Thursday, February 25, 2010

ANO ANG OTONOMIYA?
Pamamahala sa sarili ang otonomiya. Ang ibig sabihin nito, dapat maging Malaya ang isang Iglesya sa pagpaspasya ng para sa sarili nang walang pagpipigil mula sa iba. Ang resulta nito, inaako ng Iglesya ang responsibilidad sa kanyang mga desisyon at pananagutan niya ang kanyang mga pagpaspasya. Ang ibig ding sabihin ng otonomiya, tayo ang namamahala. Tayo ang magpapasya. Walang iglesya, gaya ng iglesya sa Estados Unidos, ang dapat magsabi sa atin kung ano ang daapat nating gawin, o kung ano ang hindi natin dapat gawin. Laban sa kalikasan ng buhay na nangingibabaw ang isang bayan sa isang baayan. Kapag ginawa ito, nalalabag ang dignidad at respeto sa sarili ng isang bayan, at hahantong yaon sa pagguho.
QUADRILATERAL GUIDELINES
SAAN SA BANAL NA KASULATAN MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Genesis 1: 27: Naniniwala ang mga Metodista na ang Banal na Kasulatan ang dapat na pangunahing batayan ng lahat ng paniniwala, doktrina at pagkilos. Bilang Biblical Reference, pagbulay – bulayan natin ang Genesis 1: 27, sa Theological terms, ito ang tinatawag nating “Imago Dei”. Binibigyang diin nito ang katotohanang ginawa ang tao sa wangis ng Diyos.
Tintatayang isinulat ang Genesis 1: 27 ng Priestly writers noong 586 – 538 B.C., kung kailan natalo ang Southern Kingdom ng m ga taga Babylonia at na – exile sila sa Babylon. Para sa isang bansa, walang pinakamsakit at pinakanakakahiyang pang – yayari kundi yaong malupig ka, pagsamantalahan, maging alipin ng ibang bansa, at paglingkuran ang sarilin mong kaaway na pumatay sa iyong mamayan. Ang katanungan ng mga Israelita noon: “ Kung talagang tinawag tayo ng upang maaging bayan ni Yahweh, bakit niya hinyaang dumating ang pinakamasakit na karanasang ito sa atin. Kung talagang pinili tayo upang maging mamayan ng Dios, bakit hinayaan niya tayong malupig ng Babylonia? Bilaang tugon sa katanungang ito, isinulat ng Priestly writers na “nilikha tayo mula sa wangis ng Dios” upang ipaalala sa kanila ang dakilang biyaya ng Dios sa bawat tao – ang kalayaan at dignidad. Sinasabi sa kanila na huwag mawalan ng pag – asa. Kung nalupig man sila, hindi nila kailangang manatili sa gayong kalagayan. Let us restore our dignity as a people and as a nation. Kung natalo man tayo, hindi natin kailangang manatili sa pagkaalipin… let us not settle down! Let us restore our identity as a people and as a nation.
Muling pinaalala sa kanila ang katotohanang ito noong 538 BC, noong natalo ng mga Persians ang mga Babylonians at sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus the Great, ibinalik sa kanila ang kanilang kalayaan at pinayagan silang makabalik sa kanilang lupain. Ngunit nagging kampante na ang karamihan sa mga tao sa kanilang kalagayan at wala nang balak bumalik sa kanilang lupain sapagkat tinatamasa na nila ang kasaganaan sa Babylonia. Kung kaya’t pinaalala sa kanila; “ Nilikha tayo mula sa wangis ng Dios”, samakatuwid, huwag nating ipagpalit sa kasaganaan ang kalayaan at dignidad. Huwag nating hayaang may ubasan nga tayo ngunit mananatili naman tayong alipin habang nabubuhay tayo. Let us restore our identity as a people and as a nation!
Ang pagiging “AUTONOMOUS ” ang fulfillment ng ating pagkatao bilang NILKHANG KALARAWAN NG DIOS. Ito ang panahong tatayo tayo sa sarili nating mga paa, buong laying gagawa ng desisyon at isulong ang mga gawain ng iglesya ayon sa ating konteksto at gampanan ito nang may dignidad.
Sa Galacia; ang sabi ni Pablo, walang karapatan ang isang menor de edad. Napapailalim siya sa pangangalaga ng isang guardian. Subalit kapg nagging adult na ang bata, nagiging lubusan na siyang responsible sa sarili niyang buhay at sa sarili niyang mga tinatangkilik, kung kaya hindi na niya kailangan ang sinumang guardian.
SAAN SA ATING TRADISYON MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Mababasa natin ito sa The Book of Discipline of the United Methodist Church. Sa section V, paragraph 546, mababasa natin ang pakahulugan ng Pinag – Isang Metodista sa isang Autonomous Methodsit Church. Sa paragraph 547, mababasa naman natin ang pakahulugaan ng Pinag – Isang Metodista sa isang Affiliated Autonomus Methodist Church. At as paragraph 548, mababasa natin ang mga procedures na kailangang sundin para tayo maging isang AFFILIATED AUTONOMUS METHODIST CHURCH.
ANO ANG ITINUTURO SA ATIN NG MGA PROBISYONG ITO?
Wastung – wasto at legal ang pagkilos para maging isang Affiliated Autonomous Methodist Church tayo ngayon, sapagkat ang Aklat ng Disiplina mismo ang nagbibigay sa atin ng gabay kung paano natin iyon makakamtan.
Walang ipinaparatang na secession ang Aklat ng Disiplina kapag naghangad ang isang kumprehensya sa labas ng Estados Unidos na maging autonomous. Sapagkat napakademokratiko ng United Methodist Church, iginagawad nito ang kalagayang autonomous sa mga naghahangad niyon basta’t susundin lamang nang buong kataimtiman ang naaangkop na procedure.
Malulusaw talga ang kaatayuang central conference at maitatag ang isang panibagong ugnayan. Irereorganisa ang central conference sa isang bagong organisasyong namamahaala sa sarili – kaya isisilang ng luma o dating dependienteng central conference ang ugnayang affiliated autonomous.
Tulad ng isang ina ang Inang Iglesia – ang United Methodist Churc – sa bagong silang na affiliated autonomous church. Hindi inaabandona ng Inang Iglesia ang kanyang anak; bagkus, ipagpapatuloy nila ang kanilang pakikipagugnayan sa isa’t – isa sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagdadalawan, pagkilala sa clergy ng isa’t – isa, pagpapalitan ng assistance, pagrerespetuhan, at pagsususportahan.
SAAN SA BUHAY AT KARANASAN NG ATING IGLESIA MAIBABATAY ANG AFFILIATED AUTONOMY?
Paano nag – exist ang iglesia? Hindi nag – exist ang iglesia sa vaccum. Nag – exist ang iglesia sa gitna ng lipunan; sa katunayan, bahagi siya ng lipunan. Dahil doon, tuwirang naapektuhan ang iglseia ng sitwasyon ng bansang kinabibilangan niya – pangkabuhayan, pampulitika, pangkultura. Anuman ang magaganap na lipunan, direktang naapektuhan ang iglesia.
Nagging otonomos ba ang Iglesia Kristiayana? Nakakatuwang isiping isang otonomous sa relihiyon ang mismong “ Kristiyanismo ”. nagsimula siya bilang isang kilusang layko sa loob ng relihiyong Judaismo hanggang maging sekta nito. Noong oanahon ni Emperor Theodosius I, hindi lamang legal ang kristiyanismo kundi dineklara itong “ Relihiyon ng Estado ” ng buong Emperyo ng Roma. Di naglaon noong 1054 AD, nahati ang kristiyanismo. Sa gawing silangan, ang Eastern Orthodox Church (Mga Kristiyanong Griego ang salita); at Romano Katolisimo (Mga kristiyanong Latin ang salita) naman sa gawing kanluran.
Nagging otonomos ba Protestantismo? Nagkaroon uli ng slit sa Romano Katolisimo noong ika – 16 na siglo sa pangunguna ni Martin Luther dahil sa ibat’t ibang usapin. Ito ang tinatawag nating “ The Great Reformation ” ang dakilang repormasyon. Dito din nagsiula ang protestantismo. Nagkatoon muli ng paghihiwalay mula sa Romano Katolisismo. Nagdeklara ang bansang England ng kanilang kalyaan mula sa Papa. Itinatag ni Haring Henry VIII ang “ Iglesia ng England ”. ito ang Anglican Church kung saan Pari si John Wesley.
Ang Kasaysayan ng Metodismo sa Buong Mundo
Nagsimula ang istorya ng Metodismo sa England. Nakarating iyon sa Amerika; pagkatapos, sa Pilipinas. Istorya ng isang iglesia ang istoryang ito, istoryang hinubog ng mga naganap sa gitna ng panlipunang kalagayan ng mga bansang nabanggit.
Dinala ni St. Augustine ng Canterbury ang Kristianismo sa England noong ika – 6 na. Humarap sa sumusunod na pagsubok ang impluwensiya ng Iglesia ng Roma, na paman ni St. Augustine sa England:
Hinamon ng pyudal na monarkia ang karapatanng papa na pagkalooban ng otorisasyon ang mga obispong Inggles (na sakop ng hari);
Sa maagang yugto ng parlamento, nagresulta ang mga tendensyang protektahan ang sarili ng ilang batas na nagrerenda sa panghihimasok ng mga dayuhan o sa pagkilala sa kapangyarihan ng mga dayuhang gaya ng papa; at
Isang nagigising na diwa ng nasyunalismo, na laban na sa Pransia sa simula’t sapul, ang nagtulak kay John Wycliffe na manindigan sa Biblia bilang alternatibo sa otoridad ng papa na nasa ilalim ng impluwensya ng Pransia sa malaking panahon ng ika – 14 na siglo.
Sa ganitong kalagayan, isinentro ng mga Inggles ang kanilang sumusulong na pambansang kasarinl;an sa kanilang hari, pinaunlad nila sa direksiyon ng nasyunalismo ang kanilang institusyong panrelihiyon, isinabats ang pagsesentro niyon sa monarkia, pinalakas ang sintemyentong laban sa papa.
Isinagawa ni Henry VIII ang unang – unang mayor na hakbang na nagging sanhi ng paghihiwalay ng Iglesia ng Inggles mula sa Iglesia ng Roma. At naitatag ang Iglesiang Inggles sa ilalim ng monarkia. Itinakda ng mga aksyong ito ang mga hangganan ng kapangyarihan para sa hinaharap – kinakailangang dumadaan sa Parlamento ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa doktrina, istraktura, at patakaran ng Iglesia. Hindi itinakda ang mga iyon ng otoridad sa labas ng England, alalong baga ay papa o ng Iglesia ng Roma.
Lumaganap sa maraming bahagi ng England ang resultang ispritwal na pananamlay at kaluwagan sa moralidad. Ang pag – aabuso sa kalayaan bilangf estilo ng pamumuhay sa palasyo mismo ng hari ang isang halimbawa nito – pinatunayan ito ng mahabang talaan ng mga kerida ni Charles II.
Bago natapos ang paghahari ni Charles II, nagbigay ng inspirasyon ang reaksiyon laban sa pagguho ng moralidad at relihiyosong konsensya ng England sa pagbubuo ng maliliit na religious societies o mga lipuang relihiyoso na naglalayong magtagayod ng kabanalan at disiplinang Kristiano. Ito ang nagging katangian ng mga lipunang relihiyoso ni John Wesley, nagtataguyod ang mga ito ng personal holiness o kabanalang personal at social holiness o kabanalang panlipunan.
Ang metodismo sa America
Noong nadiskubre ang America (New World) sumama si John Wesley papunta rito upang magmisyon. Sa Georgia nagsimula ang Metodismo sa mga kolonyang Amerikano. May dalawang layunin si John Wesley nang magtungo siya sa Georgia noong ika – 6 ng Pebrero 1736 kasama sian Charles Wesley, Benjamin Ingham, At Chrales Delamotte:
Iligtas ang kanyang kaluluwa; at
Gumawa sa Amerika ng karagdagang kabutihan.
Dumating sila sa Georgia, ngunit hindi nagging mabunga ang kanyang ministeryo kaya’t ipinasya niyang bumalik sa England.
Umusbong at lumago ang binhi ng Metodismong naitanim ni John Wesley at ng kanyang kasamahan sa Georgia. Ipinagpatuloiy ng kanyang mga “followers” ang gawain sa America. Itinuturing ang Georgia na pangalawang pagbangon ng Metodismo.
Ang paglago ng Metodismo sa America
Tinanggap ni George Whitefield ang renda sa Amerika mula kay John Wesley nang bumalik ang huli sa England noong Disyembre 1737.
Limitado ang nagging tagumpay ng metrodismo sa Gergia dahil sa tension pampulitika at personal. Humiling si George Whitefield ng mga mangangaral kay John Wesley noong 1767. pinili ni John Wesley si Francis Asbury, isa sa mga nagboluntaryo, para isugo sa Amerika. Inordinahan sina Francis Asbury at Thomas Coke, pagkatapos, inapoint sila ni John Wesley bilang mga Obispo sa Amerika.
Tumindi nang tumindi ang political unrest sa Amerika sanhi ng aksyong military laban sa mga Pranses. Pinayuahan ni John Wesley ang kanyang mga mangangaral na gumawa ng daan para sa kapayapaan, na maging maibigin at mabait sa lahat.
Sumulat ng isang liham si John Wesley kay Earl ng Dartmouth (Secretary of State para sa kolonyang Amerikano) at nagpadala siya ng kopya kay Lord North (Punong ministro at unang panginoon ng tresurera) na nagtatanggol sa mga kolonista ng kanilang mga legal na karapatang ipahayag ang kanilang mga sentimyento, at nagbigay ng argumento para sa pagkakaunawaan at nagsalita laban sa pagsugo sa adhikaing military sa mga kolonyang Amerikano bilang isang talunang proposisyon.
Nalagay ang mga metodista sa Amerika sa isang kakatwang pusisyon. Bahagi sila ng isang kilusang Inggles na pinangungunahan ng isang tapat na Tory. Kaalinsabay niyon, inaasahan silang maging mga tagagawa ng daan tungo sa kapayapaan ng kanilang lider, na katumbas ng pagiging Loyalista sa tingin ng maraming mga Kolonista (kahanay ng pasipismo), at pagtaksil sa adhikaing Amerikano. Walangf kamalay – malay ang mga kolonya tungkol sa mga liham ni John Wesley. Iminungkahi niya kay Thomas Rankim (General Assistant ni John Wesley sa Amerika noong 1773) na pabalikin si Francis Asbury sa England, subalit napag – alaman niya noong kumprehensiya ng Agosto 1775 na mananatili pa si Francis Asbury sa Amerika nang isa pang taon.
Nagbago ng tindig ni John Wesley hinggil sa pampulitikang sitwasyon sa Amerika, na ikinagalit ng mga kolonistang Amerikano. Ipinalagay niyang walang moral o legal na timbang ang mga argum,ento ng mga kolonista, tulad ng “Walang pagbubuwis nang walang representasyon,” at iresponsable ang kanilang karaningan pabor sa kalayaan at pagsasarili mula sa Inggles na pamatok.
Nakaragdag ang lantarang anti – Amerikanong paninindigan ni John Wesley sa tension sa marupok nang posisyon ng kanyang mga metodistang tagasunod sa Amerika. Pinagsuspetsahan ang karamihan sa kanila na may simpatyang Loyalista dahil sa kanilang kaugnayan sa isang “Loyalista’. Bumalik sa Englans noong 1777 ang lahat ng mga metodistang mangangaral na inappoint ni John Wesley sa mga kolonyang Amerikano, maliban kay Francis Asbury, dahil nasa mga Amerikano ang kanyang simptya.
Isinugo ni John Wesley sina Thomas Coke (Obispo0, Whatcoat, at Vasey (Ordiandong Presbitero) sa Amwerika taglay ang isang planong magtayo ng isang Iglesia metodistang hiwalay sa Iglesia ng England. May esensyal na ekklesyastikal na features ng isang pang “Iglesiang” denominasyon ang iglesiang itatayo. Meron iyong ordiandong clergy na mangangasiwa sa mga sakramento at may upisyal na aklat ng servicio (Liturhiya at mga pandoktrinang pamantayan). Iminungkahi ni Francis Asbury na pagtibayin ng kumprehensya ang plano ni John Wesley.
Idinaos ang Pamaskong Kumprehensya sa Lovely Lane Chapel sa Baltimore, Maryland noong 1784, sa kumprehensyang ito, pinagtibay ang mga makabuluhang aksyonng nagbibigay – hugis sa Amerikanong Metodismo:
Inihalal sina Francis Asbury at Thomas Coke bilang mga Obispo (Amerika)
Isinaalang – alang ang plano ni John Wesley at inadopt ang pinakahuling bersyon ng large Minutes (1780) (na tinagurian na ngayong Conference Journal) sa eksenang Amerikano.
Narebisa ang British Minutes para lumikha ng unang Amerikanong “Anyo ng Disiplina” – nagsilbi itong “Binding Minute”, alalong baga ay nagbibigay ng Amerikanong kontrol sa kanilang connection.
Nag – establisa ng isang bago at hiwalay na denominasyon – ang Methodist Episcopal Church (MEC).
ANG PAGLAGO AT PAGLAGANAP NG METODISMO SA AMERIKA
Noong 1816, dahil sa isyu ng racial discrimination, minabuti ng mga itim (black amrican) sa pamumuno ni Richard Allen ang pagpapatayo ng hiwalay na Iglesya. Tinawag nila itong “African Methodist Episcopal Church”. (AMEC)
Noong 1821, isa naming paghihiwalay mula sa Methodist Episcopal Church ang nangyari sa parehong isyu. Tinawag ng grupong ito ang kanilang sarili na “African Methodist Episcopal Zion Church”. (AMEZC)
Noong 1830, isang gru[po naman mula sa mga layko ang nagpasyang magsarili dahil sa hindi magandang pamamalakad ng mga pastor at mga Obispo. Tinawag nila ang kaniliang grupo na “Methodist Protestant Church”. (MPC)
Noong 1845, dahil sa isyu ng pang – aalipin, nagkaroon ng isa pang paghihiwalay. Mula sa paghihiwalay na ito, nabuo ang “Methodist Episcopal Church South”. (MECS)
Noong 1870, mula sa MECS, humiwalay ang nalabing grupo ng mga itim at tinawag nila ang kanilang grupo na “The Colored Methodist Episcopal Church”, Ngayon ito na ang “ The Christian Methodist Episcopal Church”. Kasama ng AMEC, at AMEZC, miyembro ang CMEC sa World Methodist Council.
Noong 1939, nagsama uli ang MEC, MPC, at MECS at tinawag ang kanilang sarili na “ The Methodist Church”.
Sa kabilang panuig ng Amerika, sa pangunguna nina Philip William Otterbein, at Martin Boehm, itinatag nila ang “Church of the United Brethren in Christ’. Noong 1800.
Noong 1803 naman, isang tilemaker mula sa Pensylvania ang nagtatag ng “Evangelical Association”.
Subalit noong 1891, humiwalay ang ibang miyembro mula sa Evangelical Association at itinatag ang “United Evangelical Church”.
Noong 1922, muling nagsama ang Evangelical Association at United Evangelical Church, at tinawag nila ang kanilang mga sarili na “ The Evangelical Church”.
Noong 1946, nagsama ang Church of the United Brethren in Christ at The United Evangelical Church, at tinawag nila ang knailang sarili na “ Evangelical United Brethren”.
Noong ika – 23 ng Abril 1968 sa Dallas, Texas, nagsama ang The Methodist Church, at ang Evangelical United Brethren, at tinawag itong “The United Mehtodist Church”.
Ang Pagsimula ng Metodismo sa Pilipinas
Magkaagapay ang kolonyalismo at kristiyanismo pagdating sa Pilipinas. Nasakop ng mga kastila ang Pilipinas sa loob ng 350 taon sa pamamagitan ng pagkukombina ng espada at krus. Nang isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos noong 1898, nagging kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas. Simula noon at sa pamamagitan nito, naitakda ang panlipuang sitwasyon ng bansa.
Dumating ang Amerikanong Protestantismo sa Pilipinas kasama ng pwersang mananakop ng Estados Unidos. Naihanda ng kampanyang military ng Estados Unidos noong huling bahagi ng ika – 19 ng siglo (19th Century) ang daan sa pagdating ng Metodismo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ang unang karanasan ng ng Estados Unidos sa kolonyalismo.
Upisyal na pumasok noong 1898 ang Metodismo sa Pilipinas bilang pagmimisyon ng Methodist Episcopal Church ng Estados Unidos sa pamamagitan ni Chaplain George Stull. Pamilya ni Don Paulino Zamora, pamangkin ng pinatay na paring si Jacinto Zamora, ang isa sa pinakaunang yumakap ng Metodismo nang dumating ito. Noong 1990, naordinahan bilang kauna – unahang Metodistang Pastor si Nicolas Zamora. Noong 1908, nabuo ang Philippine Island Conference.
Sa panahong ito di nawawala ang diwa ng nasyunalismo sa mga Pilipino. Patuloy nilang ninais ang pagiging tumay na Malaya mula sa panghihimasok ng mga dayuhan. Hindi nawala ang diwang nagnanais ng kalayaan sa mga Pilipino.
Mula pa noong maagang yugto ng 1900, naghangad ang mga Metodistang Pilipino ng isang katutubong Iglseya Metodista sa Pilipinas. Sa Tondo, Manila, itinatag ng mga Metodistang Pilipino ang “Katotohanan Society”. Ito ang grupo ng mga Pilipinong Metodista na nagnanais sa magtatag ng “Indigenous Methodist Church”. Merong sumisidhing disgusto at hinanakit sa hanay ng mga lider ng katotohanan Society laban sa mga Amerikanong lider – misyonero. Hindi nila kinukwestisyon ang doktrinang Metodista, ang nais laamng nila, hindi mga kano, kundi mga Pilipino ang mamuno sa Iglseya.
Upang ma – pacify ang grupong ito, pinadala ng mga kano si Nicolas Zamora.
Narinig at nakita ni Nicolas ang hinaing ng mga tao. Di tumigil sa pag – apila ang di – mapalagay na mga kaanib ng Tondo Methodist Church kay Pastor Nicolas Zamora na pangunahan sila sa independienteng Pilipinong Iglesya Metodista. Nagging tapat siya sa Methodist Episcopal Church. Subali’t pinagduduhan at pinagsuspetsahan siya ng ilang misyonero at ginawan ng mga isyu. Ditto naki8ta ni Nicolas Zamora na may dahilan nga ang grupong ito na hingin ang kanilang kalayaan at dignidad. Ito ang nagtulak sa kanya para humiwalay sa MEC. Noong 1909, nagging lider ng mga Pilipinong Metodista si Nicolas Zamora, at itinatag nila at inorganisa ang isang independienteng Pilipinong Iglesya Metodista (na tinguriang IEMELIF “Iglesya Metodista En Las Islas Filipina”). Ngayon, miyembro din ang IEMELIF ng NCCP (National Council of Churches in the Philippines). Member din sila ng World Methodist Council. Humiwaly si Nicolas Zamora mula sa MEC dahil sa parang mga bata kung tratuhin ng mga Amerikanong misyonero ang ga Pilipinong kanilang minimisyunan at inebanmghelyuhan. Nais pa ng mga Amerikanong misyonero na kontrolin at isentralisa ang pagmimisyon at pag – eebanghelyo.
Nagpatuloy ang pagnanais ng mga Pilipino na patunayang kaya nila, hindi lamamng ang ministeryo, kundi ang pamumuno. Dahil lagi na lang may kakulangan ang mga Amerikanong Obispo sa mas makaranasan at matagumpay na mga kaanib ng Pilipino ng Kumprehensya Anwal para pangasiwaan ang mga probinsiyang walang misyonero. Limang Pilipinong superintendente ng distrito. Noong 1915 (After 17 years), dalawang Pilipinong Pastor ang nagging District Superintendent sina (Catalino Santos ng Bataan District at Lorenzo Tamayo ng Tarlac District). Gayon nagsimula ang Pilipinisasyon ng Metodistang liderato noong 1915.
Noong 1924, nakahalal tayo ng unang Pilipinong delegado sa General Conference sa kataohan ni Dionisio Diesta Alejandro.
Nagsisimpatiya maging ang ilang Amerikanong Metodistang lider na naka – assign sa Pilipinas sa hangarin ng mga Pilipinong Metodista na maging isang katutubong iglesya. Sumusuporta rin sila sa inaadhikaing independensya ng sambayanang Pilipino.
Nagharap si Dr. Joshua Cottigham ng isang resolusyon noong 1926 sa Kumprewhensya Anwal ng 1926. dahil sa resolusyong ito, nalagay ang hangarin ng Philippines Islands Annual Conference (PIAC) para sa isang katutubong Iglesya Metodista.
Suporta sa mga Pastor at sa lahat ng gawaing ebanghilistiko.
Pamamahala sa sarili; at
Sariling pagtataguyod ng ebanghelyo.
Nagpakita si Dr Joshua Cottingham ng suporta sa hinahangad na independensya ng sambayang Pilipino. Sa panahon ng sesyon ng PIAC ng 1926, nagkaroon ng aksyon na pagtibayin ang isang resolusyon hinggil sa hinahangad na pampulitikang independensya ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatibay na muli sa aksyon ng Kumprehensya Anwal ng 1922 na nagpapahayag ng lubusang simpatya sa hangaring political identity ng mga pilipino.
Patuloy ang pagsusumigasig ng mga Pilipino na patunayang kaya nilang mamuno, kung kayat noong 1932 mga Pilipinong Elders na ng Kmuprehensya Anwal ang lahat ng mga Superendente ng Distrito, ibig sabihin, nasa ilalim na ng pamumuno ng mga Pilipinong DS’s ang lahat ng mga distrito.
Noong 1933, isa na naming hiwalayan ang nangyari. Naitatag ang Philippine Methodist Church
Nagpatuloy ang pagsusumigasig ng mga pilipino para patunayang kaya niyang pamahalaan ang kanyang sarili. Noong 1936, nagpasa ang kumprehensya Heneral ng MEC ng isang Enabling Act para sa organisasyon ng isang Kumprehensya Sentral sa Metodismo sa Pilipinas. Mula noon, umiral na ang Kumprehensya Sentral ng Pilipinas bilang pangorganisasyong istraktura ng Metodismo sa bansa. Noong 1940, nagkaroon ng unang sesyon ang Philippine Central Conference. Noong 1942, nagging acting head of Philippine Methodism si Francisco Galvez. Noong 1944, (after 26 years) nakapaghalal tayo ng kauna – unahang Obispo na Pilipino sa katauhan ni Dionisio Diesta Alejandro.
Noong 1948, nagsama – sama ang Philippine Methodist Church, kasama ng Presbyterian, The Disciples, The Evangelical United Brethren (Na tatay natin sa Amerika), at The Congregationalist at nabuo ang United Church of Christ in the Philippines (UCCP)
Sa panahon ng ika – 18 na sesyon ng Kumprehensya Sentral ng Pilipinas noong 1964, nagbuo ang Philippine Central Conference committee of Structure of Methodism Overseas (PCC – COSMOS) ng Study Commission on Church and ecumenical Relation. Si Dr Emerito P. Nacpil ang nagsilbing taga pangulo ng komisyong ito. Noong 1966, nagpresent ang COSMOS ng limang alternatibong istraktura at isa dito ang Otonomiya.
Noong 1968, sa panahon ng ika – 9 na regular na sesyon ng PCC, iprinisinta ng Study Commission ang ikalawa nilang ulat. Bilang resulta, gumawa ng upisyal na aksyon ang Kumprehensya Sentral para sa isang Modified na istraktura ng Kumprehensya Sentral. Sa kasamaang palad, sa panahon ng Kumprehensya Heneral ng 1970, walang isinagawang aksyon hinggil sa PCC memorial on Church Structure. Ipinagpaliban ng Kumprehensya Heneraal – COSMOS ang paggawa ng aksyon kaugnay ng aksyon ng PCC sa Kumprehensya Heneral ng 1972.
Noong 1972, tinanggap ang ulat ng COSMOS, binigyang laya ng PCC na magdesisyon kung mananatili itong Kumprehensya sentral O maging Affiliated Autoniomous. Tulad ng inaasahan, pagdating nga ng 1976 Central Conference Session, in accordance with the Enabling Act of 1976 General Conferece nanalo nga ang Affiliated Autonomy. (158 ballots cast; 103.5 – 2/3 majority; 109 voted for autonomy while 46 voted against). Tuwang – tuwa ang mga tao, palakpakan ang buong Kumprehensya habang nag – iiyakan sa galak ang iba pa. Pagkatapos ng mahabang taong ipinaaglaban ang kasarinlan, sa wakes naipanalo ito ng mga Pilipino.
Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo ng mga Metodistang Pilipino noong ideneklara ang action na ito na “null and void” dahil sa kakulangan nitong ilahad ang quantified 2/3 aggregate votes. (Isang kumprehensya ang nag – ulat ng “unanimously approved” at hindi naitala ang bilang ng mga bumoto). Naglapse na sa ibinigay na time frame bago naayos ang bagay na ito kaya’t natalo ang usaping ito dahil sa technicality. Ang nakakalungkot, tumalokod ang mga taong haligi ng movement na tio noong nasa posisyon na sila.
Nanatiling buhaay ang hangaring Otonomiya hanggang dekada 80. ipinagpatuloy ng mga layko, diyakonesa, kabataan, at mga pastor ang pakikibaka para sa otonomiya.
Nagpatuloy ang hangarin para sa kasarinlan. Patruloy ang mga tao na nagpursige para sa usaping ito. Napahinuhod nila si Dr. Daniel Arichea na translatornoon ng United Bible Society na kumandidato bilang Obispo at dalhin ang usapin ng otonomiya. Hindi naman siya delegado sa Kumprehensya Sentral at wala siyang panahong mangampanya. Ngunit hiniling ng mga tao na taanggspin niya lang ang pagkandidato at sila na ang bahalng mangampanya. Noong 1994, nahalal si Dr. Daniel Arichea bilang Obispo (in absentia). Sa panahon ng panunungkulan niya, muling lumakas ang usapin ng otonomiya. Noong 2000 Central Conference, nahalal ang tatlong incumbent bishops na hayagang nagdeklara na para sila sa “Affiliated Autonomy”.
Ipinakita ng kasaysayan ng Metodismo kung paano yaon nagsikap at nakipagbuno para manatiling totoo at tapat sa kanyang misyon at ministeryo, kung gaano yaon kinompronta at nahamon ng pangangailangang mabuhay sa paraang pinamamahalaan, itinataguyod, at sinusustini niya ang kanyang sarili.

No comments:

Post a Comment