ay kongkretong mapagkukunan ng mga aral o wastong pagtanaw at pagsusuri sa mga bagay – bagay. Ang pinaka – ipektibong paraan ng pakikipagtalakayan sa masa ay sa pamamagitan ng paggamit ng lenggwahe nila. Sa gawaing edukasyon, mahalagang matutong lubos sa masa ang instructor para maka – angkop siya sa pangangailangan nila. Ang susi sa pagkakaroon ng aktibong talakayan ay ang tiwala ng mag – aaral sa instructor bilang isang kaibigan na katuwang nila sa pagtuklas ng kaalaman at hindi bilang isang ekspertong naguturo o nagsusubo lamang ng mga ideya sa kanila. Mabisa ang edukasyon kung ito ay magbibigay – lakas sa mag – aaral, ng pagtitiwala sa kanilang sarili at sa kanilang kakayahang baguhin ang kanilang kalagayan.

Ang katangian ng Popular na edukasyon ay simple o madaling maunawaan, dahil sa ang mga porma o pamamaraan ng pagtalakay sa popular na edukasyon sa aktwal na karanasan ng masa, pamilyar at malapit ito sa kanila. Kaya napapadali ang pagpapalayang – loob, at nahihikayat silang maging bukas at aktibong lumahok sa talakayan. Mabilis maipalaganap kapag madaling maunawaan ng mag – aaral ang mensaheng nais ipaabot ng instruktor, magiging madali rin para sa kanya ang pagbabahagi nito sa iba. Nangangahulugan na dahil sa katangiang simple at madaling maunawaan, ang popular na edukasyon ay mabilis ring maipalaganap sa pinakamaraming bilang na maaaring maabot.

Ang Popular na Edukasyon ay bahagi at mahigpit na nakaugnay sa direksiyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Pangunahing layunin nito na makatugon sa kanilang mga pangangailangan. Inilalarawan nito ang kanilang buhay, dala – dala nito ang kanilang mga sintemyento at itinataguyod nito ang kanilang adhikain. Bagamat maaari rin itong gamitin ng ibang sector, pangunahin ang konseptong ito para sa magbubukid na silang nakakarami sa lipunan at silang pinagkaitan ng pagkakataong makatuntong sa paaralan dahil na rin sa kasalatan sa buhay.

Ang Popular na Edukasyon ay may pangunahing pagsaalang – alang sa partikularidad ng magbubukid. Dahil karamihan sa kanila ay ni hindi nga nakatapos ng mababang paaralan (elementarya), hindi rin sila sanay sa akademikong estilo ng pag – aaral (maghapong pag – upo sa silid aralan, pagbabasa ng makapal na aklat, mahabang pakikinig sa mga lektura, at iba pa) ito ay obhetibo nilang kalagayan at ang popular na edukasyon ay isang pagtatangkang umaangkop sa ganito nilang limitasyon.

Sa kasalukuyan ang pangangailangan ng Kilusang Magbubukid ay ang pagpapatatag ng kanilang hanay. At may kaakibat na Gawain dito ang Gawain ng edukasyon. Sa harap ng lumalaking pangangailangan para sa maraming instructor, naghahandog ng tulong ang popular na edukasyon. Ang Popular na edukasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng mga pamamaraan sa pagtalakay na magpapadali sa pag – unawa kaya inaasahan din ang mabilis na pagpapalaganap nito. Sa proseso’y dumadarami ang maaabot ng pag – aaral at dumadarami rin ang napapasulpot na instructor sa mismong hanay nila.

Hindi dapat maging hiwalay ang Popular na edukasyon sa masa. Hindi ito magiging tapat sa kanyang pangalan (popular) kung ito’ y lutang at banyaga sa kanila. Kung hindi nakikita ng magbubukid ang kabuluhan nito sa kanila, magiging hungkag ang konseptong ito kahit ipagpilitan pa natin sa masa na ang tawag dito ay popular na edukasyon.

Sa madaling sabi, susi ang malawakang pagsuporta ng masa sa konseptong ito upang matawag natin siyang tunay na Popular na Edukasyon. Ang konseptong ito ay nabuo mula sa kanila at para rin sa kanila. Kung ganoon, walang iba, kundi sila rin ang nasa posisyong tumingin kung ito’y tumutugon sa kanilang pangangailangan. Sa ibang salita, kung marapat nga itong tawaging popular na edukasyon?

Ang lupa ay buhay na kung saan dito nagmumula ang lahat ng ating kinakain sa araw – araw, at dito din tayo babalik kung tayo ay mamamatay. ang matagal ng inaasam ng mga magbubukid sa Pilipinas maging ng mga katutubo ay mapasa kanila ang malawak na lupain na siyang ginagamit sa golf course at commercial establishment na ang makikinabang lamang nito ay ang mga mayayaman at may perang pambayad o pambili kung sakali. Kawawang magbubukid ibibinta niya ang kanyang lupa sapagklat sa dami ng binabayaran niyang kemikals, pestisayds, herbisayds kulang nalang magsusayds siya sa dami ng kanyang utang sa isang kapitalista.
Kaya sa paghahangad natin ng pagkakaisa ng simbahan at ng mga katutubo, naisin natin ang lahat na ang pagdating ng paghihiganti at pagpapatwad ng Diyos at ng sambayanan sa karapatan sa lupang ninuno ng mga katutubo at sariling pagpapasya sa ilalim ng tunay at ganap na kalagayan, demokrasya at katarungan. Ang lupa ay buhay, para maging isang matatag na bansa ay may mamamayang sariling lupa na sa lupang ito nabuo at pinagtagpi – tagpi ang ating kasaysayan, kultura, tradisyon, at pananaw para sa hinaharap. Totoo nga sa ating kasaysayan na mga Filipino, at sa lahat ng lahi sa buong mundo na sa kasalukuyan karamihan sa komunidad ng ating mga kapatid na mga katutubo at magbubukid ay nakakaranas ng displacement sa kanilang sariling lupa dahil sa militarisasyon at development. Karamihan sa mga kapatid natin ay manggagawa sa mga dayuhang bansa na nakakaranas ng pang – aabuso at pang – aalipin, mga magsasakang pinagkaitan ng kanilang ikinabubuhay na siyang pinagkukunan ng kanilang pagkain sa araw – araw. Ang pagkakaroon ng isang tahanan ay paagkakaroon ng lupa na nagsisilbing buhay na ganap at kasiya – siya.

Kaya bilang mga mabuting katiwala ng Diyos ay magkaroon tayo ng alternatibong polisiya patungkol sa pagmimina na nagbibigay interes at pangangailangan ng mamamayan na maglilinaw sa mga isyu at usapin patungkol sa pag – unlad ng pagmimina dito sa ating bayan lalo na sa Mindanao, Mindoro, Palawan, Cordillera Administrative Region. Igalang ang prinsipyo, karapatan at kaligtasan ng mamamayan. Pagdepensa sa national patrimony at soberenya ng ating bayan. Scrap ang mining act of 1995 na kung saan ito ang pabigat sa mga katutubo at mamamayan ng probinsang biktima ngLalarge Scale Mining.

No comments:

Post a Comment